...
Chapter 23: Mask
Sylvestre's POV Naglalakad ako sa hallway papasok sa room namin nang may mapansin akong babaeng nakamask. Tinitigan ko syang maigi kasi parang pamilyar sya sa akin eh. Binilisan ko pa ang lakad ko at ng malapitan ko na sya.
I knew it its Kitty kaya pala pamilyar sya sa akin. Bakit kaya nakasuot ng mask itong si Kitty? She's acting weird. Bakit kaya. May sakit ba sya or what? Hinabol ko sya at kinalabit.
"Hey!" Bati ko pero tinignan nya lang ako.
"Kitty may sakit ka ba? Bakit ka naka mask?" Curious na tanong ko.
Tumingin-tingin muna sya sa paligid bago ako sagutin. "For protection." She plainly said Huh Protection? Para saan? Lalo ako naguluhan.
"Huh? Protection para saan kitty? My allergy ka ba or what?" Tanong ko pa.
"Wag ka na nga matanong Sylvestre. Kahit sabihin ko di mo pa rin naman maiintindihan." Irap nya sa akin.
Awww taray talaga neto >_<. Para concern lang eh kaya tinatanong eh.Kaya no choice I decided to just shut my mouth off. Mahirap na baka mabugbog pa ako nito ng wala sa oras. Kaya sa paglalakad namin tahimik lang kami.
Sabay kaming nakarating sa room andun na si Ian at si Seb. Maaga pa naman kaya wala pang professor. As usual gaya ng dati O.A na naman magreact si Ian ng makita ang Meowloves nya.
"Meowlovessssass anung nangyari sayooo bakit ka nakamask? May sakit ka ba? Halika dalhin kitang clinic gusto mo???" Salubong nya
"Tumahimik ka nga Ian. Wag kang O.A" irap ni Kitty sa kanya saka umupo na.
Malapit lang kasi yung upuan namin sa kanila eh. Kaya umupo na rin ako at tinignan sila. Habang si Seb panay ang basa pa rin.
"What do you mean? Ibig sabihin wala kang sakit meowloves?" Tanong nya pa.
"Wala nga!" Iritang sagot ni Kitty.
"Are you sure eh bakit ka nakamask?" Pangungulit pa ni Ian haha wala talagang kadala-dala to.
"Iwas amoy hininga nyo. Hmp." Inis na sagot nya. Huh? Iwas hininga 'nyo'? Bakit sabay pa kaming napaamoy ni Ian sa hininga namin ng sabihin nya yan. Nacurious ako eh. Di naman kami badbreathe ah?
"Meowloves di naman mabaho hininga ko ah?" Nagtatakang saad ni Ian
"Akala mo lang yun." Irap ni Kitty hahah lakas din trip nito ni kitty minsan eh. Imba. Napakamot naman ng ulo na umalis si Ian dun at lumapit sa amin.
"Bro mabaho daw hininga natin? Amoyin mo nga." Pagkasabi nya nito ay bigla syang huminga sa harap ko. Agad naman akong napaatras.
"Ang baboy mo Ian! Ano ba!" Angil ko,
"Huh? Di naman mabaho ah? Ang arte mo bro huh." Gulat na tanong nya sa reaksyon ko.
"Kahit na. Mamaya may nakakahawa kang sakit jan eh." Pailing-iling na saad ko.
"Tss. Bad ka." Parang batang saad nya at bumalik na sa upuan nya ng dumating na si Prof.
End of POV
Kittyelle's POV
Ang kukulit nitong mga ito. Buti na lang tumigil na sila kakatanong kung bakit ako nakamask. At ni hindi ko rin pinapansin itong demonyitong manyak na to. Hindi ko talaga akalaing may ganyang side sya. At kamalas-malasang ako pa ang kauna-unahang nakasaksi nun. Litsi. Eto rin yung dahilan kung bakit ako nakamask ngayon mahirap na baka nakawan na naman nya ako nga halik.
Twice na nyang ginawa to ah sumosobra na sya next talaga makakatikim na sya sa akin ng sapak. Geez. And good thing may ilang araw pa bago yung performance namin sa personality development at konting polish na lang ng sayaw ang gagawin roon.
Dahil nasaktuhan kasing may importante kaming dapat gawin ni Sebastian mamaya sa Cebu. We have to check Crown Regency hotel na gusto kaming maging sponsor nito.
"Awww so kaya pala hindi tayo makakapagpraktis ngayun at bukas kasi pupunta kayong Cebu." Malungkot na saad ni Ian.
Nasabi ko na rin kasi sa kanila na si Sebastian na ang pumalit na co-partnership ko kaya sya ang kasama ko sa Cebu. Baka kasi kung anu pang isipin nitong mga to eh.
"Well since saturday naman bukas. Gusto mo bang sumama tayo sa kanila sa cebu, Ian?" Nakangiting suhestiyon ni Syl.
Napaisip ako. Kung kasama sila safe ako at hindi malalapitan ni Sebastian dun. Tama. Mas okay na sumama nga silang dalawa. Magrereact na sana si Sebastian ng pangunahan ko sya. "Maganda yan. Sige sumama kayo Ian. Para naman hindi boring ang pagpunta dun." Pagsang-ayon ko.
Napansin ko pang sinamaan ako ng tingin ng impakto pero inirapan ko lang sya. "Woahh really? Meowloves pwede?" Di makapaniwalang sabi ni Ian
"Yes." Mabilis na sagot ko.
"Alright! Tatawagan ko lang ang butler ko para makasama na tayo sa flight nila Kitty mamaya. Halika samahan mo ko Ian. Kailangan ko ng information mo." Aya ni Sylvestre kay Ian na agad namang sumama.
I sighed. At least di na ako kakabahan. Napangiti na lang ako. "Mukhang kampante ka ata? Akala mo ba hindi ko alam ang dahilan kung bakit mo sila sinama?" Biglang salita naman nitong isang to.
"Tss. Wala akong alam sa sinasabi mo." Iwas na saad ko.
Ayoko ngang malaman nya na totoo nga yang naiisip nya na dahilan.
Baka lalo lang akong pagtripan nitong impakto na to.
"Were you scared to be kiss by me...again?" Ayan na naman sya nakangisi na naman sya nung sinabi nya yan.
Kaya ayan na naman ang mga balahibo kong tumataas.
"Tumigil ka nga ayan ka na naman. Para kang sinasapian." Inis na sambit ko.
"Stop acting that you don't know what I'm saying, Yelle. " Seryosong saad nya tinignan pa ako sa mukha ng may nakakalokong ngiti. "At talagang nagmask ka pa." dagdag nya. Para talaga syang sinapian ng demonyo jusko.
Nakipagtitigan ako sa kanya. "Subukan mo ulit akong nakawan ng halik. Nakikita mo tong kamao ko?" Banta ko sa kanya habang pinakita sa kanya ang nakayukom kong kamao. "Sa susunod eto na ang mahahalikan mo!" Dagdag ko pa.
"You're not that intimidating, Yelle. Hindi nga ako natakot sa banta mo. And I'm a guy you know? You think you can overpower a man?" Kalmadong saad nya I was taken aback by his words. Kaya ko nga ba sya physically? Ah basta! Hindi ko hahayaang magpatalo sa kanya.
"Try me." Seryosong saad ko. Muling umarko ang ngisi sa kanyang mga labi.
"I would love too, Yelle. But for now let's just chill for a while." Saad nya at nagsimula ng maglakad.
"Hindi ako takot sayo! I'm serious tandaan mo yan! Hindi ako magpapatalo sa isang Sebastian Del Valtazar!" Sigaw ko pa sa kanya.
Chapter 23 is up. Next part ay nasa Cebu sila.
BINABASA MO ANG
HIDDEN DESIRE
RomanceTitle:Hidden Desire (unedited yet) (COMPLETED) Si Sebastian Del Valtazar ang isa sa mga important guest ko dito na anak ng isa sa mga big partnership ng pamilya ko. Kaya sa ayaw ko man o sa gusto I have to entertain him at hangga't maari ay makapagt...