Chapter 6:Back to University
Sebastian's POV
Pagkauwi namin galing El Pueblo dumiretso akong Bar ni kuya Kiel at tinawagan ang Best buddy kong si Sylvestre. Buong summer vacation ko kasi sya hindi nakabonding tulad nito. Gusto kong maginom uli nakakabwisit kasi talaga yung babae na yun. Ang lakas mang-asar. Di ko pa nararanasan na may sumagot sa akin ng ganyan. Sya lang talaga. Tsk Ayoko man syang isipin bigla bigla na lang syang pumapasok sa isip ko. Buti na lang eto na yung huling makikita ko sya. Nasa kalagitnaan ako ng pagiisip ng may tumapik sakin.
"Ui Seb. Haha long time no see wala pa rin pagbabago sayo nakasimangot ka pa rin." Bati nya sa akin saka sya tumabi sakin.
"Gago." Yan ang tugon ko sa kanya. Na ikinatawa nya.
Sanay na sya sa ganyang ugali ko. Ganyan ko kasi sya batiin.
"Gago ka rin bro~ so what's up?" saad nya in between his laughter
"Well nothing change." Tipid kong sagot.
Ayoko muna iopen sa kanya yung about sa business lalo na about dun kay babaeng parang pwet ng manok ang bibig sa sobrang daldal. Baka kung anu pang isipin nitong mokong na to.
"Ano pa nga bang magbabago haha" tatawa-tawa nya ulit na sabi
"Ikaw kamusta walang kwentang buhay mo?" Tanong ko naman.
"Eto ganun pa rin. Gwapo pa rin." Ngiting asong saad nya.
Isa pa to nawawalang kakambal ata ni Kiel tong lalaking to eh. Pareho sila ng ugali. "Kapal pa rin nga ng mukha mo hanggang ngayon." Komento ko
"Hard mo talaga. Bigyan mo nga ko ng hard jan!" Pabirong sagot nya sabay order ng alak. Ako as usual Tequilla Sunrise pa rin ang iniinom ko.
"Tss." I shrugged at nilagok yung kanina kong inorder na alak. Ganito talaga kami magusap. Kaya wag na kayo magtaka. Boring ba? Di naman kasi ako madaldal sya lang naman ang madaldal sa aming dalawa di ko nga alam kung pano kami naging magkaibigan nito eh. Pero mahirap man paniwalaan ay maasahan yang tao na yan.
"Di ka naman usually nagyayayang uminom may problema ba?" Tanong nya.
"Wala gusto ko lang talaga uminom ngayon. Masama ba?" Iwas na sagot ko.
"Haha di naman baka namiss mo lang ako bro kaya." Biro nya.
Nabatukan ko sya ng marinig yan. "Isa ka pang baliw." Sabay tawa nya na naman. Hindi ba sya nangangalay? Kanina pa sya tawa ng tawa. Patuloy kaming naginuman kahit na maaga ang pasok namin bukas.
Gusto kong makalimot muna sa mga bagay na nakakapagpainis sa akin.
End of POV
Kittyelle's POV
Sa kolehiyo medyo okay ako dahil may sari-sariling buhay ang mga estudyante dito di tulad ng dati na halos parang krimen ang pagiging animal lover ko. Kesyo ang weird ko daw, baliw , nakakadiri at kung anu-ano pang masasakit na salita ang narinig ko sa kanila. Nakatanggap ako ng matinding pambubully noon. Mahirap at masakit pero tinanggap ko pa rin lahat ng nangyari siguro nga isa yun sa trials ni god para palakasin at patatagin pa ang loob ko.
Pero sana lang yung mga taong nangbully sa akin ay hindi ko na makita pa. To think na mga babae pa naman sila. Nagaral kasi ako nun sa All girls School nung high school ako. Kaya di ko ineexpect na may ganun pang mangyayari tsk mga tao nga naman. Naglalakad ako ng tahimik sa hallway ng biglang may nang back hug sa akin.
"Wahhhhhhh MeowLoves! Namisss kitaaaaa!!!" Agad akong kumawala sa nakakasakal na yakap nya ng marinig ko ng malapitan ang boses nyang nakakabingi at nakayakap sya sakin sabay sisigaw ng ganoon. Sakit nya po sa tenga. Eskandalosong tao talaga to.
BINABASA MO ANG
HIDDEN DESIRE
RomanceTitle:Hidden Desire (unedited yet) (COMPLETED) Si Sebastian Del Valtazar ang isa sa mga important guest ko dito na anak ng isa sa mga big partnership ng pamilya ko. Kaya sa ayaw ko man o sa gusto I have to entertain him at hangga't maari ay makapagt...