....
Chapter 9: Preparing
Sebastian's POV
Akalain mo nga namang ang liit ng mundo. Nagkita kami ni babae, tapos kaklase ko pala sya idagdag mo pang naging kagroup ko sya sa dalawang project. Yung tipong ayaw mo na ngang makita yung tao talagang sya at sya pa rin ang makikita mo. Nakakairitang buhay naman oo.
Kahit na hindi na kami masyado nagbabangayan dahil sa pagiging busy ko sa pagbabasa ng paborito kong libro. Hindi ko sila pinapansin bahala na sila sa kung anung gawin naming project. Di na lang ako magrereact ng matapos lang yang mga walang kwentang projects na yan.
Kung tutuusin pede ko namang hayaan at tanggihan na lang yang paggawa nyan kung hindi lang dahil kay Sylvestre na halos sobra mamilit sa akin ay hindi talaga ako sasama. Dahil ayokong makasama talaga ang babaeng yan.
Nakakarindi kasi sya masyadong maingay buti na lang at tumahimik rin sya ngayon. Ni hindi nga sya masyado nagsasalita ngayon. Marunong din pala syang manahimik huh? Tsss. Usually tahimik naman talaga ako eh.
Naging masalita lang ako ng dahil sa kanya. Masyado kasi kaya kahit babae sya hindi ko maiwasang patulan. Pasalamat na lang talaga sa libro ko at tahimik ang mundo ko kahit papano. Di man maiiwasan ang mga babae dito at least hindi sila yung katulad ng sa school namin dati na stalker.
"Oh maya after class sabay-sabay na tayong mamili sa grocery huh?" Sambit ni Sylvestre
"Magandang idea nga yan. Gusto ko yan dude!" Hyper at mukhang excited na pagsang-ayon naman nung Ian ba yun? Ay ewan.
"Ako na lang magisa ang bibili ng ibang kailangan." Tanggi ni babae na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan.
"Bakit Meowloves? Ayaw mo ba kaming makasama?" Tss palungkot epek pa tong isang to kung ayaw wag pilitin.
"Alam nyo wag nyong pilitin yung ayaw." Sabat ko.
Napasinghap naman si babae at sinamaan ako ng tingin. "Di naman sa ayaw kong sumabay. Nakakailang lang na puro lalaki kayo at ako lang ang nagiisang babae." Pasupladang sagot nya
"Geez! As if namang may balak kaming gawin sayo? Para bibili lang kasama kami. Nagiinarte pa." Tamad na sabi ko.
"Oy! Oy! Yan na naman kayong dalawa. Tsk. Seb naman. Tama nga naman si Kitty naiintindihan ko sya kasi sya nga lang naman ang babae." Singit sa amin ni Sylvestre. I look away. Tss. Ako na naman ba ang may mali? Bwisit.
"Hays. Tama na nga. Oo na sasama na ako para di na lumaki yung gulo."
Give up nya. Kahit na sana hindi na.
"Really?" Masayang saad nung dalawang mokong. Tumango naman ang maldita.
"Yep. Para lang matapos na." Napailing-iling na lang ako.
Sasama rin naman pala nag-inarte pa. Mga babae nga naman. Kunwaring ayaw sasama naman din sa huli.
"Well Sebastian okay lang ba sayo yung mga plans natin for the projects?" Tanong ni Sylvestre.
Tumango lang ako at tipid na nagsalita. "Ge."
"Okie. So okay na ang lahat ah? Kitty mas okay ng may kasama ka para may katulong ka din sa pagbubuhat mamaya. Saka yung Van nalang namin ang gagamitin para sama-sama tayo." Sabi ni Sylvestre.
"Alright." Kibit-balikat na sagot nya. Natapos ang usapan namin ng dumating na yung professor namin sa english. Kaya bumalik na sila sa sarili nilang upuan.
End of POV
Ian's POV
Naeexcite ko para mamayang after class dahil magkakasama kami nila Meowloves kong mamimili aigoo. Eto na naman ako kinikilig para kaming mag-asawa na mag-grocery mamaya.
BINABASA MO ANG
HIDDEN DESIRE
RomanceTitle:Hidden Desire (unedited yet) (COMPLETED) Si Sebastian Del Valtazar ang isa sa mga important guest ko dito na anak ng isa sa mga big partnership ng pamilya ko. Kaya sa ayaw ko man o sa gusto I have to entertain him at hangga't maari ay makapagt...