CHAPTER 23:Untitled

47 10 0
                                    

CHAPTER 23:

Rhaine POV

Maaga akong nagising dahil sa lintek na alarm clock. Hindi alarm clock na orasan ko ha? Kundi bunganga ni mama. Aga-aga nagsisigaw na. Pero, hindi naman lahat ng kapitbahay namin ay maririnig ang sigaw niya.Yung tipong kami lang ang makarinig.

"Saan kaba kase galing kagabi ha?kola?" bumaba na ako.Nakita ko sila sa sofa.

Alas 10 pa ang klase ko. Pero, diba friday na ngayon? So, syempre pag friday, may P.E, kung may P.E dapat magsusuot ka ng P.E uniform. Dahil tinatamad ako. Ayaw kona lang pumasok. Pero dahil may 100 percent ang bawat isa ay papasok nalang ako. Putek naman!

"Ma, ulit ulit nalang ba to? sinabi kona man sainyo diba na birthday ng pinsan ng kaibigan ko kagabi kaya matagal na akong na uwi. Aish naman oh." nagkamot ng ulo si hudlo pagkatapos niyang sabihin yun.

"Alam mobang alas 11 kana nakauwi kagabi? Pano kung may mangyari sa'yo? Pano kung matulad ka ng papa mo ha??" Natigilan ako, gano'n din si hudlo ng sabihin iyon ni mama.

"Ma, hindi ko naman hahayaang may mangyari saki'n lalo na si payatot. Saan pa yung malalaki kung muscle kung hindi kona man gagamitin ha!!" pinakita niya buto buto niyang braso kay mama.. Kaya ang ending hinampas ni mama ng wushu stick ang braso niya kaya tumawa ako.

"Puro ka kalokohan.." tumayo si mama at pumunta sa kusina.

"May care ka pala saken? Ha? Ha?" ngisi-ngisi kung tinusok yung yung tagiliran niya. "Ha? Sabi kona nga ba eh. Ha?"

"T-tumahimik ka nga. Nakakadiri ka, sinasabi kolang yun para hindi na magtanong si mama at hindi na tumaas yung pag-uusap. Kung ano-anong iniisip! Care-care. Care-kir-an ko yang mukha mo."

Nawala yung ngise ko. "Wala ka talagang silbing kuya. Pakamatay kana bweset!!" tumayo ako at inihampas ko ang unan sa ulo niya.

"Aba'y!!" nanlaki yung mata niya..Tumakbo ako sa kusina at sinimulan ng kumain.Bweset kang hudlo ka.Pagkatapos kung kumain ay umakyat na ako sa kwarto. Naligo na ako at nagbihis na ng pang P.E.Nanunuod pa muna ako ng Youtube sa laptop ko.

ilang minuto pa akong nag nagkulong sa kwaro at inantay na mag 10 ay saka ko napagdesisyon na bumaba at umalis.Pagkarating kosa gate ng skwelahan namin nagdiretso ako sa room namin.

"Anong game na naman ngayon?" tanong ko ng makasalobong ko si chris.

"Volleyball ata?"Sagot niya na parang nag alinlangan.

"Volleyball na naman.."

Dapat soccer.Mas prefer pa ako doo'n eh.Mas maalam pa ako sa soccer kaysa volleyball

"Classmates!! Sabi ni ma'am manlimos diretso na daw sa gym." Announce ng president samin na kakapasok palang. Lam niyo na, si santolan.Malayo pa ang instramurals pero kung makasuot ng maikli ng palda wagas. Daig pa nasa competition ng cheerdance.

Yikes! I should stop this. Baka akalain niya na naiinggit ako.Umupo na kami sa bench ng makarating na kami sa gym.Gano'n padin walang namang pinagbago ang routine namin tuwing friday. Naglalagay padin kami ng ribbon sa kamay.

"Kyaaah!!"

"Waahhh!! O my god! O my god! Apple where's my make up.."

"He's here. Ehhh!! I'm drolling already.."

Ohh??? OKay? Parang ang OA lang.Akala koba si maa'm manlimos?

Eh ba't si..si..Sir buenavista?

Late reaction ba? Gano'n talaga.Kaya naman parang kabute yung mga classmates namin na nagpapaganda ng pagpasok ni sir sa gym.

Ang masungit kung guro (On-Going) A teacher's And Student Love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon