Chap. 24
*Lala
Buong linggo kong inabala ang sarili sa pag-aayos ng mga requirements para sa balak kong paghahanap ng trabaho. Kahit na nagpapadala si Jan ng pera para kay Zian tuwing ikalawang buwan, gaya ng sinabi niyang hindi niya pababayaan ang anak namin sa kabila ng lahat ng nangyari, i-dinideposit ko naman 'yon sa bangko at for emergency use lang at para na din may savings si Zian. Hindi ko pa doon inaaasa ang mga pangangailangan naming mag-ina. Kahit na alam kong hindi naman kami pababayan ng mama ko, ayoko din iasa ang lahat sa kanya dahil may dalawa pa akong kapatid na nag-aaral at mas higit kailangang pagtuonan ni mama.
Si Zac nama'y hindi na nagparamdam pa mula ng huli naming pag-uusap. Sinabi ni mama sa'kin na nagpaalam ito sa kanya na manliligaw sa'kin pero malamang sa sama ng loob ay hindi na itinuloy, what should I expect? Ayos na din 'yon. Mahirap akong mahalin, ang dami kong hang- ups sa buhay. At isa pa ako mismo sa sarili ko'y hindi pa sigurado kung handa na sa mas malalim na pakikipagrelasyon bukod sa friendship lang.
Bukod sa paghahanap ng trabaho. Maghahanap din ako ng pwedeng maging yaya kay Zian. Gusto ko nga sana si Yaya Sol na lang kasi hindi na iba sa'min at talagang mapagkakatiwalaan. Mahirap na kasi ngayon maghanap ng maayos at matinong yaya, ang kaso hindi na din kasi kakayanin pa ni Yaya Sol kung siya pa ang mag-aalaga sa anak ko tumatanda na din ito. Nang mabanggit ko ang tungkol dito, may inirekomenda si Yaya Sol sa'kin ang pamangkin niya na nangangalangan din ng trabaho. Kaya okay na sa'kin 'yon. Hindi na ako mahihirapan sa paghahanap ang importante mapagkakatiwalaan at marunong sa bata.
Narito ako ngayon kung saan ako nagcollege upang kunin naman ang aking TOR . Gusto akong samahan ni Yka, pero tumanggi ako. Alam kong abala din siya sa negosyo nila. Siya lang ang inaasahan ng mommy niya para dito. Ang nangyari nga sa'min ni Zac ay hindi ko pa nababanggit. Knowing Yka alam kong hindi niya ako titigilan sa kakatanong lalo na't magpinsan ang boyfriend niyang si Iñigo at si Zac. Sasabihin ko na lang kapag nagkita na ulit kami. Sa ngayon ayoko na munang abalahin siya.
Nang nasa registrar office na, nakilala pa ako ng registrar at inuusisa ng husto sa kung ano ng nangyari sa'kin at hindi na ako pumasok pa doon. Ngitian ko lang siya at hindi na sinagot, I'm sure naman may alam siya, kunwari pa, malamang gusto lang makasigurado, hmm! Tao nga naman, sa isip ko.
Kilala ang pamilyang Laurel sa Campus na ito dahil sa Lolo at daddy ko na nagtapos pareho dito at investor din. Pero mula ng naghiwalay si mama at dad ay hindi ko na inisip na kasali ako sa may pangalan sa eskwelahang ito.
Nang makuha ko na ang aking TOR, naisip kong pumunta muna ng mall para doon na kumain ng lunch at balak ko din kasing bumili ng damit na masusuot sa pag-aapply. Kahit papano kailangan ko ng semi-formal na damit kung secretary o kahit sa call center pa.
Kumakain ako sa KFC ng mag ring ang phone ko. Kinuha ko iyon sa bag ko at tinignan. Si Yka, I'm sure kukulitin na naman ako nito. Nang mabanggit ko kasi ang balak ko na paghahanap ng trabaho, iminungkahi agad niya ang kompanya nila. Tanggap na daw ako agad at magkasama pa kami. Sa'kin ay ayos naman 'yon pero mas gusto ko pa ding magsimula 'yung sa sariling sikap ko. Kahit si mama ang sabi i-manage ko na lang daw ang boutique namin. Pero syempre ganon din 'yon sa kanya pa din manggagaling ang sasahudin ko. At isa pa hindi ako graduate ng college, kailangan kong mag-umpisa sa mababa. Hindi naman sa pride o kung ano lang. Kung tutuusin ngayon ko lang gagawin ang bagay na 'to. Palagi na lang akong nakadepende.
"Hello best, san ka?" Tanong ni Yka.
"Hello, dito sa mall. Nasa KFC ako kumakain. Napatawag ka best?" Tanong ko.
"Ah, okay. Dito ako sa office now, ito too many paper works." Alam kong nakanguso na naman si Yka sa kabilang linya kahit hindi ko nakikita.
"The agony of being the only child at tagapagmana, ganyan talaga. Pero matatapos mo din 'yan, I'm sure, ikaw pa?" Sabi ko sa kanya to motivate her.
BINABASA MO ANG
One Heartless Woman
RomanceHello po fellow readers and writers. Dahil sa tagal na hindi ko na-UD 'tong story ko dahil naging busy po talaga ako, ne-revised ko na lang pero may hawig pa din naman 'to don sa una. Pasensiya na sa mga wrong grammar at iba pang errors. And guys th...