May tayo nga ba?
may tayo nga ba?
iyan ang gumugulo sa aking isipan
dahil nililito mo ako
sa iyong mga galaw at salita
may tayo nga ba?
tanong ng aking isipan
tanong na gumugulo sa aking damdamin
na umeepekto sa aking sarili
ngunit alam kong walang tayo
dahil sa simula pa lang naman
ay nararamdaman kong magpalipas oras mo ako
ngunit hindi ko mapigilang umasa
na ako'y gusto mong maging iyo
kahit na hindi naman talaga mangyayari sa totoo
YOU ARE READING
My 2019 Poems
Poetryhere will be all the poems i wrote this year until the 31st of December 2019.
