CHAPTER 31:
Rhaine POV
Hindi kona inintay pa na tumunog yung alarm clock ko. Kusa na kung tumayo at maligo. Pagbaba ko nakita ko si mama, nagluto na nang almusal para namin.
"Oh? Ang aga naman mo ata? May himala ba?" napangiwi ako sa tanong ni mama. Porket maaga akong gumising may himala na agad? Dipa pwedeng gusto kolang gumising ng maaga dahil mag libot libot muna ako sa campus. "Lunes na lunes mag c-civilian kana naman? Buti hindi ka bibigyan ng parusa? Aba'y iba na talaga ang panahon ngayon, no'ng sa amin nga kapag hindi ka mag u-uniporm ay hindi ka papasukin sa silid tapos sa inyo? Pwedeng-pwede. Wala bang rules sainyo?"
"Meron, pero ayaw kolang suotin, napakaikli yung palda. Okay lang sana kung hanggang tuhod ang ikli no'n."Napatigil si mama kaya napatigil din ako sa pagnguya.
"Tomboy kaba?" halos mabulunan ako sa tanong na iyon.
"Ma, anong tomboy ang pinagsasabi mo diyan? May phobia nga ako sa tomboy tapos sasabihin mong tomboy ako?"
"Malay ko sa'yo.. Sige na sige na. Dalian mo ng kumain diyan."Grabe, hindi pa nga tapos kumain padadalian pa ako.
-___-
"Hoy papasok kana? hintayin moko!" kababa lang ni hudlo ng isigaw niya iyon.
"Neknek mo!!" sigaw ko at lumabas. Kinuha ko ang bike at simulan ng pumadyak! Tuwing nakikita ko si nathan, bigla nalang akong nakakaramdan ng kaba na hindi ko maipaliwanag, yung hinawakan niya yung kamay ko sa mall bigla akong nakaramdan ng kuryente na halos ayaw ko ng bitawan..
Yung nararamdaman ko kay nathan, hindi pa ako 100 sure kung may gusto ba ako sakanya, sabihin lang natin na 30% lang yun.
Pero kailangan kung pigilan, kailangan ko siyang iwasan. Hindi tama to. Pero, pano ko iiwasan eh magkasama lang kami sa iisang campus, lage pa kaming magkikita kase adviser ko siya. Infatuation lang to.
Tama, infatuation lang to Kagabi hindi talaga makatulog, halos ginawa kona ang lahat para makatulog ako pero mulat na mulat yung mata ko. Pangalawa na talaga to nangyari saken na hindi ako makatulog..
Pumasok naku pagkatapos kung mailagay ang bike. Naglalakad ako sa hallway, kunti pa lang yung estudyante na nadadaanan ko.
Naglilibot pa muna ako habang wala pang time sa first subject namin.Tinitignan ko ang mga estudyante sa kabilang building na may kanyang kanyang ginagawa.Mga naghaharutan, nagkwe kwentuhan. Yung iba naman ay may sinusulat.
Naglakad pa ako at nakita ko ang mga sirang upuan sa gilid na dati naming ginamit noon.Matagal tagal na ako dito pero ni minsan ay diko magawang maglibot o kaya ay pumasyal man lamang sa campus namin.Aaminin kung nasa public ako nag aaral pero pinagmalaki kona man iyon.Dahil sa paglilibot ko ay hindi ko namalayan sa sarili ko na nasa labas ako ng campus namin pero parte padin naman.
Nagtataka akong pinagmasdan ang isang bodega na matagal ng hindi nagagamit.Mashadong patago eto kaya hindi agad nakikita. Medyo malayo eto sa building namin.Pero, ang pinagtataka ko? Ba't eto naiiba kung parte din naman eto ng paaralan.At ngayon kolang napansin na medyo may mga gamit sa loob.Tumitingin-tingin ako sa gilid baka sakaling may nakikita saken o may nagmamasid.Nang masigurong walang tao, pumasok ako sa loob.
Kinuha ko ang walis at isinawasiwas para mawala yung mga lawa na tinatabunan na ng mga bahay nila. Pinagpag ko ang mga libro at napaubo nalamang dahil sa mga alikabok na nasinghot ko.Inilibot ko ang paningin at pinagmasdan. Kung lilinisan lang eto ng maayos ay magagamit pa talaga etong bodega.
May mga ilang gamit dito na pwede pang magamit."Sino naman kaya ang nagtapon ng mga libro? Mukang 1st year pa ata to." nagtataka kung tanong sa sarili na nagkalat sa lapag.
