CHAPTER 4
Rhaine POV
"Grabe, wala ako maintindihan maski isa sa mga sinabi ni sir kanina." nakapanlumo kung sabi. Kinuha ko ang softdrinks sa harapan ko at ininom. Nandito kaming apat sa cafeteria. Break time namin ngayon.. Hindi ako makapaniwala na 5 over 40 lang ako sa long quiz namin.. First day niya palang magturo, nag q-quiz na agad..
Gano'n naba ako ka bobo?
Nakakahiya. Halos lahat ng mga kaklase ko nakakuha ng mataas na skor. Kanina kase, habang nagtuturo si sir. Yung utak ko kase lumilipad kung saan saan. Nag iimagine. Kahit anong pilit kung pakikinig, hindi talaga kaya ng utak ko.
'Ba't naman kase ang hina kosa math?'
"hoy!!"
"Ano?" nagugulat na nakakonot kung tanong.
"Anong nangyari sayo?" natatawang tanong ni psy saken.
"wala."
"Yung totoo rhain." sabat naman ni chris sa usapan. Binalingan ko ng tingin na nakataas ang noo.
"A-anong totoo?" utal kung tanong sakanya..May halong pagtataka.
"Yayy!! Haha" tukso neto saken na parang kinikilig. Sinusundot pa ako sa tagiliran. Napangiwi naman ako dahil dun.
"Anong bang pinagsasabi mo diyan ha taba?" nakakunot kung tanong na halos magkaharap na ang dalawa kung kilay. Alam ko kung anong ibig niyang sabihin. Gusto ko lang talaga makumpirma kung tama ba. Yung dalawa naman. Na cu-curios kung anong ibig sabihin ni chris. Naghihintay na masabi na. Natatawa nalang ako, parang mga ulol. Hindi maipagkaila na chismo't chismosa talaga..
"Yayys! Ayaw pa umamin neto."
"Ano nga? Haha!!" natatawa nalang ako.
"Kaya ka nalate dahil nakita mo yung crush mo. Haha"
"Pano mo nalaman ha?"
"Lol,mga style mo alam kona. Simula nung mag classmate tayo sa 3rd year.."
Napailing nalang ako. Alam niya talaga ang pasikot sikot ng bituka ko. Ultimo crush ko alam niya. Tsk!
"teka nga, Sino ba?" nacucurios na tanong ni psy sa aken na palipat lipat ang tingin sa aming dalawa ni chris. King ina chismosa talaga. Di niya pa kase alam.
"Si cjhay hontiero. Ang dakilang unang nagpahulog ng utak ni rhaine haha!"
"taena. Late pala ah.."
"Sshh!! Baka marinig kayo. Ayun lang si sir oh." biglang sabi ni Jark habang tinuturo niya sa hindi kalayuang lamesa nila ni si sir nathan. Kasama niya yung ilan pang mga kapwa niyang teacher. Yung iba, masayang nagtatawanan habang nagkukwentuhan. While siya naman nanatiling nakakunot ang noo. Parang walang pake sa mga pinagsasabi nila. Siguro dahil sa tagal kung pagtitig sa kanya. Hindi ko inaasahan na bigla siyang tumingin sa aken. Halos mapako ako at maihi sa kinauupuan ko dahil sa talas ng tingin niya saken.
Kinakabahan kung dali-dali iniwas ang tingin ko sa kanya. Nagpapanggap na may tinitignan.. Taena! Baka anong isipan niya?
"Alam niyo ba kanina? Napahiya si mareng Janna. Kung nakita niyo lang ang mukha. Hahaha priceless ang king ina."
"Alam namin yun. Wag kang ano. Si rhaine lang ang hindi" sabat ni chris. Nagtataka ko silang tinignan. Naghihintay kung ano pang sasabihin.
"bakit? Ano bang nangyari.?" curious kung tanong sakanila. Nagkibit balikat naman si jark na para bang wala siyang ka alam alam. Nginusuan niya lang yung dalawa. Parang nagsasabing sila ang tanungin mo. Ano pabang aasahan kosa nerd nato..?Ml lang naman ang laging inaatupag. Tch.
BINABASA MO ANG
Ang masungit kung guro (On-Going) A teacher's And Student Love story
Teen FictionGirl: walang pakealam sa paligid, tipid kung magsalita , may tatlo siyang kaibigan, grabe kung magalit. lumabas ang pagka baliw niya pag mga kaibigan na niya ang kasama, bobopols sa math Pang kpop ang outfit pag pumasok na sa classroom tinatangha...