Chapter 11: Documentary Part 2

19 5 0
                                    

...

...

Chapter 11: Documentary Part 2

Sebastian's POV

Alam nyo ba yung feeling na sobrang naiirita ka na? Tas ganito pa nangyari? Yung ang ganda ganda ng pwesto at mood kong nagbabasa doon sa garden tas biglang susulpot tong babae na to? Nakakainis sunod sya ng sunod sa akin para syang ewan. Di ba nya nahahalatang ayoko sya kasama? Hindi daw sya manhid pero hindi nya maramdamn yun.

Akalain mong may pagka duwag din pala ang babaeng ito. Multo lang pala titiklop sya. Di mo mapagkakailang nakakatakot talaga sa lugar na to. Pero hindi ko inaasahan na ganito ang epekto nito sa kanya. Patuloy lang ako sa paglalakad at patuloy rin sya sa pangungulit sa akin hanggang sa marinig ko syang napasigaw tapos yung tunog ng parang bumagsak sa lupa na puro mga halaman at tangkay ng puno.

Kaya agad akong napatigil at hinarap sya. At doon ko ngang nakita na napatid nga ang loka. Naiinis pa ko dahil ang dami ring arte neto eh. Bakit ba kasi sya nagdress yan tuloy ayoko nga makita mukha nya kaya nga ipapasan ko sya eh yun nga lang kamalasan at kailangan ko pa syang buhatin na lang.

When I started scooping her in my arms. Feeling ko nakuryente ako ng bigla ko syang buhatin.

Siguro nagulat lang ako dahil ito ang una kong beses na ginawa sa babae. I never touch any woman before not until I have to carry her ng dahil sa katangahan nya. So I stood straight at tumingin ng diretso sa daan. Baka kasi mapansin nya na hindi ako sanay sa ganitong bagay.

Ayoko namang iwan sya na hindi makalakad doon at baka ano pang isipin nila Sylvestre sa akin. I'm not gentleman and I'm not sweet either. That's why I'm not used to this kind of situation. And as much as possible I never want to be in this kind of situation.

But then, Kahit na masama ang ugali ko may konting bait naman na natitira sa akin. Kumbaga sa 100%, 1 percent lang ang nakuha sa pagiging mabait ko at ang 99 percent ay ang kasamaan ng ugali ko. Aware naman ako don at hindi ko itinatanggi. I noticed that.

Her weight is very light I mean she's just like a feather. Hindi naman sya Skinny. Maybe its because she's not that tall plus her petite body. Kaya hindi ako nahirapan na buhatin sya pabalik sa Haunted House ni Syl.

Mabuti na lang talaga at magaan tong babae na to dahil kung hindi, Di pa man kami nakakapagstart sa pagdodocumentary ay masakit na ang katawan ko.

I heaved a small sigh. Nakapagtatakang tumahimik lang sya bigla. Ewan ko kung bakit but mas gusto ko na to kesa magingay na naman sya. Baka di pa ako makatiis at iwanan ko talaga sya dyan.

End of POV

Ian's POV

Nanlaki ang mata ko ng makitang buhat buhat ni Sebastian si Meowloves ko! Bakit? Ano nangyari?!!!

Agad namin syang nilapitan ni Sylvestre pagdating kasi namin dito ay hindi namin sila natagpuan nagpasama kasi kami kay manong driver na idrive kami hanggang makahanap ng signal tapos madadatnan naming ganito?

My god. Kawawa naman si Meowloves ko. Sana pala di ko sya iniwan.

Inilapag sya ni Sebastian sa sofa. "Seb anong nangyari?" Tanong ni Sylvestre

"She tripped." Tipid na sagot nya at sumandal sa pader na humalukipkip. Nilapitan ko si Meowloves at chineck ang paa nya at nakita ko nga ang sugat doon.

"Aray naman Ian." Impit nya ng masanggi ko yung sugat nya. Kawawa si meowloves ko nagasgasan ang makinis nyang balat.

"Sorry Meowloves ko. I was just so worried about you. May masakit pa ba?" Nagaalalang sagot ko sa kanya. Umiling sya.

HIDDEN DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon