Chapter 31

185 3 0
                                    

Chap.31

Warning: Rated SPG

*Lala

Binuhat ako ni Zac hanggang sa may kotse niya. Sinabi kong 'wag na at baka isipin ng ibang malala ang nangyari sa'kin. Pero hindi ko pa din siya napigilan. Seryoso siya at hindi man lang ngumingiti.

"Are you okay? Ang tahimik mo?" Tanong ko kay Zac ng nasa kotse kami. "Nabigatan ka sa'kin 'no?" Dagdag na pabiro ko sabay ngisi, ngunit sa pagkaseryoso niya'y hindi ko siya napangiti man lang.

Bumuntong hininga siya bago sumagot. "I just feel disappointed, nasira ang gabi natin. I want you to be happy, pero nasaktan ka I've shouldn't allowed that." Hinampas pa niya ang manibela sa sobrang emosyong nararamdaman.

"Ayos lang ako, hindi mo na kailangang mag-alala. Nagamot naman na ang sugat ko. At malayo 'to sa bituka." Sabi ko ng nakangiti at hinaplos ang kanyang braso. Naramdaman kong kumalma siya sa ginawa kong 'yon.

Ngumiti si Zac ngunit hindi 'yon umabot sa kanyang mga mata. Alam kong kahit sabihin ko pang kalimutan na ang nangyari nag-aalala pa din siya. Kakapropose pa lang niya sa'kin at may balakid na agad na dumating. Ako may nag-aala din, alam kong sinadya ni Bianca ang ginawa niya kanina. Pero gusto kong ipakita sa babaeng 'yon na hindi ako basta basta nagpapatalo. Papalagpasin ko ang ginawa niya sa party kanina pero sa oras na salingin niya muli ako'y humanda na siya sa'kin.

May naisip akong bigla, para makalimutan na muna ni Zac ang nangyari sa party kanina. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa'king purse.

"Selfie tayo." Sabi ko taas baba ang kilay, ngumiti siya mukhang nagustuhan ang ideya ko. Agad niyang binagalan ang pag-andar ng kotse.

"Ready?" Tanong ko.

"Yup." Sagot niya. Lumapit ako sa kanya at ipinakita ko din ang daliri kong may suot ng binigay niyang singsing.

Nakatatlong kuha din kami. At agad ko 'yong pinost sa Instagram at facebook account ko na madalang ko lang buksan.

"Anong ginagawa mo?" Tanong Zac.

"Hmmm, I posted our picture. I-like mo ha." Ipinakita ko sa kanya. Humalakhak siya.

"Bakit ka natatawa?" Kunot noo ko.

"Wala lang, You're cute and sweet. You have that side pala." Pinisil niya pa ang ilong ko at muling humalakhak.

Ngumuso ako. "Ano naman tingin mo sa'kin, walang katamis tamis sa katawan." Sabi ko

habang hinahimas ang ilong kong pinisil niya.

Inabala ni Zac ang sarili sa pagmamaneho, malapit na din kasi kami sa amin.

Habang ako'y abala sa pagbasa at pagsagot sa mga comments at nag-like sa pinost ko. Kaka-post ko lang at binaha na ako ng notification. Una doon si Yka at sumunod ang iba pa naming kakilala. Nag-congrats, at ang iba'y nagulat na may boyfriend pala ako. Ang iba'y nagsasabing bagay kami at ang gwapo daw ng boyfriend ko. Napapangiti pa ako sa mga nababasa ko.

"Baby." Seryosong tawag niya sa'kin.

"Hmmm." Tanging sagot ko dahil sa pagiging busy sa pagkalikot sa cellphone.

"Masaya ka ba?" Tanong ni Zac.

Tumingin ako sa kanya. Ibinalik ko ang phone ko sa purse bago sumagot. "Masaya ako, masayang masaya. Sino bang hindi sasaya kapag sinopresa ng boyfriend at magpoprose pala. Kaya sana ikaw din kasi mukhang ikaw ang hindi masaya. Kung iniisip mo pa din ang nangyari, forget about it okay." Sabi ko ng nakangiti.

Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsalikop ito. "I'm happy, so much." He said in kiss the back of my hand. Now he's smiling, totoong ngiti dahil lalong sumingkit ang mga mata niya sa pagngiti. "Yan, smile. Ang gwapo mo kaya lalo pag nakasmile." Dugtong ko na ikinahalakhak niya.

One Heartless WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon