Chap. 13
Tatlong linggo na mula ng pag-uusap namin ni Jan at pagwawala ni Moira. At hanggang ngayon inaalala ko pa din ang tungkol don.
"Baby I'm sorry ha. Dapat hindi ako nag-iisip ng malungkot. Pero hindi ko maiwasan. Baby naririnig mo si mommy di ba. Wag kang mag-alala last na 'to. Lagi ng magiging masaya si mommy para sa'yo, para sa atin."Sabi ko habang hinihimas ang sariling tiyan.
Tumunog ang phone ko. "Hello, best napatawag ka?"
"Wala lang nangungumusta lang. Anong ginagawa mo ngayon? Hindi ka pa din nanganganak, excited na akong makita ang inaanak ko eh."
"Ikaw talaga. Pareho lang tayong excited. Nagpapahangin lang ako dito sa terrace. Ikaw san ka?"
"Nakakainip na kasi eh. Nasa bahay lang din. I just check my thesis again, lam mo na, ipapasa na 'yon bukas. Grabe best, excited na akong grumaduate." Halata ang saya sa boses niya.
"I'm happy for you best."
"Mas masaya sana kung sabay tayo magsusuot ng toga at aakyat ng stage."
"Ayos lang yan, gagraduate din ako. Di ba I plan to go back to school pag malaki na ang inaanak mo.
"That's a better plan best. I'm happy to hear that. Nga pala may chika pa ako sa'yo."
Walang humpay lang ang tawa ko sa mga kwento ni Yka. Buti na lang at nandyan ang bestfriend ko, para pagaanin ang loob ko, at nakakalimutan ko na kung anuman ang agam-agam ko.
"Sobra ka! Sige ka yan ang makatuluyan mo." Tukso ko sa kanya tungkol sa baduy daw na lalaking nagkakagusto sa kanya.
"Yak, Lala. Magiging matandang babae na lang ako kung 'yon ang makakatuluyan ko. Eww! So baduy."
Tinawanan ko na lang siya ng bigla.
"A-aray, Yka. Mukhang- ahh!" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko.
"Ma!" Sigaw ko na nagpalabas kay mama at Yaya Sol. Hindi ko na nga nagawang patayin ang phone ko.
"Lala, naku po pumutok ng panubigan mo."Medyo nag-panic na din si Mama.
"Mang Tano pakitulungan po ako, pakibuhat si Lala." Agad namang tumalima si Mang Tano at binuhat ako papunta sa kotse. Binigyan naman ng instruction ni mama si yaya Sol pagkatapos dumeretso na agad kami sa ospital.
Pagkalipas ng apat na oras na pagli-labor ko.
"Tita." Sabay beso ni Yka kay mama."Kumusta po si Lala? Nanganak na po ba? Kanina kausap ko lang po siya ng narinig ko po siyang sumigaw. Ayos lang po ba siya." Sunud-sunod na tanong ni Yka.
"Yka, relax ka lang dyan. Okay na si Lala, lumabas na si Zian by normal delivery buti na lang hindi siya naubusan ng tubig ng pumutok ang panubigan niya kanina." Sagot ni mama sa sunud-sunod na tanong ni Yka.
"Mabuti naman po kung ganon. Zian po ang name ni baby? Pwede na po ba silang makita?" Nakahinga na ng mabuti si Yka.
"Mamaya pa daw. Pag nailipat na si Lala sa room niya. Si baby Zian. Tignan natin sa nursery room." Yaya ni mama kay Yka.
"Wow, so gwapo naman ni Zian. Tita tignan niyo, kamukha niya si Lala pag tinititigan. Pero dahil boy siya at maputi na nakuha niya sa lalaking yon, sa biglang tingin hawig din niya ang-" Ayaw ng ituloy ni Yka ang tungkol sa daddy ni Zian ng nasa tapat na ng Nursery room sila ni mama.
Tinapik siya ni mama sa balikat. "Napakagwapo nga. Napakalusog, buti na lang nakaya kang iluwal ng mommy mo ng normal delivery. Naalala ko tuloy ng ipanganak ko ang mommy mo." Nangingilid na ang luha sa mga mata ng mama ko. "Hello baby Zian. I'm your lola." Sabi ni mama sa munting anghel naming tulog sa kanyang baby bed sa loob ng nursery room.
Pagkalipas ng ilang oras. Pagkamulat ng mga mata ko. Agad ko silang nginitian lahat, kahit na nga nakakaramdam pa ako ng konting pagod. Kompleto sila. Si mama, Yka, Lindzey, Arth pati si Yaya Sol.
"Best." nakangiti din si Yka sa'kin.
"Lala, mabuti't gising ka na. Anak kumain ka na. Itong lugaw."
Tumango ako.
Kasalukuyan nila akong kinukumusta at kinukwentuhan ng may kumatok, bumungad ang isang nurse na may kalong na sanggol. At lahat sila'y namamanghang sa aking anak.
"Mommy, kailangan niyo na po siyang i-breastfeed. Nakakain na po kayo?" Sabay abot sa akin ng baby ko. Sila mama naman ay nakadungaw sa baby ko.
"Labas na po muna ako. Mamaya babalikan ko po siya para sa newborn screening." Sabi ng nurse.
"Salamat." Sabi ko sa nurse.
"Wow ang cute naman ate, kamukha ko." Sabi ni Arth.
"Yak, ang pangit mo kaya, mas kamukha ko siya." Si Lindzey naman.
Napapangiti lang ako sa mga kapatid ko. Talagang mga isip bata pa din pag naglolokohan.
"Tama na kayong dalawa dyan ha baka ma-stress ang ate niyo." Saway sa kanila ni mama habang tinuturuan ako kung paano ang tamang pag papabreastfeed kay Zian Luke.
Dahil wala naman kaming problema ng baby ko, after two days nakauwi na din kami sa bahay. Kalong ko si Zian, si mama at Yka lang kasama ko ngayon. May pasok sila Lindzey at Arth. Si yaya Sol pinagpaluto ni mama ng tinolang manok na may sahog na malunggay. Mainam daw yon para sa mga nagpapabreastfeed na ina.
Pagkatapos naming mananghalian agad na din akong pinagpahinga dahil bawal pang magkikilos pag bagong panganak. Nagpaiwan saglit si Yka pagkatapos umuwi na din. Si mama ang kasama ko, sa kwarto ko daw muna siya matutulog para maalalayan ako. Hindi din muna siya pumunta sa boutique namin, may assistant naman para mag-asikaso para don.
"Lala anak." Gising sa'kin ni mama.
Agad naman akong nagising at narinig ang munting tinig ng anak ko na umiiyak.
"Gutom na 'tong si Zian." Sabay abot ni mama sa akin kay Zian na buhat niya.
Pagkatapos pinabrestfeed ko siya at agad din naman itong nakatulog.
"Napakabait, natutulog na ulit." Sabay haplos ni mama sa maliit na kamay ng anak ko.
Nakangiti kaming nakatingin sa aming munting angel. Pinangako ko sa aking sarili na ibibigay ko lahat ng pagmamahal at pag-aarugang kayang kong ibigay sa kanya bilang ina niya. At lalaki siya na kahit kailan ma'y hindi maiisip na may kulang sa kanya dahil hindi niya makakapiling ang ama niya. Napaluha ako sa isiping 'yon.
"It's okay, everything will be alright."Nginitian ako ni mama na siyang ikinawala ng mga pangamba at alalahanin ko.
BINABASA MO ANG
One Heartless Woman
RomantiekHello po fellow readers and writers. Dahil sa tagal na hindi ko na-UD 'tong story ko dahil naging busy po talaga ako, ne-revised ko na lang pero may hawig pa din naman 'to don sa una. Pasensiya na sa mga wrong grammar at iba pang errors. And guys th...