Kinuha ko ang isang libro pero bigla ay may nahulog na isang bagay kaya napatingin ako sa may paanan ko."Hmmm, ano yun?" taka kung tanong.Pinulot ko ang isang ID, nakatalikod pa eto kaya hinarap koto para makita ko kung sino ang may ari."Chienna ong? Sino naman kaya to?" muli kung tanong.
Kinuha ko ang apat na libro at inilagay sa bag ko pati nadin I.D.Pareha kami ng libro nong first year pa lang ako.
' Ba't naman napunta dito? '
Nevermind! Ibibigay ko nalang to pag may naghanap. Sayang din naman kung
iiwan kolang dito.Aalis nasana ako ng may naririnig akong mga yabag na papunta dito.Nagtago ako sa ilalim ng lamesa at tinakpan ang bibig para hindi magkaroon ng ingay.
"Red.." dinig ko ang boses lalake na may tinawag..
"Bakit?"
"Pumunta kaba dito kanina?"
"Ha? Hindi, may ginawa ako kanina kaya hindi ako pumunta dito. Bakit mo natanong?"Pigil ang hininga kung pinariringgan ang mga sinabi nila.
"Shit!! Mukang may nakapasokDito. Bukas ang pinto ng pumasok tayo. Punyeta!!"Sigaw nila.
"Sino naman? Eh tayo lang naman ang nakakaalam dito."
"Hindi ko alam kung, sino man iyon ay hindi na siya sisikatin ng araw pag nahuli ko siya..Lintek lang! Tara, hanapin natin, mukang hindi pa yun nakakalayo.."Sabi nila at narinig kona lang na sirado na ang pinto.
Lumunok ako. Kinabahan kong hinawakan ang dibdib at sumandal sa pader.Hindi kaya? May kinalaman ang mga yun sa nakita kung mga libro at I.D sa babaeng may nagmamay-ari neto.Tumayo nako at binuksan ang pinto.
Tumakbo ako ng mabilis ng masigurong wala na sila.Hawak hawak ko ang strap ng bag ko baka kase bigla nalang maputol at para mapadali nadin ang pagtakbo ko. Halos matumba na ako kakatakbo patungo sa hallway.
Muntik pa akong madulas dahil may natapakan akong basa.Takbo ako ng takbo hanggang marating kona ang floor namin.Hingal na hingal akong napaupo sa lapag at hamak ang dibdib, wala na kong nakitang pang mga estudyante na pakalat kalat.Nagsisimula na siguro ang klase.Pero hindi ko muna yun iisip.
Ang iisipin ko muna ay kung sino ang mga yun? At kung sino ang may ari yung kinuha kung mga gamit.Ilang minuto pa akong nakaupo. Nang mahimasmasan na ay saka ako tumayo at aakmang bubuksan na ang pintuan ay may tumawag saken.
"Miss Alvarez.."Tumingin ako ako sa likod.
"Sir.."Gulat kung sabi. Hinawakan ko ang dibdib ko. Ang lakas ng kabog..
Akala ko nagsisimula na ang klase.
He cleared his throat before spoke. "Are you okay?" nagulat ako sa tanong niyang iyon."You look pale.."
"Y-yeah! I..I'm okay..."
"Sabay na tayo---"
"No..." nabigla si sir dahil sa sinabi ko. Napapahiya naman akong umiwas ng tingin. Kung magsasabay kami ni sir pumasok sa loob ay baka magtaka pa sila.Sa panahon ngayon, alam ko ang takbo ng mga utak ng mga tao ngayon. kahit sabihin pa nating magkasabay lang kayo ng hindi sinasadya ay bibigyan talaga nila ng ibang meaning.
Kaya habang maaga pa ay iiwasan kona si sir para hindi pa lalong lumalim ang nararamdaman ko sakanya.
http://twitter.com/michellebtsko.
https://www.instagram.com/atemichixx/
https://atemichixx.tumblr..com
http://ask.fm/michelle143bts
BINABASA MO ANG
Ang masungit kung guro (On-Going) A teacher's And Student Love story
Teen FictionGirl: walang pakealam sa paligid, tipid kung magsalita , may tatlo siyang kaibigan, grabe kung magalit. lumabas ang pagka baliw niya pag mga kaibigan na niya ang kasama, bobopols sa math Pang kpop ang outfit pag pumasok na sa classroom tinatangha...