Chapter 2: Zoo's Introduction

43 7 3
                                    

Chapter 2: Zoo's Introduction

Kittyelle's POV

"I-ikaw?!!"

Bulalas ko. Na otomatikong napatayo sa kinauupuan ko. Sabi kasi ni Mr. Del Valtazar or so called Mr. CEO padating na dsw ang pasaway nyang anak

"Where's your manners Sebastian. Late ka na nga dumating ganyan pa ang bungad mo!" Pangaral ni Mr . CEO sa anak nya.

"Yes its me. And oh sorry dad. Hindi ko sadya." Tipid na sagot nya at umupo na with poker face sa tabi ng ama nya halatang hindi sincere ang pagsosorry ang sarap nyang hambalusin. But never expect it was him.

Napasapo na lang ng ulo si CEO at humingi ng paumanhin sa akin na agad ko naman tinanggap. Pinakilala nya sa akin ang buong pangalan nito at pati ako bilang paggalang na rin

"Base on your reaction kanina hijah ay mukhang nagkakilala na kayo ng anak kong si Sebastian. Tama ba ako?" Tanong ni CEO

"Well unfortunately you're right dad. Sya lang naman ang boss na nakitang kong nageeavesdrop sa mga guest nya, what a disrespectful one." Sagot nung demonyong Sebastian na yan.

Kaya agad akong sumabat baka kasi iba ang maisip ng ama nya.

"Look who's talking. Sa pinakita mo kanina may pagkakaiba ka ba? At paulit-ulit na lang tayo alam mo ba yun? Sinabi ko ng hindi ako nakikinig sayo! Aksidente lang ang nangyari." Kung anong bait ng ama nya syang sama naman ng ugali nya. Tss.

"At ako pa ba ang sinungaling ngayon? Ayun ba ang gusto mong iparating?" Taas kilay na saad nya

"Wala akong sinasabing sinungaling ka ang akin lang nagsasabi na ako ng katotohanan ayaw mo naman paniwalaan!" Sagot ko.

Kalma lang Kittyelle....kalma lang. Halata sa mukha ng impaktong to ang disgusto sa mga sinabi ko at talagang ayaw nya ako paniwalaan dahil mas gusto nyang pinupush na tama sya kahit hindi naman.

Magsasalita na sana sya ng sumingit na sa amin ang ama nya

"Alright you two. Sa nakikita ko, pangit ang unang pagtatagpo ninyo. Pero sana lang sa trabahong ito wag nyong personalin ang mga bagay bagay, naiintidihan nyo ba?" Pangangaral ni Ceo

"As if I have a choice." Tamad na sagot nya sa kanyang ama balasubas talaga.

I sighed at ngumiti ng tipid kay Ceo. "I'm sorry for my rude action. Pangako po sa inyo na kahit na kasing gaspang ng lupa ang ugali nyang lalaki na yan. Ay titiisin ko because this is a request from you, Mr.Del Valtazar." Punong tiwalang pangako ko.

"Salamat hijah. At ikaw Sebastian ayusin mo ang sarili mo tandaan mo hindi basta basta itong report na pinagagawa ko sayo alam kong alam mo ang gusto kong iparating." Huling saad ni Ceo sa anak nya

"Whatever dad." Irap nya sa ama saka tumayo at umalis.

At dun na natapos ang usapan. Since maaga natapos ang meeting ay minabuting kong bigyan ng introduction about sa Zoo ko. Nang makakababa kami sa Zoo mini jeep ay napansin kong panay ang spray nya ng disinfectant. Mabango naman at walang mga kung ano dito sa Zoo ko araw araw ko tong pinapalinis ang arte arte talaga nito painum ko sa kanya yan eh. Pero dahil kailangan kong maging sport hindi ko nalang sya pinansin.

"Alright. Welcome to MeowWow Zoo Island Mr.Sebastian." Panimula ko, take note poker face din ako nyan.

Napangunot naman sya ng noo ng sabihin ko yun.

"Seriously? MeowWow Zoo?" May panunudyong komento nya Sinamaan ko sya ng tingin.

"Bakit may problema ka ba dun?" Sama nito kala mo naman kung sinong magaling di pa nga sya nakakahawak ng business eh kala mo na kung sino.

"Yes dahil ang pangit ng pangalan ng Zoo mo." Irap nya.

Napa-tched naman ako. "Parang ugali mo." Asar ko sa kanya sabay irap. "Ano?!!!" Pagalit na tono na sambit nya.

"Sabi ko parang ugali mo? Bakit may angal ka?" Paguulit ko kahit na alam kong narinig nya ako.

Nakita kong sinusubukan nyang pakalmahin ang sarili nya. "Pwede ba simulan mo na. Puro ka lang kalokohan." Pagiiba nya ng topic.

Napailing na lang ako at nagsimula na iintroduce ang Zoo ko. "Geez, Sa harap nito makikita mo ang entrance, souvenir shops at mga photobooth. Pagkatapos ang una mong makikita na mga hayop ay ang mga birds nest may sariling malaking hawla ito. Iba't ibang uri ng mga ibon. Sa gilid naman ang anaconda na pwede kang magpapicture. And so on and so forth." Patuloy ko

Tahimik lang syang nakikinig. Kainis wala man lang ba syang itatanong? "Ano? Wala ka ng imik jan?" Pansin ko

Napasimangot sya."Nakakairita ka." Sagot nya naman

"Eh ano ka pa?" Taas kilay kong tugon sa kanya.

"Will you just stop nagging at me and just tell me the informations I needed ng matapos na to." Nanggigil na saad nya habang pinandidilatan ako ng mata.

Pikon pala to eh. "Pano para lang akong nakikipagusap sa hangin!" Inis na sagot ko.

"Because I'm listening idiot! Alangan namang Nagdadaldal ka magdadaldal din ako!" Masungit na respond nya kainis kaya sumuko na lang ako at patuloy na lang sa pagsasalita about sa Zoo.

I sighed to calm myself tapos dinala ko sya sa harap ni Gori ang nagiisang babaeng gorilla sa Zoo ko.

"This is Gori sa lahat ng hayop dito sya lang ang nagiisa. Pero kahit ganun mabait sya sa mga bumibisita dito" Saad ko.

"One of the ugliest animal I've ever seen." Sagot nya ng may halong pandidiri sa mukha. Ang arte talaga kagigil makapanglait sa alaga ko.

"Hoooo hoooo haaaaaa haaaaaa!!!"

"Gori. Shhh calm down." saad ko.

Kasi Nagulat na lang ako ng biglang nagwala si Gori. Nakakapit na sya sa may kulungan nya at pinilit inaabot ang impakto. Nagalit ata sa sinabi nito. Kaya agad na napaatras ang gago.

"The fvck is wrong with that ugly bitch!" Gulat ngunit Galit na sambit nya

"Nagtaka ka pa! Laitero ka kasi! Pati hayop di mo pinalagpas wala kang patawad ano?" Irap ko sa kanya sabay lipat na sa ibang kulungan.

"Ang sabihin mo mana lang sayo yang mga hayop na yan." Irap din nya sa akin pabalik at sumunod na sa akin.

Tinour ko sya sa buong Zoo para naman alam nya ang kung ano ang mga meron dito hanggang sa madaanan namin ang underground sea world papunta sa lugar kung saan nagllive show ang mga dolphins at ibang hayop dito.

"Mas nakadagdag sa attraction namin ang Zoo na ito. Meron na rin kaming underground sea world, Dolphin show, Sea lion shows at whale shows." Magsasalita pa sana ako ng bigla syang sumingit

"So you're using this animals for entertainment?" Di makapaniwalang tanong nya Agad akong napatingin sa kanya dahil dun. He took the wrong idea.

"Hindi ko sila ginagamit para doon!" Madiing tugon ko

"What? Are you sure? So what do you call that Dolphin show, Sea Lion show at whale shows na yan? Isn't it for entertaining people?" Panguusisisa nya pa.

Napabuntong hininga ako bago sya sagutin. "I told you its not! By doing it! Napapakita ko sa lahat ng tao na kahit mga hayop lang sila ay para din silang mga tao na may buhay, may nararamdaman at karapatan dahil sa mata ng diyos ay pantay-pantay lang tayo. That's what I'm trying to point here! " Inis na paliwanag ko.

"So kaya pala pinagkakakitaan mo sila." Dagdag nya pa.

Pumikit ako huminga ng malalim para pakalmahin muli ang sarili. "Hindi ko sila pinagkakakitaan! Ni hindi ko nga pinagbabayad ang mga bumibisita sa Zoo na to eh! Wag kang magsalita na akala mo alam mo na ang lahat. I think hanggang dito na lang ang introduction na ito. Baka kasi kung saan pa mapunta ang usapan na to. Bye!" Pagkasabi ko nyan ay iniwan ko na sya.

Ni hindi ko na hinintay na magrespond sya. Hindi ko na kasi matiis at baka masapak ko na sya. Bahala sya bumalik sa hotel magisa nya. Ano sya chicks? Hahatid ko pa. Ang mga katulad nya na ang gaspang ng ugali ay dapat na hinahayaan ng magtanda ahmp!

Pasalamat sya at napigilan ko ang sarili kong itulak sya sa crocodile pond ko kanina aish talaga! Nakakainis matitiis ko pa ba ang ilang araw na makasama sya? Hays lord kayo na po ang bahala.

HIDDEN DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon