Chapter 21

126 3 0
                                    

Chap.21

*Zac Allen

Nang makabalik kami, nagpasya na kaming magsitulugan sa kanya- kanya naming mga kwarto. Pero kahit anong gawin ko'y hindi ako dalawin ng antok. Lahat ng nangyari kahapon at kanina ay naiisip ko. Yung pag-uusap namin ni Lala na nauwi lang sa wala. The way other men looked at her, she's really hot and sexy sa suot niya, na ikinainis ko. Naiinis ako dahil naging possesive ako na hindi naman dapat. Dahil wala naman akong karapatan. I couldn't forget her beautiful voice ng kumanta siya. Parang hanggang ngayon naririnig ko pa ang maganda ngunit malungkot na tinig ni Lala. I really feel it, tumagos talaga sa puso ko. Kahit nga si Yka na bestfriend niya napansin kong napaluha pa.

Siguro isa sa dahilan kung bakit ako ganito sa kanya, dahil ramdam ko na malungkot siya. Na pareho kaming nabigo noon. Kung anuman 'yong dinadala niya sana balang araw isa ako sa pwede niyang sabihan.

Dahil hindi nga ako dalawin ng antok, nagpasya akong lumabas na muna para mag-isip. Gusto ko sanang mapag-isa pero may lumapit sa'kin para magtanong ng kung ano. Naramdaman ko na may palabas din, marahil hindi din makatulog gaya ko at ng mapag-alaman kong si Lala, at naubutan niya pa akong may kausap na isang babae dahil ayokong kung ano ang maisip niya, agad akong nag-alibi sa kausap ko na dumating na ang hinihintay ko which is si Lala nga.

Nang magpaalam siyang papasok na lang siya ulit. Hindi na ako nagdalawang isip na hawakan siya at pigilan. I want to talk to her, now or never sa isip ko. Baka matapos na lang ang tatlong araw na nalalabi sa pag-stay namin dito sa Boracay ay hindi pa din malinaw at maayos ang sa aming dalawa. I want to say sorry sa mga nasabi ko sa kanya sa mga oras na 'yon. I know that I'd insulted her kahapon. Hindi naman 'yon ang balak kong sabihin pero ang mga salitang 'yon ang lumabas sa bibig ko. I even kissed her, katulad ng dati masyado kong minadali ang lahat. Tapos sinungitan ko pa siya kanina. At alam kong hindi malinaw sa kanya 'yon kung bakit.

*

"Akala ko ba mag-uusap tayo? Bakit nakatitig ka lang dyan?" She asked.

"What?" Medyo nairita na siya. Ang totoo I don't know how to start the conversation nakakatawa ngayon lang ako nawalan ng sasabihin sa isang babae.

"Kung titigan mo lang ako, siguro balik na lang ako sa loob." Nagpanik ako ng sabihin niya 'yon.

"Tss, I really don't know how to start this. I'd never been this before. Pero siguro kasi-" I paused for awile at bumaga ng hangin.

"Aha." patango- tango pa siya.

"Uhm, Im sorry sa- nangyari." Napahawak ako sa batok ko. Nahihiya talaga ako.

"Okay." Sagot niya.

"Okay as in, napatawad mo na ako?" I asked, parang ang bilis kasi. Hindi pa ako nagpapaliwanag okay na agad sa kanya.

"Okay, I mean may sasabihin ka pa ba?" Pinagcross niya ang kanyang mga braso at nakatitig lang sa'kin naghihintay ng mga sasabihin ko pa.

Natahimik na naman ako. I couldn't find words to say again to her. Madami akong gustong sabihin pero wala naman akong makapang salita. Baka magkamali na naman ako at lalo lang siyang mainis sa'kin.

"Kung wala ka nang sasabihin, babalik na ako ha." Tumalikod na siya at papasok na ulit sa loob. Kaya't nagsalita na ulit ako at buti na lang huminto siya't lumingon ulit.

"O- okay, here it goes. I'm sorry sa nangyari no-on. I mean alam ko namang matagal na 'yon at nagtataka ka siguro na big deal sa'kin. Yeah aaminin ko nung makilala kita sa bar naattract ako sa'yo. That's why nakuha mo ang atensyon ko." Huminto ako para alamin ang reaksyon niya at seryeso pa din siya.

