CHAPTER 33:Untitled

35 5 0
                                    

CHAPTER 33:

Rhaine POV

Wala ako sa sariling nagpadyak ng bike pauwi sa kalsada. Wala akong pake alam kung sino ang mababangga ko. Total, hindi naman sila agad mamatay kung mabangga sila sa bike ko. Iniisip kopa rin yung kanina Nong napadpad ako sa isang bodega. Hindi ko nga alam kung bakit magkahiwalay yun sa campus namin, kung tutuosin belong padin naman yun. Ang pinagtataka ko lang, bakit may mag tao padin pumupunta do'n sa lumang bodega? Mukang lahat ng studyante na nag aaral sa toptian ay walang kaalam alam na may lumang bodega do'n, ultimong principal din na muk. Shit!! Nakakalito.

Kahit sino namang tao na may nakita o narinig ay gusto mo talagang may malaman.Yung dalawa lalake na narinig ko? May kinalaman kaya sila do'n sa babae, yung nakita kung I.D? Shit, gusto kung may sumagot sa tanong ko.Kanina nga habang nag q-quiz kami kanina ay lutang parin ako.

Lutang din ako sa kakaisip kay sir buenavista.Tuwing nakikita ko kase siya ay lalo akong kinakabahan, lalong bumilis yung tibok ng puso kapag tinignan niya ko. Diko kayang tignan siya sa mga mata kase parang naha-hypotanized ako. Parang hinihigop yung mata ko sa tuwing magkasalubong yung mga tingin namin.Bakit naman kase kinakabahan agad ako? Diko naman siya gusto.

Tangnang buh---

BEEP*BEEP

"Arayy!!" napatumba ako kasama ang bike dahil sa malakas na bumusina saken. Nauna ang tuhod ko kaya nagkaroon ng dugo. Inangat ko ang ulo para makita ko kung sino ang walang hiyang na bumusina saken.

May isang magandang kotse ang tumambad saken at may isang babae ang dumungaw sa bintana at bumaba din agad.

Tumayo ako at pinagpag ang sarili at medyo napa aray dahil sa sugat na natamo ko.

"Hey bitch!! Kung gusto mong gumawa ng sarili mong bike marathon, wag dito. Paharang harang kasa daan. Akala mo kung sinong magandang bike. Hindi naman!!" napanganga ako dahil sa sigaw nong babae.

Nakakainsulto ang kanyang dating.Maraming mga tao ang napapahinto kaya nagkaroon ng bulungan.

Tinignan ko siya."Excuse me, may ginawa ba ako sa'yo? Alam mo miss, ako na nga yung muntik mong masagasaan ikaw pa yung galit.. Ang laki ng daan tapos dito mo pinili sa gilid." inis ko din sigaw.

Aba! Di naman ako papayag na sigaw-sigawan ako ng babaeng to

Nanlilisik yung mata niya. "You don't know me? I'm the famous model in italy at sa pilipinas." Natawa ako dahil sa pagmamayabang niya..

"Famous ka pala? Ba't diko alam? Ede sana nagpa autograph agad ako sa'yo. You don't know me? Well, wala naman kase akong balak kilalanin ka. Kase ako yung taong walang pakealam sa mundo, yung mga taong di dapat kikilanin kapag mabaho ang ugali." ngitian ko siya kaya lalo siyang nagalit.

"How dare you!!" nangingilati niyang sigaw. Nakita kona yung ugat niya sa leeg. lalapit nasana siya ng may pumigil sakanya.

"Miss Jaime, kalma lang po tayo. Nandito po tayo sa public. Maraming tao. Nakakahiya kapag lalo niyong pinairal ang katarayan niyo.." tumingin saken yung babae. "Miss i'm sorry. Ako na yung huminge ng paumanhin kay jaime. I'm sorry." ngumite nalang ako ng pilit dahil sa paumanhin na sinabi ng isang babae.

"What the!! Ba't ikaw yung humihinge ng sorry sa babaeng yan manager.." tinuro niya ko. Eskandalosa. Akala koba famous siya? Bakit gano'n nalang kung umasta.

"Miss jaime. Kung ipapatuloy niyo yang ginagawa niyo. Masisira ang career niyo at image ng pangalan nang pamilya niyo miss jaime. Dala niyo ang apelyido ng pamilya mo remember? Kung ayaw niyong magpapigil. Okay! Hahayaan kita." bumalik yung manager daw niya sa kotse. Tumingin siya saken, pagkatapos tinignan din niya ang mga tao na kanina pa nanunuod.Pumasok siya sa kotse at umalis din kaagad.Sinundan ko ng tingin ang kotse niya.May matandang lumapit saken.

Ang masungit kung guro (On-Going) A teacher's And Student Love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon