Chap.27
*Lala
"First of all, gusto kong magpasalamat sa inyong lahat na kasama namin ngayon sa opening nitong new branch namin. A special thanks din to Father Falcon, na nagmisa para sa'tin at nagblessed nitong shop. At sa special guest na who cut the ribbon Ms. Mendez and Mrs. Valencia." Nagpalakpakan ang mga tao sa pagtayo ng mga nabanggit na pangalan ni mama. "I won't make this speech to long, I'll give this to my daughter Lala na siyang mag-mamanage talaga nito." My mom said. Tumayo ako at lumapit kay mama. Napuno ulit ng palakpakan ang paligid.
Opening ng new branch namin ngayon. Kakatapos lang ng cutting of ribbon nina Yka at Mrs. Valencia na kilalang entreprenuer. Sinundan ng blessing at misa ni Father Falcon at speech ng ng mga special guest.
Walang pagsidlan ang kasiyahan ko. I made this all possible sa tulong nila mama, Yka at ni Zac. Dumalo ang ilang kaibigan ng pamilya, mga kaibigan ng kapatid ko, sina Yka, Iñigo, at Zac. At mga good client din ni mama. At masaya talaga akong naging successful ito.
"Thanks, ma." Nagbeso ako kay mama pagkatanggap ng mikropono. Huminga muna ako ng malalim at ngumiti para maibsan ang aking kaba.
Tumingin ako sa mga tao sa paligid na pumapalakpak at nakangiti. Huminto ang tingin ko kay Zac na titig na titig sa'kin. Ang gwapo ng loko. He's wearing white shirt na may tatak ng kilalang brand ng damit na pinatungan ng black coat. Naka black pants at naka leather shoes. Halos parang terno ang suot namin, I'm wearing a simple black lace dress, at dark pink pump. Nakaayos ang buhok niya na napansin ko kaninang humaba na ng bahagya mula nung una naming pagkikita. Ang akin namay simpleng nakalugay lang.
"Like what my mom said, thank you to each and everyone of you na nandito sa opening ng branch namin. You all, made this successful. Thank you talaga. I will managing this branch and I hope it grow and succeed too under my supervision, like what my mom did in our first branch, magaling kasi si mama kaya nagawa niya 'yon, ako naman ay mag-uumpisa pa lang, but I'll do my best. And of course dahil din sa mga client namin na malaki ang tiwalang ibinibigay sa'min. Salamat po, at sana wag po kayong magsawa. At patuloy lang din kami sa pagbibigay ng good service sa inyo." Huminto ako ng magpalakpakan ang lahat. Bago ako nagpatuloy ulit. "Gusto ko lang din i-acknowledged sina Ms. Mykala Mendez ang bestfriend ko at si Mr. Zac Allen Sandoval na tumulong sa'kin from the start, sa lahat ng preparation." Sumenyas ako sa kanila na tumayo, napansin ko ang ilang dalaga na nakangiti at nagbulungan ng tumayo si Zac. Bakit hindi gwapo naman talaga siya. Nagsipalakpakan ulit ang mga tao. "Again thank you. So this is it, enjoy everyone." At nagpalakpakan ulit ang lahat sa pagtatapos ng speech ko.
Kanya- kanyang usapan ang mga naroroon. Pinakilala din ako ni mama sa ilang negosyante at mga kliyente namin. Saglit din akong nakisali at nakipag-usap sa kanila. I need this, kailangang makilala ko ang mga potensyal na kliyente para naman malaman ko kung ang sarili kong mga designs ay papatok. Bago pa lang ako sa larangang ito, kahit sinabi pa ni mama na maganda ang mga gawa ko, kailangan ko pa ding pagbutihan.
Hindi ako nahihinto ng matagal sa mga nag-uusap. Lahat pinupuntahan ko para personal na makausap at mapasalamatan na din.
"Hi ate." Bati sa'kin ni Lindzey na kasama ang iilang kaklase at kaibigan pagkalapit ko sa kanila.
"Hello, so may mga nagustuhan ba kayo? Sana dito na kayo magshop if ever ha. Pwede ding made to order if you want something na unique na design." Sabi ko ng nakangiti.
"Meron na ang mga 'yan ate. Sabi ko they need to buy, hahaha. Sapilitan." Tawa ng kapatid ko.
Ngumiti din ako. Kumunot naman ang noo ko sa lalaking nasa may gilid ni Lindzey na ngayon ko lang nakitang kasama niya. Nagets naman 'yon ng kapatid ko agad.
BINABASA MO ANG
One Heartless Woman
RomanceHello po fellow readers and writers. Dahil sa tagal na hindi ko na-UD 'tong story ko dahil naging busy po talaga ako, ne-revised ko na lang pero may hawig pa din naman 'to don sa una. Pasensiya na sa mga wrong grammar at iba pang errors. And guys th...