Chapter 29

128 3 0
                                    

Chap.29

*Lala

Sa ilang buwan na I'm in relationship with Zac ay naging masaya ako. At sa mga ginagawa niya na hindi lang para sa'kin at para na din sa anak kong si Zian ay lalo akong nahuhulog sa kanya. Akala ko nga dahil hindi maganda ang nakaraan ko sa pag-ibig ay hindi na ako magmamahal pa ulit. Pero ito siya't pinaparamdam sa'kin na masarap magmahal at mahalin.

We are both busy sa mga negosyo namin pero hindi naman kami nawawalan ng time para sa isa't isa. Lalo na siya, kung hindi kami nagkikita'y pinapadalhan niya ako ng lunch with bouquet of roses sa shop ko. Madalas niya akong surprisahin. He's always do things na nakakapagpakilig at nakakapagpasaya sa'kin, kahit na nga magboyfriend na kami, madalas pa din siyang mag-effort para sa'kin. Hindi ko man sabihin o aminin sa kanya, lumalalim na din ang pagmamahal ko sa kanya.

"Ma, are you sure I looked okay?" Tanong ko kay mama, habang pabalik-balik ang tingin ko sa salamin.

Nasa kwarto ko kami ngayon, kasama din ang kapatid kong si Lindzey at ang anak kong gising pa at kalaro ang kanyang tita.

Dumating ang parents ni Zac kahapon galing California at ngayon nga'y magkakaroon ng party para sa pagwelcome back sa kanila. Magtatagal ang mga ito, dahil dalawang buwan na lang ay magpapasko na. Gusto ng mga ito na dito naman magpasko sa Pilipinas kasama ang dalawang anak at ang apo kay ate Zoe.

Gaganapin ang party sa kanilang Mansyon. Katext ko si Yka at dahil boyfriend niya si Iñigo na pinsan ni Zac ay invited din siya. Naroon na sila ni Iñigo at ayon sa kanya'y maraming bisita mga kilalang tao sa negosyo. Ang iba nama'y malalapit na kamag-anak at kaibigan ng pamilya.

Nagtanong din ako kung nakita na niya ang parents ni Zac. Napakilala na siya ni Iñigo sa mga ito. Ang daddy ni Zac na kapatid ng daddy ni Iñigo ay palangiti at masayahin daw, marahil dito nila nakuha ang pagiging masayahin din nilang magpinsan. Samantalang ang ina daw naman ni Zac ay tipid kung ngumiti at mukhang mataray. Lalo lang tuloy akong kinabahan. Kapag naiisip ko ang pagkakalarawan ni Yka sa magulang ni Zac ay hindi ko maiwasang mapakagat labi at umiling.

"You're beautiful anak. Don't worry okay." Ngiti sa'kin ni mama at hinawakan ang balikat ko. Sa tinuran ni mama kahit papaano'y nabawasan ang aking pangamba.

I look at myself in the mirror. I'm going to meet Zac's parents tonight and it makes me feel nervous. To many question come rushing on my mind. What if they don't want me for their son. What if they've think I'm not good enough because of my past. So many what ifs, buntong hininga ko.

"I'm sure ate lalong ma-iinlove sa'yo si kuya Zac." Komento ni Lindzey na ikinangiti ko.

"Pretty si mommy di ba Zian?" Tinanong pa nito ang anak ko at nagtawanan kami ng nag-thumbs up ito, sabay sabi ng mommy. "O, di ba. Marunong tumingin ng pretty 'tong baby namin eh." Dugtong ni Lindzey at hinimas ang buhok ng baby ko.

Nag-uusap kami ng kumatok si Arth at pinagbuksan siya ni mama. "Ma, nasa baba si kuya Zac." Sabi ni Arth sa'min na may dalang bola, galing ito sa laro.

Muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili sa salamin. I'm wearing an elegant Black Spaghetti Strap Sweetheart Cocktail Dress at black pumps din. Kinulot ni mama ang laylayan ng buhok ko at hinayaang nakalugay ito at umaalon-alon sa bawat paggalaw ko. Ang make up ko ay simple at light lang, kahit mahilig ako sa damit pagdating sa make-up hindi masyado.

Naunang bumaba sina mama at Lindzey na kalong si Zian. Nasa likod nila ako at dahan-dahang bumaba. Kinakabahan talaga ako ngayon. Kahit sanay ako sa pagsuot ng pumps piling ko mahuhulog ako sa iilang baitang lang ng hagdan namin at magpapagulong- gulong pababa.

"Good evening po tita, Lindz, hello Zian." Bati ni Zac sa kanila ng nakangiti.

"Good evening din iho." Ganting bati ni mama.

One Heartless WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon