Chap. 12
Nasa grocery store kami ni Yka. Siya'y nasa may fruit stand, ako nama'y may tinitignan pang isang food product ng biglang may humawak sa aking siko na ikinabigla ko. Paglingon ko'y, mas ikinabigla ko pa.
"Jan!" Tanging nasambit ko.
"I'm sorry, nabigla ba kita? I just want-" Huminga siya ng malalim bago muling nagpatuloy. "Lala can we talk?" Nakatingin siya sa tiyan kong malaki na.
"For what reason Jan?"
"Please Lala, mag-uusap lang naman tayo. Kahit saglit lang." Halata ang prustrasyon sa mga mata niya.
"Lala, may napili na ko, magbabayad na-" Naputol ang sasabihin pa ni Yka.
Gulat na may halong galit ang tingin niya kay Jan.
"Hoy, Lalaki. Ginugulo mo na naman ba ang kaibigan ko ha." Sabay hila sa'kin ng mahina. "Let's go best." Aniya.
"Ikaw na lang muna magbayad ng mga napamili natin Yka. Mag-uusap lang kami ni Jan." Sabi ko, para na din sa closure namin.
Yeah, its been five months nung huli naming pag-usap. Ni hindi namin napag-usapan ang nangyari sa bar dahil hindi ko na siya hinarap pa ng magpunta siya sa bahay.
"Best naman. Kakausapin mo pa yan. Pagkatapos ng mahabang panahon ngayon lang yan nagpakita ulit. Para saan ha. Lalaki?!" Galit ang tono niyang dinuro duro pa si Jan.
"Best, ako na 'to. Please, okay lang ako. Wag kang mag-alaala." Ngiting sabi ko.
"Sigurado ka best ha?" Pag-aalalang tanong ni Yka.
Tumango lang ako't nginitian siya. Alam talaga ni Yka pag gusto ko, ginagawa ko at hindi ako nagpapaawat. This is not for me, it's for my baby.
"Wag kang mag-alala Yka. Hindi ko sasaktan ang kaibigan mo. Mag-uusap lang kami." Ani Jan kay Yka.
"Ha! You already did lalaki. Baka nakakalimutan mo, matagal mo ng nasaktan si Lala. And don't try or even think to hurt her again kundi ipapasalvage na kita." Hindi magawang banggitin ni Yka ang pangalan ni Jan.
Natawa naman ako sa ipapasalvage ni Yka. Nahawa na sa pagka war freak ko 'tong best ko para mas bitter pa kaysa sa'kin. Pero i thanked her for being always on my side no matter what.
"Let's go. Sa Sweetiest Café na lang tayo." Aniya.
Tumalikod na din si Yka at inismidan pa si Jan. Inalam niya talaga muna kung san ang punta namin ni Jan.
Gusto akong alalayan ni Jan sa paglalakad."It's okay Jan I can manage." Sabi ko at di naman na siya nagpumilit.
Pagpasok namin sa Sweetiest Café, pinili niya ang table na sa bandang dulo.
"Order muna tayo. Anong gusto mo Lala?"
"Hindi naman ako gutom, mas mabuting umpisahan mo na kung anong sasabihin mo." Deretsong sabi ko.
"You're still that straight forward." Aniyang nakangiti.
Tinaasan ko na ng kilay. "Hindi naman sa ginagawa ko lang ang gusto ko. Gusto ko na lang na matapos 'to dahil gusto ko na ding makapagpahinga, buntis ako remember? Mabilis akong mastress at bawal sa'kin yon." Mataray kong sagot.
"Okay, I'm sorry. Amm- ano, i-ilang buwan ka na? Do you need anything? I mean baby's stuff."Waring nahihiya pa niyang alok sa'kin.
"Oh, so you're interested now? Why?" Kunot noong tanong ko imbes sagutin ang tanong niya.
Hindi siya sumagot.
"Nagtataka lang ako kasi almost five months na hindi na tayo nagkita, tapos ito ka sa harap ko ngayon. Para saan Jan?" Sarkastikong tanong.

BINABASA MO ANG
One Heartless Woman
RomanceHello po fellow readers and writers. Dahil sa tagal na hindi ko na-UD 'tong story ko dahil naging busy po talaga ako, ne-revised ko na lang pero may hawig pa din naman 'to don sa una. Pasensiya na sa mga wrong grammar at iba pang errors. And guys th...