Chapter 5:The presentation day
Kittyelle's POV
Ang ganda talaga ng mood ko dahil sa ilang days kong hindi sya nakita buti na lang this is the last day na makikita ko ang demon face at attitude nya. Kaya nakangiti ako at good mood na inaayos ang mga gamit at sarili ko dito sa opisina. Buti na lang natapos ko na ang dapat tapusin sa bawat kumpanyang hawak ko bago pa man ako magstart na pumasok sa unniversity bukas.
Natulungan na akong ayusin ng mayordoma kong si Manang Liz ang pageenroll ko doon kaya bukas sarili at gamit ko na lang ang bibitbitin ko. Pakanta-kanta pa ako ng biglang pumasok si mr.CEO kaya nagulat ako at napahawak sa dibdib.
"--Ay asong gala!" "Oh nagulat ba kita Ms.Yelle? Pasensya ka na kanina pa kasi ako kumakatok kaso walang respond kaya pumasok na ako. Wala kasi ang sekretarya mo sa labas kaya ipagpaumanhin mo ang biglaang pagpasok ko hijah."
Paumanhin nya . Umiling-iling ako.
"Nako hindi po. Ako nga dapat ang humingi ng paumanhin masyado po ata akong naenjoy sa aking ginagawa kung kaya't hindi ko agad napansin na may bisita pala ako. Sorry po talaga maupo po kayo." Paumanhin ko rin pabalik.
Tumango sya at ngumiti ito bago umupo. "Salamat. Mukhang good mood ka ata hijah?" Bati nya
"Syempre naman po. Last day na po kasi ng anak nyo rito eh. Matatanggal na din ang pagiging grumpy ko na dinulot nya." Casual na sagot ko.
Kadahilanan na bigla syang napahalakhak kaya nagulat ako at napatitig sa kanya.
Nang humupa na ang pagtawa nya saka sya nagsalita muli. "Nakakatuwa ka hijah hindi ko akalaing mapapatawa mo ako. Ganyan pala ang dulot ng anak ko sayo. Kaya pala agad mong tinapos ang pagoorient sa kanya. Hindi mo na ba natiis ang ugali nya? Hahaha" sabi nya sabay tawa na naman.
At wait? Alam nya??? Na tinapos ko agad ang pagorient sa anak nya? Hala?! At yes hindi na talaga natiis grabe naman kasi eh.
"Yes sir. Hindi ko na po talaga natiis. Bakit po ganon kung anong bait nyo syang impakto naman po nya?" Nagtatakang tanong ko.
He composed himself matapos muling tumawa. "Sanay na ako sa mga yan. Sa apat na anak kong lalaki tatlo sa kanila ang suplado isa lang ang hindi yun nga lang babaero pa. Hindi ko nga alam kung saan nila nakuha ang ganyang ugali. Mabait naman ako at ang kanilang ina." Di rin makapaniwalang saad nya.
So apat pala sila? At tatlo silang puro impakto ang ugali at isa lang ang hindi pero babaero pa? Wow~ I giggled.
"Puro po ata may sayad mga anak nyo. Lalaki po ba lahat walang babae?" Tanong ko.
"Oo walang nagmana sa aming magasawa. Well yes apat silang lalaki." Nakangiting sagot nya.
So kaya pala ganun sya kairita sa mga babae ramdam ko kasi eh "Ahh."
Tumango-tango kong sagot sa kanya. "Anyway sir, bakit nga po pala kayo napadaan?" Tanong ko,
"Ah that. I almost forgot. Gusto ko lang magpasalamat sa pagttyaga sa anak kong yun. Sana lang maging maayos ang presentation nya mamayang ala una. Sa kanya na ngayon nakadepende ang performance nya." Sagot nya I sighed.
"Sana nga po. Anyway wala po yun sir. Ikinagagalak ko pong makatulong sa inyo." Nakangiting saad ko.
"Salamat talaga hijah. Sa susunod uli. Well then see you later at the presentation. Bye." Paalam nya nagpaalam na rin ako.
End of POV
Sebastian's POV
Hinahanda ko na ang sarili ko. Kanina ko pa chineck ang gagamitin ko kung ayos na baka kasi mapurnada pa ang presentation na gagawin ko mamaya. At ayokong mapahiya sa mga panelist doon. I want to prove my dad na I can handle anything now. I'm already 19 years old for pete's sake. Alam kong wala pa syang tiwala na kaya ko na dahil gusto nyang makita sa performance ko kung paano ako humandle ng report na ganito dahil mostly ay ganito ang dapat kong gawin kapag humawak na ako ng sariling kumpanya ko.
BINABASA MO ANG
HIDDEN DESIRE
RomantizmTitle:Hidden Desire (unedited yet) (COMPLETED) Si Sebastian Del Valtazar ang isa sa mga important guest ko dito na anak ng isa sa mga big partnership ng pamilya ko. Kaya sa ayaw ko man o sa gusto I have to entertain him at hangga't maari ay makapagt...