Chapter 16
Rhaine POV:
"Tawagin mo nga yang kuya mo. Malapit na mag alas siyete. Saan naman kaya yun naglusot?" tinignan ko si mama. Kakatapos lang namin kumain at kanina pa siya nagsasalita.Bumuntong hininga ako at tumayo.
"Kadenahan niyo lang ma, malay mo tumino yun." biro ko.
"Puro ka kalokohan. Tawagin mona yung kuya mo." sabi niya at pumunta sa kusina.
Napailing nalang ako. Mashadong protective. Kung tutuosin matanda na yun at alam niya yung ginagawa niya, at isa pa. Di naman yun marerape kase lalake yun. Unless magkaka interest yung bakla sakanya. Hindi naman yun mabubuntis kung mari-rape man siya ng bakla.Diba?
Haisst! Aakyat na sana ako ng biglang tumunog yung cellphone ko.
'Unregestered number?'
"Yobeoseyo?" try kolang mag korean. Hehe! "Nuguseyo?" dagdag kung sabi.
Ano kayang reaction neto?
"Tangna! Korean pala to. Mukang mali ata natin nakuha yung number na nakasave kay kola eh." rinig kung sabi nong sa kabilang linya sa kasama niya.
Agad din naman napangunot yung noo ko at salubong kilay ng marinig ko ang pangalan ni hudlong.
[Ha? Bakit ano bang sabi?]
"Ewan, yo-yobo? ah basta! Yosi daw hinanap. Pati calibre. Adik yata to"
Nuguseyo kaya yun.
Teka? Ako? Adik? Mga sira ulong to. Sa mukha kung to adik? Putek! Mukha ba akong adik?
Paulit-ulit lang.
"Hoyy! Sino ba kayo ha?" medyo inis kung tanong sa kabilang linya. Narinig ko silang nagsasalita na mahina lang. Pero dinig ko naman.
"putek! Nagsasalita pala to ng tagalog.."Ay chong, diba halata? nagsasalita na nga diba?Nagsalita ako.
"Mga buang man mo? Unsa man inyo tuyo sa akoa?" ayan. Nag bisaya tuloy ako ng wala sa oras.Narinig ko silang nag gasp!!
"Ha? Anudaw?"
"Tangna! Ano bang kailan niyo?" inis kung tanong sakanila. Kanina pato eh? Hindi nalang diretsohin kung anong sasabihin.
"Ikaw ba yung kapatid ni kola?"
"Oo, bakit? Anong kailangan niyo?" tanong ko sakanila. Nacucurious na ako eh.Napatingin ako bigla sa may kusina ng makita ko si mama na biglang lumabas.
"Yung kuya moba yan? Akina nayang cellphone mo at makakatikim yun nang salita. Aba'y kanina pa yun hindi umuwi." lumapit siya saken.
"H-hindi..Si taba lang. Nagtatanong ng kung may assignment ba." diretso kung sagot kay mama. Pwede nako mag actress."Aakyat lang ako." pigil ang hininga akong umakyat sa taas.Iba kase yan magalit pag may kausap ako.
"Punta ka dito sa bar, may kaaway yung kuya mo dito. I-isend ko sa'yo ang location" biglang sabi niya at pinatay ang tawag.
Ano namang ginawa nong hudlong nayun? Bweset.
Mamaya lang nakatanggap na ako ng mensahe. Bar ng Location na kailangan kung puntahan.
Tinignan ko ang suot ko. Nakasuot na ako ngayon ng pajama.
Tsk! Bahala na.
Bumaba na ako. Nagpalinga linga muna ako baka nando'n si mama sa baba. Nang masiguro na Wala si mama, agad akong lumabas.
"shit" napatampal ako sa noo ng marealize kung wala pala akong bike o kahit anong masasakyan ko.
Nagpalinga linga ako. Pero agad din napahinto ng makita ko yung bike sa kapitbahay namin.
*Evil laught*
BINABASA MO ANG
Ang masungit kung guro (On-Going) A teacher's And Student Love story
Teen FictionGirl: walang pakealam sa paligid, tipid kung magsalita , may tatlo siyang kaibigan, grabe kung magalit. lumabas ang pagka baliw niya pag mga kaibigan na niya ang kasama, bobopols sa math Pang kpop ang outfit pag pumasok na sa classroom tinatangha...