•ANG SIMULA•

6.6K 134 0
                                    

REMINDER:

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events, and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

©Alright Reserved 2022


Taong 1400's

Walang tigil sa pagtakbo ang babae sa daan palabas ng kagubatan. Inaalala niya ang kanyang mga magulang at lahat ng tao sa maliit nilang nayon.

"Nay, tay, bunso, antayin ninyo ako. Dala ko na ang halamang gamot at gagaling na kayo."

Natapilok siya at gumulong pababa ng burol pero hindi niya ininda ang sakit na nararamdaman. Tumayo siya, naglakas loob na tumakbong muli.

"Malapit na ako."

Tahimik na ang bawat bahay na nadaanan niya, tapos na ang pagiyak, pagaalala at pagluluksa nila.

Ibinuhos na niya ang buong lakas para mabuksan ang pintuan ng kanilang munting kubo. Hinanap kaagad ng paningin niya ang kanyang pamilya na nakaratay sa papag na kawayan.

Mabilis niyang nilapitan ang tatlo para tingnan ang kanilang lagay. Parang tinadtad ang puso niya sa kanyang nasasaksihan. Lubos na nasasaktan siya sa nangyayari sa kanyang pamilya. Kung bakit hindi na lamang sana siya ang kinuha kapalit ng kagalingan ng kanyang mga minamahal.

Mabilis niyang inasikaso ang mga halamang gamot na kinuha pa niya sa gitna ng kakahuyan. Dinurog niya ang mga iyon, piniga at kinuha ang katas at madaling pinainom sa kanyang buong pamilya. Kanyang napansin na mapayapa na ang mga muka nila. Gumana na ba ang mga gamot na binigay niya rito? Wala na ba ang sakit na dala ng epidemyang kumakalat sa buong nayon?

"N-nay? Itay? Kapatid ko? Magaling na kayo hindi ba?" napakagat siya ng kanyang ibabang labi. Pinipigilan niya na umagos ang kanyang luha. Inantay lang ba siya ng mga ito? Ngunit bakit?

"Nanay! Tatay! Kapatid ko! Magmulat na kayo, huwag ninyo akong iwan na magisa sa nayon na ito. Ikamamatay ng aking puso kung kayo'y mawawala!" inalog alog niya ang mga ito at pinakinggan ang tibok ng puso at hininga ngunit wala na. Nanlaki ang kanyang mga mata. Nanlamig ang katawan niya tulad ng panlalamig ng katawan ng mga mahal niya sa buhay.

H-hindi maaari. Mabubuhay sila, gigising pa sila.

Sa tahimik na kanayunan, umaligawngaw ang pagtangis ng isang dalagita. Sa kabila ng lungkot at paghihinagpis ay hindi niya magawang tawagin ang Bathala,sapagkat ito ang dahilan ng kanyang pagdurusa.

Maghapon niyang pinagmamasdam ang labi ng kanyang pamilya. Wala na siyang iluluha pa. Poot at lungkot ang nararamdam ng puso niya.

Bakit hindi pa siya isama ng mga ito sa kabilang buhay. Wala ng saysay ang pagkabuhay niya kung wala na ang mga taong nagmamahal sa kanya.

Suminag ang liwanag mula sa butas ng kubo nila at nakita niya ang isang libro. Isang libro na kailanman ay hindi niya sinubukang basahin at pagaralan. Ngunit ngayon na wala ng natitira sa kanya. Wala na siyang dapat katakutan pa. Kahit buhay niya ang kapalit.

Binuksan niya ang libro. Hindi niya inakalang sa ganitong sitwasyon matutuklasan niya ang nakatagong lihim sa mga letrang nakalimbag doon. Lubos ang pagpapaalala ng kanyang mga magulang na kailanman ay hindi na ito muling mabubuksan pa at sa henerasyon nila magwawakas ang paggamit niyon. Ngunit siya'y nakapagpasya na.

Handa siyang haharapin ang kabayaran sa kanyang pakikialam, sa gitna ng buhay at kamatayan.

Ngunit hindi pala doon nagsimula ang kanyang parusa,may mas malalim pa na dahilan na umabot hanggang sa panahong kasalukuyan.

Because This Is My Last Life[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon