Chapter 34: The Promise?
Sebastian's POV
Sinamahan ko syang icheck ang zoo nya kanina. Hanggang sa mahatid sya sa office nya sa hotel kung saan kami naka stay in nila Syl. Bago ako tuluyang humiwalay dahil may balak pa akong gawin. Dumiretso na ako sa beach para maghanap ng magandang pwesto.
"Hey Seb! Kanina pa kami rito. Hehe bakit ngayon ka lang? Di pa tapos si Kitty?" Bungad sa akin ni Syl na kakaahon lang sa dagat.
"At wait anu yan bakit may stick at mamahaling box kang hawak?" Takang tanong nya
"Eto? Pangsusulat ko sa puting buhangin. Tipid na sagot ko.
"Hmmm? May balak ka na naman ah? Haha kakaiba ka talaga. Need help?" Pataas taas kilay nya pang sagot.
I sighed I guess I needed his help. "Yeah kahit bantayan mo lang yung place na pagsusulatan ko nito. Baka kasi may mangielam." Saad ko.
Tumango naman sya. "Sure no prob yun lang pala eh." Sang ayon nya.
Kaya ginawa ko na yung dapat kong gawin. "Ui bakit anong ginagawa nyo dito?" Biglang sulpot naman nitong si Ian.
"Wag ka nang matanong at tumayo ka na lang muna dyan." Sita ko sa kanya.
Aba baka hindi ko pa to matapos eh. Mapurnada pa yung plano ko. "Okay relax relax. Calm your balls Seb. Madali ako kausap." Tss hindi ko na lang sila pinansin.
Habang ginagawa ko yung kung ano yung naisip ko ay nagdadaldalan naman sila. Hinayaan ko na lang nakakatulong naman sila sa pagpapalis sa mga napapadaan na mga guest dito.
End of POV
Kitty's POV
Inaayos ko na yung mga gamit ko para ibalik sa drawer kung saan ito nakalagay ng biglang bumukas yung pinto ng office ko dito sa hotel at sumulpot si Claire at si Ashiel? A-anong ginagawa nila dito?
"Hi ate Kittyyyyyyyeeeelllllleeeeeee!!!" Bati nya sa akin.
"H-hello. Bakit kayo nandito?" Gulat na tanong ko.
"Obviously staying in at your hotel. Kung di lang sa bubwit na yan di wala sana kami ngayon dito." Masungit na sagot ni Ashiel sa akin
"Psh. Bubwit ka jan? Hayaan mo yan ate Kitty pabebe lang yan. Anyway yeah magstay kami ngayong weekend dito. Enjoy enjoy lang you know~ boring na boring na kasi ako sa opisina nya eh." Sambit ni Claire at halatang-halata mo sa nakabusangot nyang mukha ang pagkaburyo.
"Tss. Eh sino ba kasing may sabi na puntahan mo ako dun?" Singit ni Ashiel sa amin.
Sinamaan naman sya agad ng tingin ni Claire. "Oh anung gusto mong palabasin? Na ako ang may kasalanan kung bakit ako nabobored?"
"Yeah?" Patanong na tugon ni Ashiel wow lumalaban sya ngayon kay Claire haha tignan lang natin kung mananalo sya sa cute na makulit na batang ito.
"Kung ayaw mo palang kasama ako edi umuwi ka na ngayon din." Inis na saad ni Claire.
"I didn't say that-" naputol ang sasabihin ni Ashiel ng muling magsalita si Claire.
"Wag ka ng magsalita. Umuwi ka na lang." Walang expression ang mukha nya ng sinabi yan.
"Claire-" Magrereact pa sana uli si Ashiel pero galit na ata talaga si Claire omooo.
"Umuwi ka na sabi eh!" Bulyaw ni Claire at tumakbo palabas ng office ko.
"Claire wait up!" Tawag ni Ashiel at agad itong sinundan.
BINABASA MO ANG
HIDDEN DESIRE
RomanceTitle:Hidden Desire (unedited yet) (COMPLETED) Si Sebastian Del Valtazar ang isa sa mga important guest ko dito na anak ng isa sa mga big partnership ng pamilya ko. Kaya sa ayaw ko man o sa gusto I have to entertain him at hangga't maari ay makapagt...