..
Chapter 32:White Rose
Sylvestre's POV
Since wala kaming gagawin ngayong weekend napagisip-isip naming mag stay sa hotel ni Kitty dahil may beach doon at ilang mga activities na pwedeng itry para hindi ka mabored or something. Para din naman mabisita si Kitty haha masyadong busy na kasi sya kawawa naman. Saturday to sunday kami magstay doon para sulit.
"Okay na yung mga gamit ko Syl. Text mo na lang ako bukas kung saan at anung oras tayo magkikita." Saad ni Ian.
Tumango ako. "Sure. Icoconfirm ko lang din si Sebastian kung sasabay ba sya sa atin oh hindi." Isa pa kong bilib dito kay Ian.
Alam kong till now ay mahal nya pa rin si Kitty. At alam kong nasaktan yan nung nabasted sya dagdag mo pa yung ginawa ni Sebastian nung sa performance namin sa personality development. Hindi ko alam kung paano nya nakakayanan yun at naitatago yun. I could say na he's really a strong guy.
"Ui! Earth to Sylvestre!" Kaway sa akin ni Ian masyado bang napatagal ang pagiisip ko
"Oh sorry. Anu nga bang sinasabi mo?" Wala sa sariling tanong ko.
"Sabi ko lalabas lang ako sama kaba?" Sagot nya I nodded.
"Haha okay sige bili lang din ako energy drink." Sang ayon ko at sabay na kaming lumabas nakasalubong pa nga namin si Seb eh.
Tumango lang sya at kumaway. "Hey punta lang kaming canteen sunod ka na lang kung gusto mo!" Sabi ko
"Okay." Tugon nya.
May gagawin na naman to for sure. Haha sya nang inlovebabo~ iba ata talaga kapag tinamaan ng arrow ni kupido haha. Goodluck then.
End of POV
Kittyelle's POV
Pagkarating kong room wala pa masyadong mga tao as usual mga early birds kami. Pero nagtaka ako himala wala pa yung tatlo, Sila Seb, Syl at Ian. Napailing-iling akong dumiretso sa upuan ko. Seeing a white rose na may nakarolyong papel sa tangkay nito may nakasulat pa nga na
'Pull me'
kaya hinila ko nga hanggang sa makita ko kung ano ang nakasulat sa nakarolyong papel na to.
'Good morning my love, White rose symbolizes purity just like my feelings for you its pure and real.-Sebby'
Agad naman akong napangiti. Sebastian again. Wahhhh hindi ko kinakaya mga efforts nya it was sweet and unique. Inikot ko yung paningin ko para hanapin sya at yun nakita ko syang nakasandal sa pinto ng room namin at nakangiting nakatitig sa akin
Jusme? Kanina pa ba sya jan? Don't tell me nakita nya yung ngiting wagas ko kanina? Anak ng pagong nakakahiya na sobra simula ng umamin sya naging ganito ako. Palaging nagiging mukhang shongabels sa harap nya. I composed myself and fake a cough ng lumapit na sya at umupo sa harap ko at tinitigan ako.
"G-good morning." Nauutal na bati ko sa kanya.
Ui yelle kalma!
"Why are you stuttering?" Natutuwang tanong nya. At natuwa pa talaga sya.
"Kaaga-aga kasi ang landi mo." Asar ko sa kanya.
"Kaaga-aga din kasi pinaganda mo agad ang araw ko." Nakangising saad nya sa akin.
Hearing that made me blush again and again. "H-huh? Pano ko naman nagawa yun?" Takang tanong ko.
"Your beautiful smile awhile ago that just made my day." Sagot nya.
Napaisip ako yung pag ngiti ko kanina? Hala nakita nya nga bigla ako napafacepalmed sa sobrang kahihiyan. "Gosh!"
"Anong nangyayari sayo?" Takang tanong nya.
"Nakakainis." Nakangusong sagot ko Ngumunot lalo ang noo nya.
"Bakit? May nasabi ba akong hindi mo nagustuhan?" Tanong nyang muli,
"You just saw me smiling like an idiot a while ago. Kahihiyan pa more!" Parang tangang inuntog-untog ko pa ang ulo ko sa table ko.
"Hey, stop it. You're hurting yourself. And what? You're not smiling like that. Look at this." Pigil nya at sabay pinakita ang cp nya na may what??? Picture kong nakangiti kanina? T.T
"See its beautiful." Prove nya pa.
Buti na lang maganda nga. Kaya kumalma na ako. "At talagang kinuhaan mo pa ako ah? Bakit ang ganda ko ata jan? Nakacamera 360 kaba?" Natatawang tanong ko.
"Camera 360?" Naguguluhang tanong nya.
Hindi nya alam yun? Wow haha sabagay di naman na nila kailangan nun gwapo na sila eh
Tumango ako. "Apps yun sa mga cellphone para mapagand yung mukha mo sa picture." Sagot ko
"Oh I see. I don't have that application in my phone. And you don't need that anyway. You're naturally beautiful though." Sebastian said and winks at me.
And I was like is this the end of the world? Sobra talaga sya magpakilig busit.
Tapos....Bakit ang hot nyang tignan nung nagwink pa sya? Oh my god. He's making me insane.
End of POV
Sebastian's POV
Yesterday napagusapan nila Syl na magbakasyon sa hotel ni Yelle. Natanong pa nila ako kung sasabay ako sa kanila. Sinabi kong hindi dahil gusto kong mauna at bisitahin si Yelle sa bahay nya. At nakita ko pa syang pinapakain ang mga alaga nyang hayop sa bahay. Ng biglang tumakbo palapit sa akin yung itim na pusa nya.
"Fluffy! And oh? You're here?" Gulat na saad nya.
I smiled. "Yeah. Dumaan ako dito. Para sabihing magstay kami nila Syl sa hotel mo etong weekend na to." I said.
Napatango-tango sya. "Really? Thats nice. Sige kapag natapos akong bisitahin yung Zoo at yung mga gagawin ko sa office ko dito. Pupuntahan ko kayo dun." Nakangiting saad nya.
"And oh kinukulit ka parin pala nya. Fluffy wag makulit, halika dito." Tawag ni Yelle sa pusa nya
"Its okay." I said at binuhat yung pusang dati ring lumalapit lapit sa akin nung last tym na pumunta kami rito para sunduin sya.
Nakangunot noong tumingin sya sa akin. "Why?"
"Honestly, I like cats." Namumulang saad ko. Its really awkward saying it though
"What? Really? Hindi halata ang alam ko kasi animal hater ka?" Gulat na tanong nya.
I let out a sigh. "Its true that I hate some of the animals except cats." Explain ko
"Kung ganoon bakit hindi mo pinansin si Fluffy noon?"
Naguguluhan nyang tanong. "Because I don't want you guys to know baka kasi tawanan nyo lang ako kapag nalaman nyo ang sekreto kong yun. God knows how much I want to cuddle that cute cat that time." I said.
Ang hirap magpigil noon buti na lang nakaya ko. She suddenly chuckled. "Mahirap magpigil lalo na kung ganito kacute ang mga pusa. Buti na kaya mo?"
"Yeah. Good thing I did." I laugh.
"Kaya pala kakaiba ang pagkapoker face mo noon. Nagpipigil ka pala haha," di na nya napigilan kaya natawa na sya.
This girl. Imblis na mainis ako ay natuwa pa ako ng makitang tumawa sya. Why does it? Why everything she does is beautiful? And Everything she does is right and really captivating? Seriously I feel like I'm losing my mind everytime I'm with her.
Is this really some of the effects of the word 'LOVE' its just one word and four letters but the impact is really huge and mind blowing.
"Darn. You're killing me." I suddenly murmured.
Done with chapter 32. Wehehhe~ Ang resourceful talaga ni Sebastian. Hahaha lol~
BINABASA MO ANG
HIDDEN DESIRE
RomanceTitle:Hidden Desire (unedited yet) (COMPLETED) Si Sebastian Del Valtazar ang isa sa mga important guest ko dito na anak ng isa sa mga big partnership ng pamilya ko. Kaya sa ayaw ko man o sa gusto I have to entertain him at hangga't maari ay makapagt...