CHAPTER 12: Documentary Part 3

12 3 0
                                    

...

...

Chapter 12: Documentary Part 3

Sylvestre's POV

Mabilis nakatulog sila Kitty at Seb ngunit ako ay hindi pa rin tinatamaan ng antok. Hindi kasi ako mapakali. Natutulog si Kitty sa sofa at yun ang hindi ko maatim. Mahirap kayang matulog sa sofa ang sakit sa likod at hindi comfortable.

Kaya mahirap para sa akin ang makita syang natutulog doon. Idagdag mo pang sya lang ang babae sa aming apat at may injured pa sya sa paa. Ang likot ko sa kama. Paikot-ikot na nga ako eh buti tulog mantika tong si Sebastian dahil kung hindi baka kanina pa ko nito tinadyakan paalis ng kama.

Pinagiisipan ko kung lilipat ako sa sofa at sya ang ipapalit ko dito sa kama.

Hmm...?

Nagisip akong mabuti. Alam kong magagalit silang dalawa sa gagawin ko pero kailangan kong gawin ito for Kitty. Siguro ilang minuto rin bago ako kapag decided sa plano kong gawin. I stood up and walks towards her.

I slowly carried her away from the sofa and gently placed her down the bed beside Sebastian. Inayos ko yung kumot ni Kitty na mahimbing paring natutulog.

Now mas naging kampante ang pakiramdam na nasa comfortable na higaan nasya. I smiled in content at ako na ang pumalit na humiga sa sofa. I believe na wala namang mangyayari eh. Except sa baka magfreak out silang dalawa bukas.

Haha and I can't wait to see that tomorrow.

End of POV

Kitty's POV

Parang naalipungatan ata ako ng biglang naramdaman ako na may humigit sa akin. Nagtataka pa ako dahil wala naman akong katabi sa sofa diba? Saka di kami kasya. Wag mong sabihin yung multo yun?

Wahhhh wag ganun huhu. Lalong humigpit yung pagkakahawak sa akin kaya sa kuryosidad ko ay naisip kong imulat ang mga mata ko. Pagmulat ko ng mga mata ko nakita ko ang napakalapit na mukha ni impakto.

Yung tipong konting galaw ko na lang ay mahahalikan ko na sya. Dagdag mo pang nakayakap sya sa akin. Kaya hindi ko napigilang maitulak sya palayo at mapasigaw ng malakas.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHH"

End of POV

Ian's POV

"AHHHHHHHHHHHHHHHH!!!"

Nagising na lang ako sa malakas na sigaw ng babae. Kaya agad akong napabalikwas sa aking pagtulog. I rubbed my eyes bakit parang pamilyar yung boses ng babae. I scan the whole room at nanlaki ang mata ko ng madapo sa higaan nila Sebastian.

Andun si Meowloves ko panay hampas ng unan kay Sebastian.

"Walangya ka! Manyak!! Bakit kita katabi! Anong ginawa mo!!!!" Inis na bulyaw ni meowloves

"Ano ba! Tama na! Wala akong ginawa sayo! Malay ko bang ginapang mo ako dito!" Tanggi ni Sebastian ano ba talagang nangyayari?

At bakit nandito si Meowloves at katabi pa si Sebastian "Anong ginapang ka jan? Ako pa sinisi mo ikaw tong manyak!" Angil ni meowloves ko.

"Alangan namang gapangin kita. Ni wala nga akong hilig sa babae! At sino namang gagapang sayo ni hindi ka nga kaakit-akit." Sarkastikong sagot ni Sebastian na ikinainis ko.

Sisingit na sana ako sa kanilang dalawa ng maunahan na naman ako ni Sylvestre "Ui kayong dalawa ako ang may kasalanan! Tama na yan, ako ang naglipat kay Kitty para makatulog sya ng maayos." Singit nya.

Sya ang naglipat kay meowloves? Naguguluhan pa rin ako,

"ANO?!!!" Sabay nilang bulyaw. "Bakit mo ginawa yun Sylvestre yan tuloy ginawa akong unan ng lalaking yan!" Reklamo ni Meowloves

HIDDEN DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon