Chapter 20

165 4 0
                                    

Chap.20

* Lala

Tinanghali na ako ng gising kinaumagahan. Uunat-unat pa ako. Wala na si Yka sa tabi ko. Marahil namamasyal na 'yon.

"Hay, naku si Yka talaga. Hindi man lang ako ginising." Bulong ko sa sarili na nakanguso.

Bumangon na ako at pumunta ng cr para maligo. Pagkatapos nagbihis lang ako ng loose shirt at shorts. Bago ako bumaba tinawagan ko muna ang mama ko upang kamustahin sila. Lalo na ang anak kong si Zian. Hay mis ko na ang anak ko, pangalawang araw pa lang kaming di nagkikita pero sobrang mis ko na talaga ang baby ko.

"Hello ma." Napangiti ako dahil narinig ko pa ang boses ng baby ko sa kabilang linya na tumatawa.

"Hello anak."

"Ma, kamusta po kayo dyan? Si Zian po." Tanong kong nakangiti sa kawalan.

"Ayos lang naman kami dito pati si Zian, 'yon kalaro ang tita niya. Ikaw anak how's your day?" Ramdam ko ding nakangiti si mama.

"Ayos lang 'ma. Mis ko na po kayo. Lalo na po si Zian." Medyo naluluha pa ako pagkasabi 'non. Iba rin talaga pag ina ka na. Konting mapalayo ka lang sa anak mo nagiging emosyonal ka na agad.

"Mis ka na din namin, si Zian nga laging nakasabi ng ma. Wait lang ito na sila. Zian mommy's here." Dinig ko ang pagtawag ni mama sa anak ko.

"Ma- ma." Tuluyan na akong napaluha pero may ngiti sa labi. Dinig ko ang tawa ni Zian at lalo ko siyang namis, gusto ko na tuloy umuwi.

"Mis ko na ang baby ko. Kiss mo si mommy ha ng madami pag-uwi ko. Love ka ni mommy."

"Lab ma- ma." Nakakatuwa ang anak ko may pagkabulol pa kasi. Ang dami niyang sinasabi na kahit hindi pa masyadong maintindihan ay matutuwa ka na lang. At nakakagigil ang tawa niya.

"Love ka din ni mommy."

"Ayaw ng sumagot tinuturo sa tita lindz niya 'yung nilalaro nila, ayon nag-eenjoy naman sila." Sabi ni mama.

"Thanks po ma, ha. Baka po nahihirapan kayo sa pag-aalaga kay Zian."

"Don't worry on us anak. Apo ko naman si Zian so walang kaso. Mag-enjoy ka lang dyan ha. We're okay here."

"Okay po ma, salamat po ulit. Love you po."

"Love you din anak."

"Bye po."

"Bye."

Pagkatapos ng tawag na 'yon, lumabas na din ako ng kwarto. Rinig ko ang boses ni Yka na galing sa labas, mukhang nagkakatuwaan sila sa kung anumang pinagkukwentuhan nila.

"Uy, best buti naman at gising ka na. Good morning how's your sleep?" Nakangiting bati ni Yka na nakakapit sa braso ni Iñigo. Si Iñigo nama'y nginitian ako't bumati din.

"Ayos lang, medyo napuyat lang. Good morning din." Ganting bati ko na nakangiti.

Nawala ang ngiti ko nang sumulpot si Zac. Mukhang kasama din nila ito kung san man sila galing. Tahimik lang siyang nagmamasid sa'kin. Ako na ang unang umiwas ng tingin.

"So, san kayo galing?" Tanong ko kay Yka. Para maiwala ko ang atensyon kay Zac.

"Hay, best nag-motor boat kami. Ang saya, ang sarap kasi ng tulog mo kanina kaya 'di na kita inistorbo." Panay ang ngiti ni Yka.

"Pwede pa naman natin 'yon ulitin para makasama natin si Lala." Ngiti din ni Iñigo.

"Talaga, sige mamaya sama na ako." Excited kong sabi.

"Yeah, let's try it again." Excited din si Yka.

Panay pa ang kwento ni Yka sa'kin, nakikinig lang ako. Si Iñigo at Zac nama'y nag-uusap din. Pero ramdam ko ang panaka-nakang pagsulyap niya sa'kin. Pati tuloy ako napapatingin sa kanya. Kumunot ang noo ko ng pati si Iñigo'y liningon ako.

One Heartless WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon