Chapter 7:Hide Hide Hide
Sebastian's POV
Nakakainis! Akala ko kapag nagpalit na kami ng papasukan na university ay matatahimik kahit papano ang mundo ko! Yun pala mas maingay pala rito. Nagsisisi tuloy ako. Di sana kami lilipat kung di pasaway ang mga estudyante sa dating university na pinapasukan namin. Sobra na sila para na silang mga stalker nakakapangilabot dahil lahat ay alam na nila sayo.
Kulang na nga lang pasukin ka na nila sa sarili kong kwarto at gahasain ka eh. Yung locker namin laging napupuno ng mga kung anu-anong walang kwentang bagay ng dahil sa kanila. I ruffled my hair in annoyance. Bakit ba ganito? Sarap maghagis ng bomba ng maubos ang mga maiingay na babae na tulad nila.
Nakakabingi at ang sakit sakit talaga sa tenga. Bakit ba ganito na ang mga babae ngayon? Ako pa mismo ang nakakaramdam ng hiya para sa kanila. Geez.
"Nakabusangot ka na naman jan bro. Relax at least bago sila hindi tulad ng mga obsessed na classmates at schoolmate natin noon." Pansin ni Sylvestre.
"But they're still annoying! Kelan ba matatahimik ang buhay ko." Asar na saad ko.
"Siguro kapag deadbol na tayo bro. " biro nya. Alam kong ginagawa nya yan para lang kumalma ako. I tried to calm myself. Kaya huminga ako ng malalim.
Pero kahit ginawa ko yun ay naiinis pa rin ako. "Siguro mas mabuting magpakamatay na lang ako."
"Hoy bro! Umayos ka nga. Sayang ang genes natin kung di magagamit." Tapik nya sakin at sinamaan ko sya ng tingin. Pinagsasabi ng taong to.
"Ikaw ang umayos kung ayaw mong mauna sakin." Napailing iling na lang ako.
"Haha joke lang. Tss to naman di mabiro wag ganun. Maraming iiyak kapag ginawa mo yan." Natatawang sabi nya.
"Ewan ko sayo." I shrugged.
Buti na lang hindi ko na makikita yung babaeng yun. Ni pangalan nya nga di ko maalala eh mas mabuti ng kalimutan na nakakilala ako ng tulad nya.
End of POV
Ian's POV
Kanina ko pa napapansin na parang may tinataguan si Meowloves ko. Bakit kaya? At sino kaya? Palagi syang nakadikit sa akin ngayon. Di naman sya ganito dati eh halos ipagtulakan na nya ako palayo eh pero ngayon? Ano ba nangyayari? Di naman ako nagrereklamo or what kinikilig nga ko eh pero nagtataka din syempre. Simula nung dumating yung dalawang bagong student nagkaganyan na sya.
Naguguluhan ako pero siguro enjoy ko na lang muna na nakadikit sya sa akin ngayon lang to nangyari eh hihihi~ "Meowloves san tayo kakain?" Tanong ko with matching beautiful eyes pa
"Kahit saan, yung walang demonyo sa paligid." Sagot nya sa akin.
Napakamot tuloy ako sa ulo ko sa sinabi nya. Ang weird nya anung 'yung walang demonyo sa paligid'?
"Di kita magets Meowloves ang weird mo ngayon, why is that?" Naguguluhang sambit ko
Tumingin sya sa akin at pinandilatan ako. "Mas mabuti ng di mo maintindihan tara. Kain na tayo bago pa magbago ang isip ko." Aya nya
Agad ko syang sinunod mahirap na baka bawiin nya pa. Ngayon nga lang sya sumama sa aking maglunch eh kaya sulitin na. Hihi Matagal ko na syang nililigawan simula palang kasi nang una ko syang makita sa labas ng school ay nagustuhan ko na sya. She's so friggin' adorable.
Nakita ko kasi syang may pinayungan na box nagtaka pa ko kung bakit nya ginawa yun. Tagulan kasi that time pero di ko maintindihan kung anung meron dun. Kinakausap pa nga nya eh kala ko nun may sayad sya pero nung nakita ko yung smile nya grabe napunit ata brief ko.
Lakas ng impak nya eh. Nung iniwan na nya yung box na may pinayungan nya agad ko yung nilapitan at tinignan. At doon ko nakita yung mga kuting na umiiyak ang liliit pa nila at mukhang nabasa ng ulan. Bigla akong napangiti. Kaya pala pinayungan nya ito ay dahil may kuting dito.
I could tell na she has a good heart. Kaya lalo ata akong tinamaan sa kanya Sa paglalakad ko pa nun para pumasok ay hiniling kong sana makita ulit sya. At agad namang tinupad yun nga ating magiting at mabuting panginoon.
Nakita ko mga sya at ang masaya kaklase ko pa. Dun nagsimulang kulitin ko sya nun. At kaya ko sya tinawag na MeowLoves dahil kung di dahil sa mga pusa na yun ay hindi ko sya makikilala. She's really hard to get and one of a kind at mas gusto ko yun dahil ibig sabihin mahihirapan na magkaroon ako ng kaagaw sa kanya.
Masyado syang aloof sa mga tao ni hindi ko nakitang may kasama syang kaibigan nun kaya I decided na samahan sya at tabihan kahit na palagi nya lang akong tinataboy. Kaya siguro nainlove ako ng bongga sa kanya. Gusto ko ang babang tulad nya nakakachallenge.
Pero don't get me wrong okay? Nachachallenge ako pero di ibig sabihin na pinaglalauran ko sya o kung ano pa man totoo ang nararamdaman ko for her. Di naman siguro magtitiis ng matagal kung di ako seryoso diba? Napatagal ata ang pagrereminisce ko nung tungkol kay MeowLoves ko ng marinig kong tawagin nya ako. Grabe kapag tinatawag nya talaga ako sa pangalan ko para akong nasa alapaap parang anghel ang boses nya sa pandinig ko.
"Hoy! Ian! Tulala ka na naman." Nuling tawag nya sabay hampas sa akin, kahit may pagkasadista yan mahal ko yan.
"Sorry na iniimagine ko kasi yung future natin Meowloves eh." Nakapeace sign pa ko nang sinabi yan. Kaya ayun nakareceive na naman ako ng malakas na hampas mula sa kanya.
"Nakakadiri ka talaga mamaya kung anu-ano mga pinagiisip mo jan eh. Kulang na lang ipasalvage kita sa sobrang takot ko na sayo." Kinikilig na sambit nya aigooo.
Kunwari pa sya eh kinikilig naman. "Hoho anu ba naiisip mo na naiisip ko Meowloves?" Biro ko sa kanya.
"Wala! Geez. Ewan ko sayo. Wag mo nga muna akong kausapin.Hmp." Irap nya sa akin. Wahhhhh nagalit na naman sya. Kaiyak.
End of POV
Kittyelle's POV
Buti na lang sucessful ang pagtatago ko. Kahit naririnig na nyang tinatawag ang pangalan namin sa attendance mukhang wah epek lang kasi parang hindi pa rin nya nalalaman na magkaklase kami . Pero syempre pabor sa akin yun at mas okay na yun. Kahit ayoko man magdididikit dito kay Ian ay tiniis ko na.
Wag lang talaga nya bigyan ng ibang meaning ang ginagawa ko. I just want to hide from that impakto. Baka masira na naman ang mood ko. Sana lang makatagal ako na hanggang matapos ang sem na to. Kahit na kanina pa ko naiinis kausap tong si Ian ay pinagtatyagaan ko na lang.
Wala akong choice I need his help para maitago ako, sa tangkad at medyo malaman nyang katawan nakakatago ako kahit papano. So yeah tiis tiis lang. Pabalik na sana kami ng room non kaso bigla ako nakaramdam na maiihi ako kaya nagpasama ako hanggang labas lang.
"Ui! Ian bilisan mo nga. Wala akong pangharang dito!" Tawag ko sa kanya, pacool pa kasi maglakad eh kainis hays.
"Yahhh wait lang sakit kasi tagiliran ko eh kakain lang natin para ka kasing nagmamadali eh. Wala naman humabol sayo." Reklamo nya.
Geez. "So nagsisisi ka na? Kung ganun sige na pede mo na akong iwan." Saad ko.
"Ui! Hindi sino nagsabi sasapakin ko!" Tanggi nya
"Obviously ako ang nagsabi so sasapakin mo ako?" Sinamaan ko sya ng tingin.
"Syempre hindi nuh! Mahal kita e di ko magagawang saktan ka." Bungisngis na sagot nya.
Ayan na naman sya. "Bilisan mo na nga masakit na pantog ko." Inis na sambit ko sa kanya.
Dahil nakatingin ako sa bandang likod ko di ko napansin na may makakasalubong pala ako. Narealize ko na lang ng nagkabanggaan kaming dalawa.
Nauntog pa nga ang ulo ko sa matigas nyang dibdib. Masakit ah. Unti-unti kong inangat ako ulo ko. At biglang nanlaki ang mata ko ng makita kung sino sya! Huta! Sya yung palaging kasama ni impakto! Ibig sabihin pede silang magkasama ngayon.
Oh jusko wag muna ngayon please! Kaya sa sobrang kaba ko bigla akong tumalikod at tumakbo ng mabilis. "Meowloves!!!" Sigaw ni Ian
Rinig ko pa ang sigaw nya pero di na ko lumingon mahirap na. Baka may makita akong demonyo! Huhu.
BINABASA MO ANG
HIDDEN DESIRE
RomanceTitle:Hidden Desire (unedited yet) (COMPLETED) Si Sebastian Del Valtazar ang isa sa mga important guest ko dito na anak ng isa sa mga big partnership ng pamilya ko. Kaya sa ayaw ko man o sa gusto I have to entertain him at hangga't maari ay makapagt...