Chap. 14
"Happy birthday to you." Sabay-sabay na kanta ng mga bisita habang nasa harap kami ni Zian at ready ng i-blow ang 1st birthday candle na nakalagay sa ibabaw ng adventure time theme cake niya.
Mabilis lang na lumipas ang taon, ni hindi ko na namalayan, isang taon na ang anak ko. Maraming nangyari at nagbago sa buhay ko, bukod sa may anak na ako. Naging mature na din ako pagdating sa mga desisyon at ginagawa sa buhay. Ngayon palagi ko ng isinasaalang-alang ang anak ko. Ayoko ng magpapadalos-dalos katulad ng mga ginawa ko noon. Hangga't maaari ayoko ng may nasasaktan ng dahil sa'kin at sa mga pinaggagawa ko.
Kung balita naman tungkol kay Jan at Moira ang tatanungin, last thing I know nasa Canada sila. Jan e-mailed me quite sometimes asking for Zian's photo. Si Moira naman ay ilag pa din sa'kin pero hindi na ganon kalala gaya ng dati na sobra ang galit niya sa'kin. Pero naintindihan ko naman siya don. Jan greeted our son one week before the exact date of his birthday. Nagpapackage pa siya ng gift para sa anak namin. I always asked him about Moira, how is she. Kung okay na sila. But he just said everything was fine. 'Yon lang at hindi na din ako nagtatanong ng kung anu-ano pa at baka pag-awayan na naman nila at ayoko namang isipin na naman ni Moira na inaagaw ko na naman si Jan sa kanya. Masaya na ako, kasama sila mama, Lindz, Arth, our little angel Zian at ang best ko si Yka. Ano pang mahihiling ko.
"Nasaan na ba kayo? Naku, your late na. Nag-blow na ng candle si Zian. Yang pinsan mong yan ha pag nakilala ko yan naku humanda siya sa'kin."Narinig kong sabi ni Yka sa kausap niya sa kabilang linya, ng palapit ako.
"I guess si Iñigo 'yan. Sinusungitan mo na naman."Nakangiting sabi ko kay Yka.
"Hay, naku best pa'no ba naman hindi na nga sumabay sa'kin dahil biglang tumawag ang mom niya na kung pwede daw sunduin 'yung pinsan niya sa airport. Wala daw ibang susundo."Aniya pagkatapos ng tawag.
"Alam mo naman yang boyfie mo best di ba? Good boy, masunurin. Baka naman wala talagang ibang susundo."Sabi ko para pakalmahin si Yka.
"Yun na nga. Sobrang masunurin, na kahit may usapan kami hindi natutuloy at isa pa may iba pa naman siguro siyang mga pinsan na walang ginagawa. My goodness. Grrr! Nakakaasar talaga." Dugtong pa ni Yka.
"Sus ikaw naman. Wag mo nang awayin. Buti nga mabait yang si Iñigo eh. Ayaw mo non?" Tukso ko kay Yka.
"Hindi naman sa ganon. Kaso mahirap din pag sobrang mabait. Piling ko ba na ako ang magkakasala sa kanya, balang araw. Saka kasi-"Naputol ang sasabihin niya ng lumapit si mama karga si Zian na umiiyak.
"Naku, pagod na ang inaanak ko. Come to ninang patutulugin kita." Kinalong niya si Zian na agad namang ipinahinga ang ulo sa balikat ng ninang niya at inihili naman ito ni Yka.
"Ano na nga bang pinag-uusapan natin?" Tanong ni Yka.
"Ang pagiging butihin ng boyfriend mo." Nakangiting sabi ko habang hinihimas ang likod ng anak ko.
"Yeah, just what I'm saying best. Mahirap din ang masyadong mabait kasi nga baka ako pa ang magkasala sa relasyon namin."Reklamo ni Yka.
"It won't happen best, I know you. Maldita ka lang but your too innocent in making a mistake."
Ngumiti si Yka sa sinabi ko, ganon din ako sa kanya.
Patapos na ang birthday celebration ni Zian. Alas singko na ng hapon, nagsiuwian na ang ibang bisita at iilan na lang ang naiwan. Mga malapit na kamag-anak at ibang kaibigan na lang, nang dumating si Iñigo. Si Zian nama'y nakatulog na sa kwarto namin.
"What now?!"Iritadong tanong ni Yka kay Iñigo ng papalapit ako sa kanila.
"That's why I explained di ba. But you didn't listen."Iñigo said in a low voice. Siya talaga ang mahaba ang temper sa kanilang dalawa ni Yka.
Nasa may terrace sila non, hindi naman nakakaagaw ng pansin ang pagtatalo nila kaya hinayaan ko na muna silang mag-usap at inabala ang sarili sa mga bisitang nagpapaalam na uuwi na.
"Iha, uwi na kami ha salamat sa pag-imbita. Nagpaalam na din kami sa mama mo." Sabi ng tita ko na panganay na kapatid ni mama kasama ang dalawang apo nito. Kinalong ko pa ang mga ito at hinalikan sa pisngi. Kay gagandang mga bata.
"Walang anuman po tita, salamat din po sa pagdalo sa uulitin po." Ngiti ko sa kanila.
Sunud-sunod na din ang mga nagpaalam. Nang tuluyan ng mawala ang mga bisita, at pansin kong medyo okay na sina Yka at Iñigo saka ako lumapit sa kanila.
"Hi, kamusta Iñigo?" Bati ko.
"Ayos lang Lala, san na si Zian? Itong gift ko, bigay ko sana sa kanya." Nakangiti sa'kin si Iñigo.
"Tulog na nga di ba. Duh, kung maaga ka naibigay mo yan ng personal." Si Yka ang sumagot na halatang inis pa din.
"Look, Lala. Your bestfriend still mad at me." Inakbayan niya pa si Yka at pinisil ang pisngi nito.
"Tseh, pwede ba wag kang magpacute diyan, nakakairita ka."At pilit inaalis ni Yka ang kamay ni Iñigo na nakaakbay sa kanya.
"You're really a cute couple." Komento ko na pinanglakihan naman ng mata ni Yka.
Humagikgik ako sa reaksyon ni Yka.
"Here, Lala. Ikaw ng magbigay kay Zian. Sana magustuhan niya." Abot ni Iñigo sa may kalakihang regalo niya para kay Zian sa'kin.
"Thanks for this, I'm sure he will like it."
"By the way, i'll invite you two the day after tommorow. Papakilala ko sa inyo si Allen 'yung sinundo ko kanina. Gusto niya kasi magboracay. Ang corny naman kung kami lang so I suggest na isama kayo." Nakahawak na siya sa bewang ni Yka ngayon.
"Wow, exciting yan. Sige na best sama na tayo, tutal sa makalawa pa naman 'yon." Pumalakpak pa si Yka pagkasabi niya.
"Hindi ka naman excited niyan ha, kanina lang asar ka na sa pinsan niyang si Iñigo. Sabi mo pa wag mo lang makikita at baka kung anong magawa mo." Tukso ko na mukhang ikinapula ni Yka.
"It's that true sweety?"
"Grabe hindi naman." Pinandilatan niya ako ng mata, ganyang siya palagi pag may ayaw ipaalam.
"Nanlalaki na naman ang mata mo sweety ko." Tukso ni Iñigo at tinawanan ko. Pikon na 'to, I'm sure.
"Sige pagtulungan niyo ko. Hindi ako sasama sa bora na yan. Maghanap ka na ng bagong girlfriend." Hamon niya kay Iñigo na ikinataranta naman ng isa, sabay walk out.
"Sweety, tignan mo 'to. Di na mabiro, it was just a joked." Habol niya kay Yka.
Tinawanan at napailing na lang ako sa kanila. They really compliment each other, isang isip bata at isa pang isip bata. Hindi, isang pasensiyoso at isang asar talo.
Natapos ang araw ko ng maayos. Pagod man, masaya ako dahil naka-isang taon na ang anak ko.
Pinagmamasdan ko ang natutulog kong anak, at hinalikan ko ang noo niya. I'm so happy having him in my life. Alam ko marami akong kapalpakan sa buhay, pero sa kabila non binigay pa rin niya sa'kin ang biyayang ito, my son. Sana lang kahit wala ang ama niya sa kanyang tabi ay lumaki pa din siyang masaya.
BINABASA MO ANG
One Heartless Woman
RomantiekHello po fellow readers and writers. Dahil sa tagal na hindi ko na-UD 'tong story ko dahil naging busy po talaga ako, ne-revised ko na lang pero may hawig pa din naman 'to don sa una. Pasensiya na sa mga wrong grammar at iba pang errors. And guys th...