CHAPTER 37: Zip Line

7 3 0
                                    

Chapter 37: Zip line

Kittyelle's POV

Kanina pa ko picture ng picture kay Sebastian. Nakakatuwa kasi eh close na sya sa lahat ng alaga ko sa bahay. Kahit aso na ayaw nya close na nya din. Kinakausap pa nga nya eh. Nahawa na sa akin. Hihi~ ang cute kaya haha

"Hey sino sa inyo si Dogdog at catcat? Ikaw ba? Ay hindi eto ikaw ba? Ay hindi ikaw sino sa inyo?" Parang batang kausap nya haha

Videohan ko nga shhh lang kayo ah? Hhaahah click!

"Ay kayo pala~ Nga pala ako na ang daddy nyo from now on okay? Kapag wala ako bantayan nyo ang mommy yelle nyo." Patuloy na kausap nya. Bigla naman akong natouch sa sinabi nya.

"Meowww/ArfArf!" Tila sagot tugon ng mga alaga ko. Tinap naman ni Sebastian ang bawat ulo nila.

"Good babies." Nakangiting saad nya.

Nakuhaan ko yun hehe. Nakakaiyak. Sweet na talaga sya kanina pinagluto ako ngayon pinapabantay ako sa mga alaga ko. Awww Sebby ikaw na talaga. Pede na sya, yeah maging asawa ko~ >__< jookkkeeeee pero totoo pwede na sya. Halos lahat ata nasa kanya na eh.

He could cook, sing, and dance talented eh. Maeffort, loyal matalino at okay gwapo sya. Kaloka.

"Hey what are you doing?" Pansin nya sa akin wahh napatagal ba ang pagkatulala ko? I blink and stop recording the video. Kusa naman nagsasave yun sa cp ko hehe. So yeah I shook my head.

"Nothing. :p"

"Okay. So let's go?" Tanong nya.

I nodded. "Uhm okay." At sumunod na sa kanya.

End of POV

Ian's POV

Kanina pa ko binubungangaan ng pinsan ko. Dahil ayaw raw syang tigilan ni Syl loko talaga yun. Lakas mang-asar. Tsk at si France pa talaga napili.

"Ugh! Daig nya iniri ng sampung beses! Sobrang kulit.Geez!" Gigil na saad nya.

I laugh gigil na gigil lang ang prinsesa namin oh. "Oi! Kalma France. Baka naman type ka nun." Biro ko pero ewan ko lang hahah babaero kasi nun ni Syl eh.

"Pano ako kakalma? Pagsabihan mo yang tropa mo kung ayaw mong dalawa kayo ang tatamaan sa akin!" Banta nya pa

"Luh? Bakit naman nasama ako France?" Gulat na tanong ko

"Eh tropa mo yan eh! Akala ko ba isa ka sa poprotekta sa akin? Bat ngayon hmmmm? Bakla ka nuh?" At tinignan nya pa akong mapanuri ah Bakit naman kaya naisipan na bakla ako nito?

"Anung bakla ka jan?" Takang tanong ko

"Type mo siguro yang Sylvestre na yan kaya di mo maaway!" Sagot nya. Loka-loka type talaga? Jusme

"Ui hindi ako bakla nuh! Lalaki ako! Straight at gwapo." Nakabusangot na saad ko

"Tss. Kung hindi eh bakit di magawang pagsabihan yan?" She pry

I shook my head in disbelief. "Matigas ang ulo nun. Kahit anong pangaral di yun makikinig." Saad ko.

"Tss kung ayaw nyang sa santong usapan edi gagawin kong sa santong paspasan. Hmp kala nya. Isa pa talagang pangungulit nya bibingo na yan" inis na saad nya.

I chuckled. "Goodluck then alam kong kaya mo na yan~ "

"Che! La kang kwenta!" Walk out nya. Awts naman yun. Makapag activity nga dito hihihi~

End of POV

Claire's POV

Edi good mood na ulit ako haha nagenjoy kami nagswimming sa dagat tapos naglaro-laro ng kung ano. Nakasalubong pa nga namin sila ate Kitty at Sebby eh hihihi pumoporeber na ata talaga sila XD

"Ate kittyyyyy!" Tawag ko pa nung mapadaan sila.

"Oh ui! Bati na kayo?" Takang tanong nya sa amin Tumango ako.

"Haha yep di ako natiis ng mokong eh." Asar ko

"Hey Claire wag ganun." Pikon na saad ni Ashiel

I just stuck out my tongue to tease him even more "Bleh. Anyway san kayo punta?" Tanong ko.

"Wala ka na dun bubwit!" Supladong sagot ni Sebatian. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Oo sebby di kita kausap. Wag kang ano jan."

"Panira ka kasi ng date." Irap nya. Date? Nagdadate ba sila? Hohoho.

I grinned. "Sorry naman haha oh sige enjoy na nga ang date nyo." Saad ko

"Date? Wag ka magpapaniwala jan ui." Napapailing-iling na lang na saad ni Ate kitty

I laugh.

"Sige na babooo~" paalam ko. At sumunod naman sila. Hihi goodluck talaga sa dalawang yun.

"So babe san na tayo?" Biglang saad naman ni Ashiel D-did he just called me 'Babe'????

Kyahhhhhhhhhhhh lumelevel up na din talaga tong si Ashiel my loves so sweet ko~ <3.<3

"Kahit saan my loves ko~" pacute na saad ko.

"Lets go eat first." Nakangiting aya nya

Tumango ako.

"Aye aye captain!"

End of POV

Kittyelle's POV

Kanina pa ako tanggi ng tanggi kay Sebastian na ayokong sumakay sa Zip line. Alam naman nyang takot sa matataas na bagay eh. Kahit ba paupo ang zip line dito at hindi padapa nakakatakot pa rin.

"Sakay na tayo,Yelle." Aya nya Umiling-iling ako.

"Ayoko." Hawak nya pa sa akin.

"Sige na..."

"A.YO.KO." Bitaw ko sa kanya bat ba ang kulit ng isang to. Ayoko nga eh.

"Bakit ba ayaw mo?" Takang tanong nya

I glared at him. "Diba nga takot ako sa matataas na lugar!" I scoffed

"It's just a mini zip line yelle sobrang baba lang nyan." Natatawang saad nya

"Eh kahit na ayoko pa rin." Tanggi ko.

"Ano bang kinakatakot mo? Eh andito naman ako. Hindi naman kita pababayaan." Saad nya.

Ay nako para lang makasakay handang mambola eh. "Ihhh. Naman! Kakainis ka alam mo yun?" Pagsuko ko.

"Papayag ka rin naman pala eh. Pinahirapan mo pa ako." He giggled

"Hmp. Bakit bawal ba magpakipot man lang ganern?" Taas kilay kong sagot. He shook his head. "Nah. Wala akong sinabi so tara na?" Aya nya

"Tss. Oo na may magagawa pa ba ako?" Walang choice na sagot ko.

"Wala. Its good to overcome your fear with the one you love you know." He said staring at me.

I pouted. "Ano yan nabasa mo na naman sa google yan?"

"Yeah." He grinned. At tuwang-tuwa pa sya.

"Oo na. Alam ko naman na kaya mo ginagawa ito ay para din naman sa akin." I sighed.

He nodded with a smile. "Buti alam mo na. Ayokong tumanda ka na may takot sa mga ganoong bagay except god. Of course. Thats why I'm doing all my best for you, baby. I want to be perfect soon to be boyfriend or a husband for you" Ayan na naman sya >\\\<.

Di na nya kailangan ngayon palang perfect na sya for me. Ugh! Echoz.

"Tss tara na nga~ Pasweetams ka na naman eh." Namumulang saad ko.

Natawa sya at hinawakan ang kamay ko. "Right."

HIDDEN DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon