Chapter 16

139 4 1
                                        

CHAP. 16

*Zac Allen 

"Tita!" Malaki ang ngising salubong ko kay tita Aura.

"Iho, you surprised me. Kailan ka pa dumating? Hindi ka man lang nagpasabi, sana'y nasundo kita." Sabay beso at yakap sa'kin ng paborito kong tita.

"It's okay 'ta, si Inigo po nagsundo sa'kin. Three days na ako sa Manila." Sabay upo ko sa sopang naroon at ipinahinga ang pagod kong katawan sa biyahe. "Namis ko po ang Pilipinas, pero syempre mas namis kopo kayo." Sabay kindat ko kay tita.

"Naku, hindi ka pa din nagbabagong bata ka, bolero ka pa din." Ngisi ni tita.

"Nah, I was just telling the truth 'ta." Nakangising sagot ko.

Ngumiti din si tita bilang tugon.

"Maganda ang pagkakarenovate nitong kubo tita, ha." Puna ko at iginala ang paningin sa buong paligid ng may mapansing isang bagay.

"Really ha, buti naman at nagustuhan mo." Nakiupo na din si tita sa tabi ko.

"It's still here.'" Puna ko sa larawang nasa may lamiseta. Kuha iyon ng mga bata pa kami ni Inigo kasama si tito Joe.

"Syempre, hindi ko naman 'yan inalis dyan kahit kailan."  At inabot ang larawang hawak ko. "Maliit pa kayo dito ni Inigo, ngayon mas mataas na kayo sa'kin. namis ko tuloy bigla ang tito Joe nyo." Halos maluha-luha pa si tita kaya biniro ko na lang siya.

"At mas gumwapo di ba 'ta." Ngisi ko.

"Oo na, at mas mukhang naging pilyo at palikero." Ngumiti na din si tita. "Nga pala kanina pa tayo nagdadaldalan, mag-isa ka lang ba? Ang akala ko kasama mo ang pinsan mo dito?" Tanong ni tita at iginala ang tingin sa labas inakalang may kasama ako.

"Wala pa sa ngayon 'ta." Makahulugang ngisi ko.

"What with that smile ha, you're really full of surprises young man." Nagtatakang turan ni tita at ginulo pa ang buhok ko.

"Tommorow you will know what I mean tita. You know me naman."

"Sus, ikaw talagang bata ka. Ah nga pala kumain ka na ba? Do you want something to eat, anything na gusto mo ipapahanda natin."

"Nah, I'm not really hungry, papahinga na lang po muna ako saglit."

"Okay, sigurado ka ha. Mamaya kwentuhan mo ako ha, marami kang utang na kwento sa'kin."

"I know. Oh, wait tita I have something for you, I almost forgot."

"Nag-abala ka pa, pero salamat na din dito iho." Sabay abot ng pasalubong ko.

One Heartless WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon