CHAPTER 35: Piggyback ride

7 3 0
                                    

Chapter 35: Piggyback ride

Ian's POV

Ano ba tong si Syl kanina pa hila ng hila sa akin para maghanap ng chicks. Napakababaero talaga neto eh. Tsk. Wala din naman akong choice dahil alangan naman umextra ako kila meowloves. I sighed kaya kahit na ayaw ko nagpahila na lang ako. Hindi ko rin naman makakayang makita yung surprise ni Sebastian. Nakakainggit eh. Bakit nga ba hindi ko naisip ang mga ganoong bagay noon? Siguro kung naging mas matalino ako baka sa akin na nafall si meowloves eh. Kaiyak.

"Ui cheers!Yeah! twerk that sexy booty wohoooo" Lasing na ata tong si Syl sobrang hard ba naman ng ininom eh nakikipagsayaw na sa mga babae dun sa gitna ng dance floor open area kasi ito. Nandito kasi kami sa may bar malapit dito sa beach kumpleto ano? May bar talaga. Kaya sulit talaga ang pagstay in mo dito.

Ako eto tahimik lang na nagiinom sa may bartender area ng may mapansin akong pamilyar na babae, nagiinom sya ng sobra at kung bakit? Hindi ko rin alam. Nilapitan ko sya para macheck kung tama nga ang hinala ko.

"Nakakainis mga lalaking manloloko. Sarap nyong patayin!" Inis na sambit nya sabay lagok ng alak.

Nanlaki pa ang mata ko nang marealize na kilala ko nga ang babaeng ito. Si Sunshine Francess Veneracion ang first cousin ko lang naman. Nagulat talaga ako ng makita sya dito.

"Ui! France? Bakit ka nandito?" Kalbit ko sa kanya Halatang nagulat din sya ng makita ako. Bigla naman syang yumakap at humagulgol sa akin.

"Kuya Ian huhu leche yung ex-boyfriend ko niloko lang ako. Katawan lang ang habol sa akin kaya ako dinala dito. Nung hindi ko binigay ang gusto nya ay iniwan na lang ako." Sumbong nya sa akin,

"WHAT?!!! Sinong mapangahas na lalaki ang gumawa sayo nyan?" Inis na saad ko.

Parang kapatid na kasi ang turin namin kay France lalo na't only girl lang sya sa buong family namin dahil lahat kaming magpipinsan except sya ay puro mga lalaki. Kaya nga sya ang prinsesa sa pamilya at sobra namin kung protektahan kahit tinatawag syang one of the boys tapos lolokohin lang ng kung sino?

"Yung schoolmate nyong si Frank Ilonda! Leshe sya! First boyfriend ko pa man din sya!" Sagot nya pa, Frank Ilonda? Parang pamilyar nga ang lalaking yun, lagot sya sa amin nila kuya tuturuan namin sya ng leksyon. Pinapatahan ko si insan ng biglang lumapit sa amin si Sylvestre at umakbay sa akin.

"Ano yan Ian? Ang bilis makahatak ng chicks huh? Akala ko ba ayaw mo mang chicks." Sabi nya sa akin biglang tumino ang isang to ah? I sighed.

"Di ko chicks to gago! Pinsan ko to! Si Sunshine Francess. France si Sylvestre nga pala tropa ko." Pakilala ko kay insan

"Really! Wow bro di mo naman sinabing may napakaganda at sexy kang pinsan! Hi there beautiful? I'm Sylvestre at your service" Hyper na saad ni Syl at kinindatan pa ang pinsan ko baliw talaga to.

Balak pa atang pormahan si France

She sniffed at pinahid ang luha nya. "Hoy lalaking babaero! Wag ka ngang malandi di kita papatulan! Dahil Pare-pareho kayong mga lalaki! Puro mga manloloko! Tss." Bulyaw ng pinsan ko sa kanya sabay walk out.

Woahhhhh grabe nilahat naman nya T.T and oh kawawang Syl. First time tinanggihan ng babae "What's wrong with your cousin dude? May galit ba sa mga lalaki yun? Grabe this is the first time na tinanggihan ako ng babae!" Gulat na saad nya,

"Broken kasi yun bro wrong timing ka naman kasi, tss kung trip mo sya nako mabuti pa ngayon palang tigilan mo na galit sa mga manloloko at babaero yan." Sagot ko

He grinned. "Really? She's challenging wow. I like it."

"Ui Syl umayos ka pinsan ko yan!" Paalala ko.

HIDDEN DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon