PROLOGUE

401 18 2
                                    

𝑾𝑨𝑹𝑵𝑰𝑵𝑮!!!

𝚃𝙾𝙾 𝙼𝙰𝙽𝚈 𝚃𝚈𝙿𝙾𝚂 𝙳𝙰𝙷𝙸𝙻 𝙷𝙸𝙽𝙳𝙸 𝙿𝙰 𝚂𝙸𝚈𝙰 𝙽𝙰𝙴-𝙴𝙳𝙸𝚃. 𝙷𝚄𝚆𝙰𝙶 𝙿𝙴𝚁𝙵𝙴𝙲𝚃𝙸𝙾𝙽𝙸𝚂𝚃. 𝙷𝙴𝙷𝙴𝙷𝙴. 𝚂𝚃𝙸𝙻𝙻, 𝙴𝙽𝙹𝙾𝚈 𝚁𝙴𝙰𝙳𝙸𝙽𝙶!

•••••••

"Welcome home, Young Master."

"Where's my father?" Wika niya at naglakad papasok ng kanilang tirahan.

"His Magesty's in his room, Young Master." Sagot ng mga katulong na agad niya namang tinanguhan. Agad niyang tinungo ang hagdanan at mabibilis ang hakbang na umakyat patungo sa kwarto ng kaniyang ama.

Binuksan ng mga guwardiya ang pagkalaki-laking pintuan. Tuluy-tuloy siya sa pagpasok at hinanap ang kanyang amang naka-himlay sa kaniyang kama.

"Father." Tawag niya sa kaniya na halos hindi na makagalaw. Gumuhit ang ngiti sa labi ng matanda at tumingin sa kaniya. Ni hindi na nito maigalaw ang kaniyang mga kamay sa sobrang panghihina. Hindi niya maipaliwanag kung bakit. Malakas pa ang kaniyang ama nang umalis siya ng bansa. Alalang-alala pa niyang masigla pa ito. Ngunit ngayon, ni paggalaw ng isang daliri ay hindi na niya magawa.

"L-LIFE..." pabulong na halos na wika ng kaniyang ama. Hindi na nito magawang maibuka ang kaniyang mga labi sa sobrang panghihina. Nahabag siya sa kaniyang ama. Lumuhod siya sa kaniyang tabi at isinaklop ang kaniyang mga kamay sa nanlalamig na kamay ng kaniyang ama.

"I'm----d-ying..."

"No. No, no, no. Don't say that, Father. Gagaling ka pa. Don't leave me yet. Father..."

Napa-ngiti ang kaniyang ama. Masaya siyang makita ang pinakamamahal niyang anak sa mga huling sandali ng kaniyang buhay. Siya na lamang ang natitira sa kaniya. At ngayon, mawawala na siya. Ayaw niya pang lisanin ang mundo. Gusto nya pang mabuhay ng matagal kasama ang pinakamamahal niyang anak. Gusto niyang masaksihan ang kaniyang kasal, ihele ang kaniyang magiging mga apo, at maging mabuting manugang sa magiging may-bahay ng kaniyang anak. Naluluha siya sa isiping hanggang dito na lang ang buhay niya. Kung hindi niya lang sana hinayaan ang mga 'yon...

"P-Pa...pers..." sabi niya na sinundan ng ubo. Tumingin siya sa isang envelope na nasa paanan ng kaniyang ama. Kinuha niya ang mga iyon.

"What are these for, Father?" Naguguluhan niyang tanong ngunit wala nang lakas pang sumagot ang kaniyang ama. Kinuha niya ang papel na naka-singit sa seal ng envelope. Iyon ay para sa kaniya. Tumingin siya sa kaniyang ama na naka-tingin lamang sa kaniya at tumango ng marahan. Wala na siyang nagawa at binasa ang sulat.

For my beloved son,

I want you to give this envelope to my friend. I want you to find my friend. My friend can help you. I want you to be strong. You know how much I love you. I love you more than anything in this world. My friend will protect you against them. If only I could live more, I want to witness you being happy with your wife. Having childrens, my grandchildrens, I want to be the best grandfather for the both of them, and I want to do many things but this is my end already. I love you, son. You're my everything.

"R-R-Rin..."

"F-Father..." hindi na niya napigilan ang sariling lumuha habang hawak ang kamay ng kanyang amang diretso ang tingin sa kaniya at maliit na naka-ngiti. Hinagkan niya ang kamay ng kanyang ama habang walang tigil ang pagtulo ng kanyang mga luha.

The Dragon's Seal: DEATH after LIFE (UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon