Chapter 11

139 3 0
                                        

Chap. 11

Nasa tapat na ako ng gate namin. Hindi na ako nasamahan ni Yka, dahil may importante siyang lakad ngayon. Sa'kin ay ayos lang naman napakadami naman ng naitulong sa'kin si Yka, at napakaswerte ko dahil may kaibigan akong tulad niya.

Huminga muna ako ng malalim, nanginginig ang kamay ko ng pindutin ko ang doorbell at hindi naman nagtagal ay may nagbukas agad ng gate para sa'kin, si Mang Tano. Nagulat pa siya pagkakita sa'kin pero agad din namang nakabawe at nginitian ako.

"Lala, iha. Naku, pasok. Tiyak na matutuwa ang mama at mga kapatid mo pag nalamang andito ka."Salubong niya sa'kin

"Salamat po. Kamusta po kayo dito?"Ngiti ko kay Mang Tano.

"Ayos lang kami dito, halika at nasa may terrace sila." Pag-akay sa'kin ni Mang Tano.

Halo-halo ang nadarama ko sa mga oras na 'to, saya at kaba. I'm home at last, kung masama man ang loob ng pamilya ko'y handa akong humingi ng tawad at magpakumbaba, dahil ang totoo, marami naman talaga akong kasalanan at pagkukulang sa kanila.

"Ma!" malumanay kong tawag, nasa may terrace sila at kasalukuyan nag-aalmusal ng mga kapatid ko. Ngayon ko na lang ulit nakita ang tanawin na 'to. Ang huli ay nung kapiling pa namin si dad. At masaya ako na mukhang okay na ulit si mama.

"Anak!" masayang bati ni mama na halata ang saya sa mukha pagkakita sa'kin. Napatingin din ang mga kapatid ko't nakangiti sa'kin.

Lumapit ako sa nakalahad na mga kamay ni mama.

"Ma." yinakap ko siya, kasabay ng pagpatak ng mga luhang pinipigil ko.

Ang dami kong gustong sabihin at ihingi ng tawad sa kanilang lahat. Naisip ko sa ano mang pinagdaanan mo sa buhay, sa huli pamilya pa rin ang tatakbuhan mo. At anupaman andyan lang sila at handa pa rin tanggapin ka sa kabila ng maraming pagkakamali. I'm longing for this.

"Kami din pasali. Ate, namiss ka namin." Lapit ng mga kapatid ko at nakiyakap na din. Oh, how much i miss my family. Madami akong narealized lately. I've been such a bad daughter and sister to them for a long time and i promised myself that i make it up this time.

"Tama na, di na ako makahinga eh. Si ate Lindz kasi eh, naiipit ako." Sabi ni Arth at napalitan ng tawanan ang iyakan namin.

Bumitaw naman kami at niyaya ako ni mama magbreakfast.

Pagkatapos ng breakfast pumasok na kami lahat sa loob ng bahay.

"Ma-" hindi ko pa man nasasabi ang gustong kong sabihin napaluha na ako. This past few days napapansin kong nagiging emosyonal ako. Marahil dala na din ng pagbubuntis ko.

"Anak, bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?" Mabilis akong dinaluhan ni mama at hanaplos ang likod.

Umiling ako bilang tugon sa tanong niya. Nakatingin naman sa'min ang mga kapatid ko. Walang kibo at pareho lang na nakikinig sa'min ni mama.

"So-sorry po ma. Sa la-lahat, sa pagiging matigas ng ulo ko at pasaway na anak. A-alam ko po na, dapat naintindihan ko ang sitwasyon niyo dahil sa nangyari sa inyo ni dad, dumagdag pa ko. Dahil sa pagrerebelde ko. Na-naging selfish po ako ma, hindi ko man lang kayo naisip. Kayo ng mga kapatid ko." Tinignan ko sila Lindzey at Arth na umiiyak na din. "Patawarin niyo si ate ha. Alam ko na madami akong pagkukulang, babawi si ate." Tumango bilang tugon sa'kin.

Niyakap na ako ni mama. "Anak, don't blamed yourself here, okay. It's wasn't your fault. Kami ang may problema, naging marupok kami. Ang totoo niyan ako ang dapat magsorry dahil napabayaan ko kayo. Kasalanan ko, ang pagmamahal lang ng dad niyo ang inintindi ko pero kayo kinalimutan at pinabayaan ko. I'm sorry sa inyo mga anak." Napahagulgol na talaga ako, lumapit na din sila Lindzey at Arth sa'min at nakiyakap.

"Magsisimula tayong muli, okay. Ang importante you're here." Sabi ni mama.

"Ma, sobrang miss ko na po kayo." Sabi ko sa gitna ng pag-iyak.

"Namiss ka din namin ate." Si Arth ang sumagot na ikinangiti ko.

Pagkatapos ng iyakan. Nagbitiw na kami ng yakap.

"May good news nga pala ako sa inyo." I smile bago nagpatuloy. "I'm staying, for good."

"You mean? Dito ka na titira ulit." Putol na tanong ni mama.

"Yes ma, welcome pa po ba ako dito." Nakangising tanong ko.

"Oo naman ate, at para maalagaan na din namin ang pamangkin namin." Excited na sabi ni Lindzey.

"Nasan na nga pala si Jan? Yung boyfriend mo? What happen to him, hindi ba siya sasama dito?" Tanong ni mama.

Umiling ako. "Wala na po kami ma." Bigong sagot ko.

"Gusto mo bang pag-usapan anak?" Pag-aalala ni mama.

Tumango ako sa mama ko.

"Nag-umpisa rin po kasi kami sa mali kaya po marahil nagkaganon. Pero ayos lang kaya ko naman na mag-isa palakihin ang anak ko. Kaso yun nga lang po, wala siyang daddy. Saka isa pa lagi lang kaming hindi magkasundo ni Jan sa maraming bagay kaya mas ayos na din na naghiwalay kami, dahil baka balang araw kalakihan naman po ng anak ko na nag-aaway ang parents niya." Nasabi ko yon ng di man lang napaiyak. Marahil naubos na ang luha ko.

Oo, masakit aminado ako. Mahal ko na si Jan pero marahil hindi ganon ang naramdaman niya sa'kin kundi awa lang. At ayoko naman ng ganon.

"Patawarin mo ako, anak. Dahil sa nangyari sa'min ng dad mo sobrang naapektuhan ang relasyon ko sayo bilang ina. Hindi kita nasubaybayan ng maayos. Ang akala ko lang kasi magiging masaya ka kung kasama mo ang-"

Umiling ako."Alam ko ma, na para sa kabutihan ko ang ginagawa niyo, hindi ko lang naappreciate dahil nabulag ako ng galit. I'm really sorry ma."

"Wag ka mag-alala ate aalagaan ka namin at ang magiging baby mo." Sabat naman ni Lindzey na ikinangiti ko.

Totoong nasa huli ang pagsisisi. Ang mahalaga nagkamali ka man, aminado ka don, natuto at bumabangon muli.

One Heartless WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon