Chapter 13:The Kisser

20 4 0
                                    

Chapter 13:The Kisser

Kittyelle's POV

Ilang minuto nya din akong nakiss pero hindi ako nagrerespond. Kahit pa ilang beses nyang kinagat ang labi ko hindi ko sya hinayaang maangkin ang lips ko siraulo ba sya. Bigla biglang nanghahalik ng kung sino, amoy na amoy ko pa ang alak galing sa bibig nya.

Ganito ba mga nagiinuman dito? Bigla bigla na lang nangkikiss? Wala syang modo. Inipon ko ang buong lakas ko para lang matulak sya ngunit bago ko man magawa yun ay naramdaman kong bumigat.

I feel like am carrying him nang bigla syang bumagsak sa akin. Sino ba kasi to.

Ang bigat nya kaya bukod sa matangkad sya ay lalaki sya. Maliit lang akong babae hindi ko sya kaya. Ugh!

"Ui walanjong lalaki ka! Gumising ka. Sasapakin pa kitang hinayupak ka!! Ang bigat mo! Gising sabi eh! Ui ano ba!!!" Bulyaw ko sa kanya sabay tapik tapik sa likod nya.

Konti na lang bibigay na ang katawan ko sa bigat nya. Baka mamaya ay bumagsak na kami sa dance floor nito. Asan na ba sila Syl at Ian T.T I need help.

Bukod sa maingay ang beat ng mga tugtog sa bar ay maiingay rin ang mga tao rito kaya hindi siguro ako marinig ng Walanjong lalaking ito. Sobrang lasenggo. Jusko sana hanapin na ako nila Ian.

Naiihi pa man din ako ang sakit pa ng pantog ko. Ilang sandali pa ako nagtiis na nakadantay ang mabigat nyang katawan sa akin ng hindi ko na kayanin pa kaya kasabay ng napaupo na ako sya din lalong bagsak sa akin.

Take note nasa dance floor pa kami at nasasanggi ng mga walang paking nagsasayaw dito. Masakit ang impact wahhhhhhh nakakainis talaga sobra! Nanggigil na ako.

Tinapik-tapik ko na sya pero wala pa rin. Kinuha ko yung cp ko sa bulsa ng pants ko at inilawan ang mukha ng lalaking nagnakaw lang naman ng first ko at tinulugan ako.

Halos gusto ng lumabas ng eyeball ng mata ko sa gulat ng makita ang salarin. I can't believe it!!!

Sya???

I was to pre-occuppied with my thoughts hindi kasi ako makapaniwalang magagawa nya yun?

But maybe sobrang lasing nya kaya di nya alam na ako yun?

Tama madilim dito baka akala nya isa ako sa mga chicks dito. Pero hindi ko papalagpasin ang ginawa nya kahit ba sabihin nyang di nya alam ang ginawa nya ay may kasalanan pa rin sya!!!

Bwisit sya! bakit ba palagi na lang sya kamalas-malasang naman talaga oo!

Natauhan lang ako ng makita kami ni Sylvestre na nagsasayaw lang pala malapit sa amin. Nagulat pa sya kung bakit ako nakasalampak sa floor with a guy kaya tinulungan nya kami

"The heck anung nangyari sa inyo ni Sebastian Kitty? Are you okay?" Gulat na tanong nya.

"Bakit di mo tanungin dyan sa demonyong lalaki na yan. Bigla bigla na lang yan nanghihigit at nanghalik!" Galit na sagot ko matapos nyang alalayan ang impakto.

Lalo syang nagulat sa narinig bakit? May nasabi ba kong kakaiba? Common naman ata sa kanila ang mga ganitong bagay diba?

"Seryoso ka Kitty ginawa nya yun?" Di makapaniwalang tanong nya

"Look at my lower lip sugat-sugat ng dahil sa kanya." Inis na turo ko pa sa labi ko ang hapdi kainis.

"Oh! Oo nga it was a lip bite. I didn't know na kayang gawin yan ni Sebastian. He's not the typical guy out there na bigla bigla na lang manghahalik knowing na ayaw nya ng mga babae." Takang saad nya

HIDDEN DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon