CHAPTER 39:Preparing for a gift?

6 3 0
                                    

Chapter 39: Preparing for a gift?

Sylvestre's POV

Kanina ko pa kinukulit si Ian na isama yung pinsan nyang si France sa birthday party ni Sebastian bukas. Kaso ayaw nya kaya eto ako para pumilit sa kanya. At kung bakit? Wala gusto ko lang. Hihi

"Hoy Ian sige na isama na bukas sa birthday ni Seb pinsan mo," pilit ko

"Ayoko nga baka pati ako majombag nun eh," tanggi nya

Pero hindi ko basta-basta sumusuko. "Ian. Nagmamakaawa ako sayo. I wanna see her please." Pangungulit ko.

Napatingin naman sa akin si Ian na may halong naguguluhan expression."Seryoso ka? Dakilang babaero ka kung magpalit ka nga ng babae parang nagpapalit ka lang ng dami eh." Sarkastikong saad nya He's right though.

But dang I just really wanna see that girl so badly."You're right. But please just this once malay mo sya na pala ang babaeng para sa akin?"

"Tss. Fine. Basta please lang wag mong lokohin ang isang yon okay?" Pagsuko ni Ian. Yes! Haha

"Thank you talaga brooo! Sige I won't. Aasarin ko lang haha." Biro ko

"Baliw ka talaga. Anu nga palang magandang gift don kay Sebastian?" Tanong ni Ian

Well now that he asked. Hindi naman maluho itong Seb eh.

Kahit ano basta useful lang pwede na. " Kahit ano basta magagamit okay na yun sagot ko."

Tumango-tango naman si Ian. "Alright thanks."

"Guys anung meron?" Bungad sa amin ni Kitty ng makita nya pa kami sa room.

Uwian na din kasi pero nagusap muna kami dito ni Ian para nga mapilit yung pinsan nya. "Ahh nagiisip kasi kami ng pedeng iregalo kay Seb bukas birthday nya na diba?" Sagot ko,

Nangunot naman ang noo nya. Oh? Hindi nya pa ba alam?

"Birthday nya na bukas? Wahhhh" gulat na tanong nya sabay takbo palabas

"Anong nangyari kay meowloves?" Takang tanong ni Ian pati ako di ko rin alam eh.

I just shrugged. "Nako baka kasi ngayon palang nya nalaman na birthday pala ni Seb bukas."

"Ah kaya nagfreak out si Meowloves haha cute so tara lets go na bibili pa ko ng pangregalo eh." Aya ni Ian I nodded.

"Sure. Basta huh? Yung pinagusapan natin." Paalala ko

"Oo na bye~ See you tomorrow." Paalam nya

"Byieee~"

End of POV

Kittyelle's POV

Nasa office na kami ngayon. As usual typical work days except lang yung mga efforts na ginagawa nya sa akin. Hindi pa rin nawala iyun. Actually araw-araw nya nga ako napapakilig eh, dami nya talagang alam sa buhay ngayon at nakakatuwa. Last time nga gumawa pa sya ng never-ending card na may nakalagay sa bawat open mo nun ay makikita ang mga salitang

"I love you hope you'll be my girl soon"

Pa at syempre kinilig na naman ang lola nyo tinatago ko nga lahat ng mga effort na ginawa nya eh hihi. Anyway. Hmm eto na naman ako kusang namumula ng dahil sa kanya. Nasa kalagitnaan na ako ng pagdadaydream ng...

Bigla kong maalala yung pinaguusapan nila Syl at Ian sa class room kanina. "Bukas na pala ang birthday mo. Di ko pa malalaman kung di ko narinig kay Sylvestre. Hindi man lang ako nakapaghanda ng kahit simple gift man lang." Nanlulumong saad ko.

He was too effort for me pero ako parang wala lang palaging nga nga. Hay feeling ko wala akong kwenta at hindi nya ako deserve. Sebastian grabbed both my cheeks. "Smile, there." He said soothedly.

"You don't need to. I just want to be with you on my special day. Just your presence is enough for me,Yelle." Dagdag nya pa.

I bit my lower lips and tried to smile. "Alright. Of course hindi ako mawawala."

But still I want to think something para sa special day nya. Sobrang bilis kasi ng panahon halos mago-one year and a half na pala kaming magkakilala kasabay ng mga panliligaw thing nya.

"But still let me prepare something for you, di kasi ako matatahimik kapag wala akong naibigay man lang sayo." Parang batang saad ko

Napabuntong hininga sya. "Okay. Suit yourself then." He smiled gently at me.

"Salamat." I thanked him.

Kailangan kong magisip hmm tanungin ko kaya sya.

"Ahm Seb anu bang gusto mong gift?" Tanong ko, Nilipat nya yung tingin nya sa akin na kanina ay nasa laptop nya.

"Anything na galing sayo okay na ako. Or kung possible ba maging akin ka na on my special day eh, why not?" He grinned.

Napailing-iling na lang ako, ano nga ba? "Baliw ka talaga. Hmm,"

"Sayo~" he giggled kaya nabato ko tuloy sya ng papel sa ulo. "Awwtss." He yelped at hindi ko na muna pinansin at nagisip na muna.

Kailangan kong pagisipan ng mabuti yung isang bagay na pumasok sa isipan ko. Ugh. Sana lang talaga tama yun.

End of POV

Ian's POV

Pagdating ko sa bahay dala ang regalo ko para kay Seb ay agad ko ng pinuntahan ang pinsan kong si France para piliting sumama bukas sa birthday celebration ni Sebastian.

"Hey Princess, sama ka na please?" Aya ko

"Tss bakit mo ba ako sinasama huh? Ayoko baka andun yung abnormal mong kaibigan." Tanggi nya

"Maraming foods dun. Masasarap." Nanunudyong saad ko,

"Hmmp. Kahit na." Iwas nya pa I sighed.

"Hindi naman si Syl ang pupuntahan natin si Seb yung may birthday wag ka magaalala ako bahala sayo." Pumilit ko.

"Hindi ko naman close yun eh, bakit ako aattend." Tanong nya.

"Uhmm kasi ipapakilala kita sa dating love na love ko." Saad ko para makuha ang atensyon na.

"Love na love mo? Seryoso?" Takang tanong nya

Tumango ako. "Yeah unfortunately basted ako."

"Ahh di na nakakapagtaka. Haha oh sige curious ako kung sino yan eh. Sasama na ako," pagpayag nya. Yown hahah Sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko pa sya.

"Thanks talaga insan sige after class sunduin kita huh! See yah~"

"Oo na. Tss." Yay salamat naman malaki utang ni Syl sakin hmp.

Haha anyway balik na nga ako sa bahay para mahanda na ang susuotin ko bukas.

End of POV

Chapter 39 is up hehe Xd anu kayang igigift ni Kitty for Sebby~

HIDDEN DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon