Chap. 4
Ilang months na din mula ng magkakilala kami ni Jan and we started dating. Kahit na nga alam kong may girlfriend siya for 4 years at nasa Canada lang 'to for vacation. Kahit alam ko na bandang huli maaaring pagsisihan ko 'to at pagbalik ng girlfriend niya'y balewala na ako. Pero minsan naman nangangarap din ako na maaaring ma-fall out of love si Jan sa girlfriend niya at tuluyan na akong mahalin.
"Jan." Nasa bed niya kami ngayon at alam na sa kanya ako natulog kagabi.
"Yes?" Tanong niya.
"Baka biglang umuwi ang girlfriend mo makita tayo dito."
"Matagal pa yon." Yon lang ang sagot niya and he started kissing me again, sa lips, sa neck, sa may tenga. He kissed me passionately and we end up doing it again.
Hinayaan ko na lang ang sariling malunod sa kasalanan na 'to. Sanay na ako sa set up na ganito pero mas matagal yata ngayon kay Jan. Usually 2 weeks lang tinatagal ko sa mga kafling ko, at hindi humahantong sa kama. Yung kay Zac kahit siya ang nauna pinilit kong kalimutan sa hindi ko malamang kadahilanan. Kami ni Jan almost 3 months na, kahit alam kong committed siya. Iniisip ko na lang na hindi ako dapat mahulog.
"Kakabagot best, buti na lang malapit na ulit 2nd semester, nakakainip din pala ang sem break no pag walang magawa. Mall na lang tayo." Yaya ni Yka.
"Sige, Tara na. Kaysa naman naghihintay ako sa tawag ni Jan." Sabi kong nakatingin sa phone.
"Uy, best iba na yan ha, ingat lang baka masaktan ka." Payo niya.
"Ano ka ba, alam ko ang set up namin. And don't worry, nag e-enjoy lang naman ako. Yon lang." Pagsisinungaling ko.
"Okay, sabi mo eh." Makahulugang sagot niya.
Paulit-ulit na pinapaalala ni Yka sa'kin ang tungkol dito pero ganon pa din hindi ko alam kung bakit hindi ako makabitaw kay Jan.
"Best pasok tayo, look I like that one." Aniya nakaturo sa isang dress na kulay asul.
"Lala, what do you think? This one or the other?" Pinapipili ako ni Yka. Pero wala don ang atensyon ko na hindi agad napansin din ni Yka.
"Lala, ano! Alin di-? Anong tinitignan mo diyan?" Sabay tingin niya.
"Si Jan yon di ba? Anong ginagawa niya dito puro ladies wear dito ah? Tanong Yka.
Kibit balikat lang ako. Sabay hila kay Yka.
"Wait, best. May nakita pa akong magandang dress don eh. San ba tayo pupunta?" Aniya.
"Let's see kung sinong kasama niya?" Sabi kong mukhang gets agad ni Yka.
"Ano? Nanghuhuling girlfriend ang peg, best ganon." Tukso niya sa'kin.
"Ssh, wag kang maingay." Saway ko kay Yka.
Pagkalapit namin. "Hi, Jan." Si Yka ang bumati na ikinabigla nito.
"Hey, what are you two doing here?" Tanong nito ng makabawi sa pagkabigla.
"Shopping, ikaw sa kabila ang sa male section ah, anong ginagawa mo dito?" Sabay pulupot ng braso ko sa leeg niya, pero nangliit ang mga mata ko ng alisin niya 'yon agad.
"Yeah, I just-" Naputol ang sasabihin niya ng may magsalita galing sa likod namin.
"Babe, what do you think this one na lang." Tapos tumingin sa'min.
"Oh, Hi! Mga friends mo babe. Pakilala mo naman ako." Pinulupot pa niya ang braso sa braso ni Jan. Bumaba ang tingin ko don.
"Yeah, My girlfriend Moira." Pakilala ni Jan.
BINABASA MO ANG
One Heartless Woman
Storie d'amoreHello po fellow readers and writers. Dahil sa tagal na hindi ko na-UD 'tong story ko dahil naging busy po talaga ako, ne-revised ko na lang pero may hawig pa din naman 'to don sa una. Pasensiya na sa mga wrong grammar at iba pang errors. And guys th...