"And then I'm really guilty, tama ka don. May problema ka I knew it kahit hindi mo sinabi. Makikita naman 'yon sa mga mata mo. May problema din ako. Lasing tayo pareho at nangyari nga ang nangyari. Siguro nafrustrate lang ako ng malamang I'm your first. Alam mo 'yon paalis ako that time, may problema ako sa ex-wife ko and then iniisip ko what if na you've got pregnant. Kasalanan ko ang nangyari that's why hindi ka na naalis sa isip ko."

"You're funny." Sabi niya at ngumiti siya. Nasilayan ko na naman ang maganda niyang ngiti.

Ngumiti din ako, ito na ba 'yon? Is it the sign na nagsisimula na kaming maging okay.

"Funny pala, halos hindi na nga ako makahinga." Sabi ko pero nakangiti pa din.

"Yeah that's why. Kasi ikaw lang ang ganyan sa'kin. You know, kung sa iba wala na 'yong nangyari, sabihin na nating one night stand natin. Kaya nga I don't believed you at first. Sa iba Kakalimutan na 'yon. Hindi ako naghabol dahil hindi mo naman ako pinilit in the first place. Don't get me wrong here, okay. It doesn't mean na hindi naging isyu sa'kin 'yon. Syempre napaisip din ako. Big deal sa'kin ang bagay na 'yon, pero sinong sisisihin ko? Ikaw, syempre hindi. It was happened by mistake, pareho tayong lasing gaya ng sinabi mo di' ba. At sa totoo lang, hindi ko din naman masasabi kong maghahabol ako kung nabuntis or what. Pero pasalamat ka hindi ako nabuntis." She smile after she said that.

"I really like it." Wala sa sariling nasabi ko.

"You like what?" Kunot noong tanong niya.

"Yan, 'yung smile mo. You looked more prettier when you smile, and I like it." Sinabi ko na, baka iba pa maisip niya.

"Hmmm, I thought you're different. Bolero ka din like other guy." She said with a smile.

"No! I mean, hindi naman 'yon bola. Totoo ang sinasabi ko. Bihira ka lang kasing ngumiti, parang ang lalim ng mga iniisip mo." Komento ko.

"Ganon ba ko sa tingin mo? That's why you called me heartless the other night?" Natanong niya na ikinabigla ko. I think okay na kami baka magalit na naman siya.

"About that, I'm so sorry. Mali ako, hindi ko dapat sinabi 'yon dahil alam kong hindi ka naman ganon. Hindi ko nga alam kung bakit ko nasabi 'yon." Napakagat labi pa ko pagkatapos ko magpaliwanag.

"It's okay, maybe you're right. Maybe I'm really heartless. Pero wala na 'yon let's forget about that." She smile pero hindi na tulad ng unang ngiti niya. May halong lungkot na ito.

Namayani ulit ang katahimikan sa'ming dalawa, at ayoko nun. Pakiramdam ko nag-uumpisa ng maging okay kami sa isa't isa, tapos parang lumalabo na naman.

"Lala." Tawag ko.

"Hmmm."

"Pwede ba tayo maging magkaibigan. I mean kung okay lang sa'yo." I initiated.

Tumingin siya sa'kin. Matagal bago siya sumagot. Kinabahan ako na baka ayaw niya.

"Oo naman, bakit hindi. Okay naman na tayo. So I think wala namang problema don." At ngumiti na naman siya.

"Yes! That's what I'm talking about." Sa sobrang saya ko nayakap ko siya. Nabigla siya sa ginawa ko, maging ako nabigla sa reaksyon ko. Agad akong kumalas sa pagyakap sa kanya baka ikagalit niya pa 'yon.

"I'm sorry, natuwa lang ako." Dahilan ko, totoong natuwa naman talaga ako.

Ngayon magkaibigan na kami. Mas okay 'yon kaysa sa simpleng magkakilala lang.

Nagkwentuhan pa kami ng halos isang oras. Mas marami akong naikwento kaysa siya. Maybe she's not ready to open up pa. Sa'kin ayos lang 'yon, atleast we started friendship, at don naman nag-uumpisa ang lahat. In time mas makikilala pa namin ang isa't isa. Mas mauunawaan ko din kung ano ba 'tong nararamdaman ko towards her. Ang importante magaan na ang loob namin sa isa't isa. Makakapag-usap na kami ng hindi nagkakailangan.

Ala una ng madaling araw ng magpasya kaming matulog na. Masaya ako, alam ko magiging maganda ang tulog ko at masaya ang gising ko bukas.

One Heartless WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon