Chapter 33:Family

20 5 1
                                    

...

Chapter 33:Family?

Sylvestre's POV

Wahhh ang sarap ng simoy ng hangin dito. Ang ganda ng view at ng buhangin puting-puti para ka na ring nasa boracay astig talaga ni Kitty. Idagdag mo pa yung mga magaganda at seksing mga chicks na nakasuot ng mga swimsuits.

H.E.A.V.E.N!!! Buti na lang pala naisipan ko to. Masyado kaming naging busy at pagod last tym kaya relaxing mode again. Hihi~ sarap talaga ng buhay ko wahahah.

"Ian! Mang hunting tayo ng chicks dito baka dito mo na din mahanap si poreber mo!" Aya ko sabay hila kay Ian.

Naka summer shorts lang kaming dalawa kaya kitang-kita ang magaganda naming katawan. Na tiyak na agad makakaakit sa mga babae nandito.

"Ui! Syl wag mo ko damay sa kalandian mo. Kusang darating si poreber~" Tanggi nya pa.

"Wag ka nang choosy mag enjoy na lang muna tayo habang wala sila Kitty~" hyper na saad ko.

"Wewwit!" Sipol ko pa ng may makita akong sexy na maputi at ang kinis ng balat. Grabe nakakaakit dang. Pero nung humarap hayop! Nalinlang ako! Bakla pala!

"Hiiii pogiiiii~" pinalanding boses baklang bati nya with matching flying kiss at wink pa. Yung mukha ko kusang nagmake face na parang nandidiri! Ayoko ng bakla putik!

"Ahahaahhaahhah! Ui! Syl san ka pupunta hinihintay ka ng chicks mo dito oh." Natatawang saad ni Ian

Nilayasan ko kasi yung baklang mapanlinlang na yun. Litsi muntik pa akong mahulog sa nakakatakot na bitag nya. Ilang beses na kasi akong nalinlang o nabiktima ng mga ganyan. Last time na nagclubbing ako may nakahalikan pa akong ganyan huta kadiri!

Ilang beses akong nag toothbrush, mumog at suka ng nangyari yun kulang na nga lang ipanglinis ko na sa bibig ko ang muriatic acid tss hays kakaiba na talaga ang mga bakla ngayon sobrang mga ladlad ang hirap ba tuloy malaman kung sino ang totoong babae o hindi.

Karma nga naman oo. Ang bilis. Nakakainis. Nawala tuloy ako sa mood. Nagpunta na lang na ako sa dagat at lumangoy-langoy.

End of POV

Claire's POV

Niyaya ko si Ashiel na magstay din kami sa hotel ni ate Kitty nainggit kasi ako eh buti pa sila Sebastian nandoon saka naboboring na din ako kaya nipilit ko itong sobrang busy kong my future hubby~ "Sige na Ashiel my loves so sweet ko. Weekends naman ngayon eh." Pagpupumilit ko

He diverted his gaze towards me kanina pa kasi sya nasa harap ng laptop nya eh as usual about business. "What if I said no?"

"Pipilitin pa rin kita" nakabusangot na saad ko.

"Bakit ba gusto mong doon magstay ng weekends mo?" Tanong nya.

I pouted and puffed my cheeks.

"Naboboring na kasi ako eh gusto ko naman magenjoy kasama ka." Maktol ko.

"Bakit hindi ka pa ba nageenjoy ng kasama ako sa ganitong way?" Tanong nya pa.

"Eh pano naman ako mageenjoy kung parati ka lang nakaharap sa laptop mo. Sige nga? Sabihin mo nga sa akin? Kulang na nga lang pakasalan mo na yang laptop na yan" Angil ko.

He suddenly chuckled. "Alright. Now I get it. Sorry okay? Oo na kung gusto mong doon tayo magweekend. Okay. Wala din naman akong choice eh,"

"Talagang wala kang choice kasi pipilitin at pipilitin kita sa ayaw mo man o sa gusto." Nakangising saad ko

"Yeah thats what I'm saying." Napapailing-iling na sabi nya

Hihihi~ well ako lang ang nakakagawa nyan kay Ashiel haha mainggit kayo choz! Well magaayos na ako ng gamit hihih

End of POV

Kittyelle's POV

Sinamahan ako ni Sebastian sa paglilibot dito sa Zoo ko. Akala ko hihintayin na lang nya ako sa may beach malapit sa hotel nila. Akala ko lang pala. So nostalgic yan ang nararamdaman ko ngayon. Naalala ko kasi yung mga panahong inaassist ko sya dito.

Palagi pa kaming nagaaway noon. Natatawa na lang ako kapag naiisip yun. Sinu nga naman makakapagsabi na ngayon ay okay na kami buhat sa pangit naming pagtatagpo sa hotel. Hays buhay nga naman.

I sighed. Nadaanan namin sila tyra at Tyron good thing okay na si Tyra nakakalakad na muli ito ng maayos di tulad ng last na makita ko sya ay halos manghina na. Kiniss ko pa nga silang dalawa sa noo bago ko iwan.

"Kamusta naman ang ibang mga alaga natin dito, Ate Shon?" Tanong ko sa isa sa mga care taker ko dito

"Mabuti naman po silang lahat. Wala naman pong kahit na anong may sakit sa kanila maam" sagot nya sa akin. Tumango-tango ako.

"Salamat po sa masugid na pagaalalaga po ninyo. Pasensya na rin po at bihira na lang po akong nakakadaan ito." Paumanhin ko.

"Wag po kayong magalala maam para na din namin kayong anak kaya okay lang naman po naiintindihan namin. Ikaw rin naman po ang inalala namin. Nagaaral kayo kasabay ng bawat pagttrabaho mo sa lahat ng naiwang kumpanya ninyo. Ayaw din namin na maging pabigat pa sa inyo kaya hangga't maari at wala kayo ay kami ng bahalang magasikaso nito." Mahinahong pagtanggap ni Ate Shon.

Nakakatouch silang lahat na nagaalala para sa akin. Bakit nga ba ngayon ko lang napansin ang mga taong ito na nagpapahalaga sa akin. "Marami po talagang salamat sa inyo. Oh sya ako'y magpapaalam saglit Lilibutin muna namin ang buong ZOO para kamustahin ang iba pa. " paalam ko at nagsimula nang maglakad kasama si Seb na nakikinig lang kanina.

"I'm so glad that they really care about you not just as their boss but as their so-called family." Nakangiting komento ni Seb

I nodded happily. " Yeah I didn't expect this. I never knew that all this time they treated me as their family. Kahit na para sa akin noon ang mga alaga ko lang ang pamilya sa akin." Di makapaniwalang saad ko.

"At least while I'm not here there is someone looking after you." He grinned

"Talandi ka talaga." Natatawang sabi ko.

"Sayo lang." Nakangising tugon nya.

Napailing-ilingna lang ako sa sinabi nya aigoo. "Ay nako. Yan ka na naman tara na nga at magpatuloy na para makapagbonding na tayo kasama yung iba pa." Aya ko yan na naman kasi sya sa pagpapakilig nya eh.

Yung mga panda at iba pang hayop ay okay rin. Next week nga pala darating ang magiging bago kong alaga na sila Dumbo at Dumbi ang parehong limang taong gulang na Elepante na nagmula pa sa thailand. Nakakaexcite makakita nun. Sa manila Zoo lang ako nakakita ng ganun iba pa rin kung sariling iyo diba. I mindlessly giggled.

"W-wait." Pigil sa akin ni Sebastian.

"Bakit?" Curious na tanong ko.

Ngayon ko lang napansin na nasa harap pala kami ni Gori. May inilabas na isang yellow na rosas si Sebastian at humarap kay Gori. Natawa pa nga ako ng bahagya kasi yung itsura nya parang liligawan si Gori Haha

"Gori, alam ko naging bad ako sayo noon. Gusto ko sanang humingi ng tawad sayo. You're not ugly, you're pretty." Paumanhin nya kay Gori sabay abot nung yellow rose na agad kong ikinagulat.

"HooHoo HaaHaa~" di na galit si Gori dahil tuwang-tuwa itong tinanggap yung bulaklak kay Sebastian at nilagay pa sa tenga nya yung parang kay Rosalinda.

Kakatuwa. Nagbow pa si Sebastian bago nagpaalam kay Gori. "Thank you for forgiving me. See you in a while Gori."

"You really did apologize to her." Di makapaniwalang saad ko Tumango sya at ngumiti ng bahagya.

"I just realize na mali yung ginawa ko. Kaya tinama ko ito." Napangiti ako sa sinabi nya. He's really unpredictable.

"Yeah and its the right thing." Komento ko. Hinawakan nya ang mga kamay ko at hinalikan ito.

"Just like how right it is to be with the one I love." Putik biglang banat nya!

Kelan sya natuto nyan grabe ka Sebastian! Mukhang onting-onti na lang mahuhulog na talaga ako sayo..

HIDDEN DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon