CHAPTER 8
Rhaine POV:
Fridaayyyyy
Maaga akong gumising at inuunat pa bahagya ang mga braso ko. Matagal akong nakatulog kagabi dahil tinapos kopa ang panunuod ng paborito kung kdrama.. May assignment ako pero hindi ko muna binigyan ng pansin iyon. Total,biyernes ngayon at lunes pa iyon ipapasa..Hinikikab kopang Kinuha ang cellphone ko at tinignan ang oras. Alas syete palang. Mashado pang maaga, siguro dahil excited lang akong maglaro. Sa friday ay may dalawa kalang pagpipilian. It's either mag excercise o kaya ay maglaro ng sports. Ang paborito ko talagang laro ay futzal. Futzal ang tawag kapag babae ang maglalaro, pero kapag lalake naman ay soccer. Iniba lang ang pangalan pero magkapareha naman ang ginagawa.Sa totoo lang, Volleyball talaga ang gusto ko dahil paborito ko si Valdez nong elementarya palang. Munit, ininggayo ako ng schoolmate kona itry itong laro na eto. Nung una ay hindi ko alam kung pano i manage ang paglalaro neto pero habang tumatagal ay ina araw-araw konang pinapractice.
-KNOCK KNOCK-
Napatingin ako sa may pintuan ng may kumatok.
"Bakit?!" Inis kung sigaw
"Buksan mo nga." tss! Ano na namang problema ng lalakeng to. Tumayo ako at pinagbuksan siya ng pintuan.
"Oh?" tanong ko, munit ganon nalamang ang gulat ko nang makita ko siyang may dalang traveller bag. "Mag tra-travel ka? Saan? Sa korea? sasama ako?"
"Tanga. Hindi, tch!" lumingon lingon pa siya sa likod. "Wala ba kayong klase?"
"Meron.."
"Ahh!"
"Sa'n ka pupunta?" Tanong ko munit hindi niya ako pinansin, kinuha niya ang kanyang cellphone at nagtitipa roon.. Bahagya kopang hinampas ang balikat niya. "Kola?" tawag ko, pero tinignan niya ako ng nanlilisik na mata. Napatawa ako ng mahina.
"wag mo nga akong tawagin ng ganyan.Tch!"
"Bakit ba? Pangalan mona man yun?!"
"bweset! Basta, ang bantot pakinggan." inis niyang sabi. Arte neto! Sarap tadyakan sa apog. "May pupuntahan lang ako. Kung sakali man na hanapin ako ni mama, sabihin mong nando'n lang ako sa kaibigan ko." Nakataas ang kilay ko at napamewang na tinignan siya. Siya naman ay nakakunot ang noo.
"eh, kung gano'n. Ba't may dala kang bag? ah, ah Sa kaibigan ba talaga?" pagsisiguro ko na inikot kopa ang kabubuan niya. Agad niya naman akong dinungkol sa noo dahil sa ginawa ko. Napanguso naman ako.
"Tigilan mo nga yan..Tch! Basta, sabihin mo kay mama na do'n muna ako ng ilang araw."
"ilang araw kabang wala dito?"
"Two days lang.." Ngumite ako ng pait ng marinig kung dalawang araw siyang wala dito.
Ba't two days pa.? Tch!
Huminto siya sa kanyang ginagawa ng makitang gano'n ang itsura ko. Sumeryoso siya. "wag ka ngang magdrama diyan. Hindi pa nga ako umaalis, mamiss mona agad ako? Haha" napangiwi ako dahil dun.
"Well, nakakalungkot lang isipin na dalawang ara--" he cut me off.
"Babalik din naman ako sa linggo ng hapon eh.." he patted my head, pero tinapik kolang yung kamay dahil ayaw ko ng gano'n. "Ba't kaba naglulungkot diyan? Haha!"
"Ba't dimo gawing one week o kaya naman ay two weeks." Agad nawala ang kanyang ngite ng sabihin ko iyon. Bahagya pa akong umatras baka sapukin niya ako. Hindi ako nalulungkot dahil dalawang araw siyang wala dito, nalulungkot lang ako dahil mabilis lang iyon..
BINABASA MO ANG
Ang masungit kung guro (On-Going) A teacher's And Student Love story
Teen FictionGirl: walang pakealam sa paligid, tipid kung magsalita , may tatlo siyang kaibigan, grabe kung magalit. lumabas ang pagka baliw niya pag mga kaibigan na niya ang kasama, bobopols sa math Pang kpop ang outfit pag pumasok na sa classroom tinatangha...