Chap.32
*Lala
Nang malaman ko ang tungkol sa nangyari kay Zac at sa ex-wife niyang si Bianca ay mas lalo kong naintindihan kung bakit ganon siya sa'kin. Kahit pa may mga meetings siya at pagod sa nagdaang araw he make it sure na mapuntahan ako at masundo niya sa shop, pag busy ako at maraming costumer naaabutan ko pa siya paminsan-minsan na tulog lang siya sa opisina ko sa paghihintay na matapos ako sa trabaho.
Naisip ko tuloy maaaring naging malungkot lang din noon si Bianca at mahal niya talaga si Zac kaso wala itong oras sa kanya, kaya sa'kin ganon na lang ang pagbawi niya dahil ayaw na niyang maulit pa ang nangyari sa kanila ni Bianca, sa'min. Ang mali lang imbes na pag-usapan nila ang nangyayari sa kanila'y iba ang ginawa ni Bianca.
Alam na din ni Zac ang nangyari naman sa'min ni Jan. Like him I had my own mistakes before, nakasakit at nasaktan na din ako. But I believed in second chances depende na lang 'yon kung deserve natin ang second chance na binibigay sa'tin ng tadhana. Ang importante we learn from our mistakes and from our past at mas nagiging maayos tayo ngayon.
*
"Lala may bisita ka, nasa baba." Sabi ni Yaya Sol ng nasa kwarto kami ni Zian at binibihisan ito ng kanyang yaya.
"Okay yaya bababa na po." Sabi ko. Hindi ko na tinanong pa kung sino ang bisita ko naisip kong si Zac 'yon.
"Okay na ang baby ko. Let's go anak." Kinarga ko si Zian. "Sa'kin na muna si Zian, paki-ayos na lang muna 'tong kwarto niya 'pag tapos ka na, sunod ka na din sa baba ha." Habilin ko sa yaya ni Zian.
Pababa na kami ni Zian, kunot ang noo ko ng mapansin ang nakatalikod na lalaki. This is not Zac, sa isip ko kahit wala pa kaming isang taon ni Zac alam ko ang physical features niya. Sino kaya 'to?
"There they are." Sabi ni mama na nakangiti.
Nasagot ang tanong ko ng lumingon siya sa'min. Jan, sigaw ng utak ko.
"Hi!" Malapad ang ngiti niya sa'ming dalawa ni Zian.
Tumango lang ako, hindi makapaniwalang nasa harap ko ngayon si Jan.
"My my." Biglang nagsalita si Zian na ikinabalik ko sa lupa.
"Uhm, maiwan ko na muna kayo ha. May gagawin pa ako at magpapahanda na din ako ng meryenda kay yaya Sol."
Nagpaalam na si mama, umupo ako sa harap na upuan. Pinagmamasdan ni Zian ang lalaking nasa harap namin. Ilang beses na din namang nakita ng anak ko si Jan sa mga pictures. Sa tingin ko alam niyang daddy niya ang nasa harap namin ngayon.
"Hi, kamusta na?" Tanong ni Jan.
"Ayos lang. Kailan ka pa umuwi ng Pilipinas? Si Moira?" Tanong ko.
"You're not reading my emails, huh. Kinda busy." Sabi ni Jan.
"Uhm, busy sa shop." Sagot ko naman.
"Yeah, naikwento na sa'kin ng mama mo. Actually kahapon pa ako dumating." Paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
One Heartless Woman
Roman d'amourHello po fellow readers and writers. Dahil sa tagal na hindi ko na-UD 'tong story ko dahil naging busy po talaga ako, ne-revised ko na lang pero may hawig pa din naman 'to don sa una. Pasensiya na sa mga wrong grammar at iba pang errors. And guys th...
