Chapter 8

149 3 0
                                    

Chap. 8

Kinabukasan maaga akong umalis pagkatapos namin magbreakfast. Pupunta ako ng school to enrol para sa second semester, ang bilis ng panahon ilang ikot lang ng buwan tapos na ako ng third year. Magkikita nga kami ngayon ni Yka sasamahan daw niya ako at shopping afterwards, pero bago 'yon dumaan muna ako ng drugstore para na rin makumpirma ang hinala ko sa nangyayari sa'kin.

"Miss, alin bang brand ng Pregnancy Test ang magandang gamitin?" Tanong ko sa isang pharmasist assistant sa may counter.

"Kahit alin po dito ma'am, okay naman po. Pero i-recommend ko na lang sa'yo ito." Binigay niya sa'kin ang isang brand ng Pregnancy Test.

Inabot ko naman 'yon.

"Yan, po ang ginamit ko sa first baby ko, one hundred and twenty pesos po yan." Ngiti niya sa'kin.

"Am, sige bigyan mo ako ng dalawa nito." Ngiti ko din pero medyo kinakabahan, what if positive anong gagawin ko.

"Ito na po Ma'am." At binigay niya sa'kin ang binili ko.

"Thanks." Sabi ko naman.

"Am, Ma'am. Kayo po ba ang gagamit? Advice ko lang po, wag niyo po mamasamain. You should consult to an ob-gyne to make it sure na din." Habol niya pa sa'kin bago ako makaalis.

"Yeah, thanks anyway." Sabi ko at umalis na doon.

My phone rings, medyo nagulat pa ako don kasi ang lalim ng iniisip ko.

"Hello best."

"Hello best, we're are you?" Tanong agad ni Yka sa'kin.

"Papunta ng school. Ikaw? Don na lang tayo magkita, para hindi ka na mapalayo." Sabi ko.

"Okay, papunta na din, see you there best."

"Tawagan na lang tayo mamaya."

"Okay, my bestie Lala." Parang ang saya niya, ramdam ko sa boses niya.

"Ang saya mo."

"Halata ba, naku maya ikwento ko sa'yo. Bye na muna for now magdadrive ako eh."

"Ah, okay. Bye Yka."

Ilang sandali pa nakarating na din ako sa school, nauna sa'kin si Yka don. Sa may cafeteria siya naghintay sa'kin.

Pagpasok ko pa lang at hinahanap kung san siya nakapwesto tinawag na niya ako at kumaway. Ang lakas ng boses ng gaga. Agaw eksena tuloy ako, ang dami pa ring student ha kahit last day of enrolment na, may bumabati ding male student sa'kin at may mga babae namang piling ko, o piling ko lang talaga na nagtataas ng kilay at sinasabing. Oh, there she goes again the bitch in town. Wala naman na akong pakialam sa kanila, bitch na kung bitch panindigan na 'to.

"Best, ang ingay mo." Saway ko kay Yka.

"Namiss kasi kita best." Sabay beso sa'kin.

"Gaga, parang 3 weeks ako halos sa condo mo. Kung makamiss ka naman dyan." Sabi kong nakangiti.

"Ganon talaga, syempre miss ko ang may kasama sa bahay at kakwentuhan."

"Hmm, maiba ako. You looked so happy, anong meron?" Intriga ko kay Yka.

"Naalala mo best, yung dentist ni mommy."

"Aha, the gurang one na sinasabi mo." Pabirong sabi ko.

"Actually mali ako. Yun pala 'yong anak ng dating dentist ni mommy. Twenty one lang siya at ito pa super gwapo grabe. Siya na pala ang pumalit sa daddy niya." Nagniningning pa ang mga mata ni Yka pagkasabi non.

"At, kinilig ka naman so ngayon gusto muna siya." Tukso ko kay Yka.

"Sinabi ko bang gusto ko siya, nagwapuhan lang ako yon lang." Deny pa ni Yka.

One Heartless WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon