...
Chapter 21: Be ready
Kittyelle's POV
Andito ako ngayon sa company kailangan ko kasi iinform si Mr.Sungit na hindi ako makakapunta ng office dahila kailangan kong matapos ang mga projects ko. Although hindi ko naman talaga kailangang magpaalam masyado kasi itong ka-co partnership ko lang kala mo sya ang boss. Tsk
"At bakit ka mawawala?" Tipid na Tanong nya. Ngunit ramdam mong may diin ang bawat salita nito. Aba? Wag nya kong simulan hmp!
"Well I think one week rin akong mawawala. I have to settle down some school stuffs. Baka kasi bumagsak ako kapag hindi ko nakumpleto ang requirements." Pilit na paliwanag ko.
"Then, Hindi ko na sa kasalanan yun." Madiing salita nya I crossed my arms.
"Bakit ba hindi mo ako maintindihan mr.Del valtazar? Para namang hindi ka dumanas sa ganitong sitwasyon? Di naman ganun kadali na hatiin ang katawan ko para lang icheck ang bawat company ko tapos ganito ka pa ni wala man lang consideration! Anu bang dapat kong gawin para makumbinsi ka?" Inis na sambit ko.
Kung tutuusin hindi naman dapat ako nagkakaproblema sa sched ko eh tsk. Masyado kasing workaholic ang lalaking ito dinamay pa ako!
"Then be flexible." Walang interest na sagot nya.
Ano ba ugh hindi nya talaga ako maintindihan.!! "That's what I'm doing! Pero ikaw naman tong gusto atang Ifull time ko sched ko for you! Ni hindi ko na nga napupuntahan yung ibang business dahil sa pagkademanding mo." Angil ko.
Daig pa boss, magulang o boyfriend ang isang to. Litsi ah? Tinignan nya ko ngunit wala paring emosyon sa mukha nya.
"Thats the essence of business Ms. Cruza. If you can't manage your time yet then it means you're not ready and capable of handling any of this business." Seryoso nyang saad bago umalis ng aking opisina.
Now I was left there dumbfounded. Aba't kasalanan ko bang nagaaral ako habang hinahawakan ang business ko? Bakit ba ang bossy talaga neto? Sobrang higpit sa schedule ko. Hindi naman parati dapat nandito ako sa iisang companya ni hindi ko na nga masyado nabibigyan ng tym yung ibang company dahil sa kanya eh masyado syang demanding.
Ugh! Sobra na sya! Wala syang karapatan sabihan ako na hindi pa handang humandle ng kahit anong business. Sino ba sya huh? Kung makapagsalita sya kala mo alam na nya ang lahat lahat sa akin. Nakakainis sya. Hindi ko matanggap yung mga sinabi nya. Di dapat ako maging affected eh. Pero bakit ganito yung luha ko. Kusa na lang biglang tumulo. I'm so damn hurt. Sabi ko hindi ako iiyak ng dahil sa kanya. Pero heto ako ngayon sinusubukang magpigil.
I stood up and wipe my tears. He doesn't deserve my tears. Ipapakita ko sa kanya na hindi ko kailangan ng opinion nya na hindi ako apektado sa mga sinabi nya. Magkaiba kami ng way on how to manage our businesses kaya wala syang karapatang itulad ako sa kanya. Tama! Be brave Kittyelle.
Lumaki kang matapang at hindi nagpapatalo kahit kanino. Kaya stay strong! Palakas ko sa aking sarili. Hindi ako magpapatalo sa lalaking yun! Humanda sya!
End of POV
Sebastian's POV
I'm here in my room. Just reading when my dad entered my room without my permission. I let out an irritate sigh at hinarap sya.
"Sebastian." Maotoridad na saad nya.
I lazily stood up. "What?" Grumpy na sagot ko. Napabuntong hininga sya at napahawak sa sentido nya.
"Kayo talagang magkapatid di ko malaman ang gagawin sa inyo." Sambit nya.
Kaya nangunot ang noo ko para kasi syang baliw na nagsasalita magisa. "What are you saying dad?"
BINABASA MO ANG
HIDDEN DESIRE
RomanceTitle:Hidden Desire (unedited yet) (COMPLETED) Si Sebastian Del Valtazar ang isa sa mga important guest ko dito na anak ng isa sa mga big partnership ng pamilya ko. Kaya sa ayaw ko man o sa gusto I have to entertain him at hangga't maari ay makapagt...