CHAPTER 20: The Practice

9 3 0
                                    

...

Chapter 20: The Practice

Sylvestre's POV

Grabe! Kahit di na pala ako kumilos talagang totoo ang OTP ko. Yay! My OTP is Sailing!!! Sila na mismo ang kumikilos lalo na si Seb. Pansin kong kakaiba sya ngayon.

Ahaha sya na kasi mismo ang gumawa ng move. Nakakapagtaka ngunit pabor sa akin ito. Actually plano ko talagang pilitin si Sebastian na sunduin si Kitty eh dahil takot ko lang sa kuya nyang si Ashiel jusko baka bugahan ako ng apoy nun. Pero ang hindi ko inaasahan na si Seb mismo ang magprisinta na magsundo kay Kitty.

This is not so him~ Dahil pansin nyo naman palagi ko lang pinipilit na sumama yan sa amin. Ngayon lang nangyari ito. At dahil napakaunusual nya ngayon. Hindi ko papalagpasin yun. Kailangan kong malaman kung ano ba ang dahilan ng pagiging ganito nya.

Kaya Oobserbahan ko sya. Hindi nya ugaling magprisinta ng kusa lalo na't tungkol pa ito kay Kitty. I know mainit ang dugo nya sa mga babae at nasaksihan ko yun. Pero ngayon? May kakaiba talaga eh.

Hmmm may naiisip akong rason pero aalamin ko yun using my plans teehee~ Napatingin ako sa orasan ko maga-alas kwatro na wala pa sila. Bakit kaya napatagal? Siguro nahirapan sila magpaalam kay Ashiel. Isa pang strikto yun eh.

"Nakalimutan nga siguro ni Meowloves na may practice tayo ngayon." Nakangusong maktol ni Ian

Tinap ko yung balikat nya. Namimiss na naman nya si Kitty. Pero sorry Ian I like Sebastian for Kitty though.

"Malapit na siguro yun. Nahirapan lang siguro magpaalam kay Kuya Ash."

"Bakit totoo bang nakakatakot yang kuya ni sebastian?" Curious na tanong nya Tumango ako.

"Yep. Super duper. Yung tipong ayaw mo na sya makaharap pang muli." Sagot ko

Nagmake face naman sya. "Ugh. Parang ayokong makasalamuha ang isang Ashiel Del Valtazar."

"Sinabi mo pa bro. Kaya nga si Seb na pinasundo ko kay Kitty eh dahil ayoko na makita sya." Napapailing-iling na sabi ko.

"Hays kamusta kaya si meowloves ko kawawa naman sya kung ganun sa dinami-rami ng pedeng makapartnership nya yun pang kinatatakutan ng lahat." Nagaalalang sambit ni Ian.

I sighed. "Sana nga okay lang sya. Siguro naman kaya nyang tapatan yun. Si Seb nga nakakaya nya eh." Komento ko.

"Yeah. Kakayanin ni meowloves ko yun!" Kumbinsing sabi ni Ian

Sakto namang dumating na sila Sebastian. Mukha ngang nakalimutan ni Kitty ang practice dahil nakapangoffice suit sya ngayon. Matawagan ko nga si Yaya tess ng makapagpadala ng damit na pambabae para may magamit si Kitty. Sa itsura nya kasi mukhang kinaladkad lang sya ni Seb papunta rito dahil hindi man lang ito nakapagpalit at pati gamit ni ito ay wala ni hindi nadala.

Pinagpahinga ko muna sila para mahintay yung pinadala kong gamit kay yaya tess.

"Meowwwwlovessssssss~" hyper na bati ni Ian patakbo na sana ito para yakapin si Kitty

Ngunit di natuloy dahil sinamaan sya ng tingin ni Kitty. "Subukan mong lumapit masasalo mo itong kamao ko!" Inis na sambit nya

"Waghhh payakap lang naman eh." Nakangusong saad nya.

"Hmp! Subukan mo lang talaga Ian sinasabi ko sayo." Banas na saad ni Kitty.

Magsasalita pa sana si Ian kaso pinigilan ko na muna. "Tigilan mo muna si Kitty Ian nako baka mauwi kang lumpo nyan sige ka." Banta ko para tigilan na nya muna si Kitty.

"Palagi namang ganyan ang babae na yan mukhang sanay na nga yan si Ian sa amazonang ito eh." Komento ni Seb

"Tse! Baliw! Alam mo? Kakainis ka bigla bigla susulpot sa office at bigla ka na lang nangangaladkad dyan yan tuloy hindi ko tuloy nadala gamit ko eh." Maktol ni Kitty

HIDDEN DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon