Chapter 9

154 3 0
                                    

Chap. 9

Confirm i'm pregnant. Nagconsult ako sa isang obgyne. I have given a couple of test and an ultrasound din. I'm 6 weeks pregnant to be exact. Dalawang linggo kung pinag-isipan ang gagawin mula ng huling pag-uusap namin ni Yka. Hindi na din muna ako nagpa-enrol, ayoko kasi na magtanong ang mga tao sa campus. Alam kong pag-uusapan ako, in the moment na malaman nila,remember kilala ako sa campus.

Hindi pa alam ni Jan pero gusto kong sabihin dahil ayokong lumaki ang anak ko ng walang kinikilalang ama at saka meron na akong panghahawakan para hindi siya makawala sa'kin. Oo selfish na kung selfish pero 'yon ang totoong gusto kong mangyari at saka wala na sila ni Moira. Pwede na kami.

Hinintay ko siya sa may lobby ng office na pinapasukan niya. Bago pa mag 5 o'clock sinigurado kong makakarating ako don para maabangan ang pag-uwi niya.

Malapit-lapit lang din ang inupuan ko para once na lumabas nga siya sa isa sa mga elevator ng building na yon agad ko siyang makita. Pagkabukas ng isang elevator agad ko siyang nabosesan, mukhang masaya siya nakikipagtawanan pa nga siya sa mga ka-officemate niya. Hindi niya ako napansin dahil sa pagkaabala sa pakikipagkwentuhan.

"Oo, pare!" Sabi ng isa niyang ka-officemate.

"Ano, sama ka na." Sabi pa ng isa.

"Next time na lang pare, bumabawi pa ako eh." Sagot ni Jan.

"Jan." Tawag ko sa kanya halata ang pagkabigla sa mukha niya pagkakita sa'kin na agad napalitan ng pagkayamot.

"Pwede ba, tayong mag-usap. Please." Tinignan ko siya ng puno ng pagmamakaawa.

"O, siya pare mauna na kami." paalam ng ka-officemate niya at tinapik siya sa balikat bago tuluyang umalis. Tinignan lang nila ako.

"Sige, pare." Paalam din niya sa mga ito bago bumaling sa'kin.

Tinignan niya ako na may malamig na ekspresyon at agad naglakad papuntang parking lot kung nasaan ang kotse niya nakasunod lang ako sa kanya.

Binuksan niya ang kotse akala ko iiwan niya na ako at tuluyang hindi papansinin.

"Get in. It will be the last Lala. Make sure it's important." Aniya.

Agad akong sumakay at inayos ang seatbelt ko. Nagmaneho lang siya ng tahimik, ako naman ay panaka-naka ang pagsulyap sa kanya, gusto ko na sanang magsalita pero mamaya na lang. Kaya mas minabuti kong sa bintana na lang tumingin.

Ilang minutong biyahe. Huminto din siya, sa park 'yon na dating pinuntahan na din namin para mag-usap. Akala ko lalabas kami ng kotse kaya nagtanggal ako ng seatbelt.

"Talk now, woman." Walang ganang utos niya.

Imbes magsalita ako'y kinuha ko ang isang envelop sa bag ko at ibinigay sa kanya. Nandoon ang dalawang Pregnancy test result at record galing sa obgyne, at ultrasound result ko.

"Para san naman 'to?" Kunot ang kanyang noo tinignan ang iniaabot kong envelop.

Hindi ako sumagot bagkus nginitian ko lang siya.

"Tsk!" Agarang sabi niya habang binubuksan ang envelop.

Nakatingin ako sa kanya, excited din sa magiging reaksyon niya. Mahilig siya sa bata. Minsan pa nga naikwento niya sa'kin na gusto na niyang magsettle sila ni Moira, at magkaroon ng maraming anak. Pero ayaw pa ni Moira. Ikinuwento niya sa'kin ang mga iyon nung panahong para sa'kin laro lang ang lahat. Kaya ngayong gusto ko na talaga siya, ay natuwa ako dahil magkakaanak na kami. Alam kong galit siya pero lalambot din yan para sa magiging anak namin.

Kunot noo siya habang nagbabasa.

"Ano na naman 'to. San mo 'to nakuha? Hindi pwede Lala, nagkakaayos na ulit kami ni Moira, kaya hindi pwedeng buntis ka." Aniya na ginulo pa ang buhok sa pagkairita.

One Heartless WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon