Chapter 8:Caught?
Sylvester's POV
Ang weird ng babaeng nakabangga ko parang nagulat sya at natakot ng makita ko, biglang tumakbo eh sya lang ang babae na ganun ang reaction samantalang kanina yung iba halos himatayin ng makita ako. Weird.
Dumaan kasi ako sa CR dahil tinawag ako ni kalikasan kaya nauna na si Sebastian sa room namin. Nang makasalubong ko sya. Napailing-iling ako kapag naaalala ko ang gulat ngunit maganda nyang mukha.
She looks so simple yet so pretty. Nacurious tuloy ako bigla sa babaeng yun. Napangiti na lang ako at the thought of it. Pagbalik ko ng room nakita ko si Sebastian na tahimik na nagbabasa. Ni hindi nya pansin ang mga kaklase namin na halos tulo na ang laway sa pagtitig lang sa kanya. Natawa tuloy ako ng bahagya.
Ganyan yan kapag nagbabasa focus lang sya at di talaga mamamansin kapag ganoon. Kaya pagupo ko sa tabi nya ay kinuha ko na lang ang phone ko at nagbrowse ng FB habang naghihintay sa susunod na professor namin. Sabog na naman notifications ko. Ang daming ring message and most of it ay galing sa mga classmates at schoolmate namin sa dati naming pinapasukan.
Puro mga nagtatanong kung bakit di na kami doon pumapasok. Puro ganun lang kaya nagtyaga akong burahin lahat yun. Mahirap talagang maging gwapo pinagkakaguluhan ka.
"Hey!" Napatingin ako kay Seb na bigla akong tinawag.
"Oh bro bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Let's ditch the next class." Seryosong sagot nya. B.I talaga to minsan eh.
Pero syempre pabor din sa akin yan. Ang boring nga naman kasi ng next subject history kasi. Kaya agad akong sumang-ayon
"Sure." Ngisi ko at lumabas na kaming classroom namin.
End of POV
Ian's POV
Natutuwa talaga ako. Dahil palagi ko kasama si Meowloves ko. Siguro kailangan kong pasalamatan kung sino man yung tinataguan nya dahil kung di dahil sa kanya baka wala kami sa ganitong sitwasyon ngayon. Ilang raw na maganda ang mood ko palagi pa kong kinikilig kasi kasama ko sya. Kahit na minsan naiinis sya sa akin di nya naman ako matiis.
Yiehhhhhhh konting push pa mafafall din si Meowloves ko sa akin. Sabi nga ng ibang tropa kong mga dancer eh nagmumukha lang daw ako tanga kasi mukha namang ayaw sa akin ni MeowLoves ko pero hindi ako nagpadala.
Di naman kasi nakukuha ang lahat ng bagay sa madalian diba? Dapat pinaghihirapan mo. Yun kasi ang pinaniniwalaan ko eh. Kaya eto pinupush ko pa din. Sabi nga nila pag may tyaga may nilaga.
Kaya magtatyaga akong maghintay kahit pa matagal matanggap ko lang ang matamis nyang 'OO' hihihi~
"Oi Ian tulala ka na naman jan?! Mauna ka na sa next class susunod na lang ako." Sabi ni Meowloves ko.
Bakit pinapauna nya ko? "Why Meowloves?" Takang tanong ko.
"Wag ka nang mausisa sige na mauna ka na. Wag makulit okay?" Tulak nya sa akin.
Kaya napanguso ako. "Sige wait kita sa room ah." Sabi ko at sinunod na sya.
Tumango sya. "Good. Wag kang susunod ah? Wag matigas ulo." Dagdag nya pa.
Nagtaka man ay tumango na lang ako.
Kumindat ako at nagflying kiss pa. "Yes boss Meowloves!"
Syempre si MeowLoves ko yan sya ang batas sa aming dalawa mwuahhahahahah pagood shot din yun kapag good boy ka diba?
Kahit hard sya minsan ramdam kong may care sya sa akin. Yiehhhhhhh kinikilig ako kapag naiisip ko yun. Lalaki ako pero wahhhh iba talaga eh get a grip Ian. Jusko grabe talaga ang epekto mo sakin MeowLoves.
BINABASA MO ANG
HIDDEN DESIRE
RomanceTitle:Hidden Desire (unedited yet) (COMPLETED) Si Sebastian Del Valtazar ang isa sa mga important guest ko dito na anak ng isa sa mga big partnership ng pamilya ko. Kaya sa ayaw ko man o sa gusto I have to entertain him at hangga't maari ay makapagt...