Note: September 2, 2019
Sa paglipas ng panahon
Unti-unting nauubos ang tinta ng kahapon
Sa bawat lakbay sa mundong pabago-bago
Di mawari kung makakaya pa dito
Ngunit hindi maaaring sumuko
Kung kaya't lalaban nalang hanggang sa duloSa bawat araw na dumarating
Mga bagong problema ang ating kakaharapin
Di namamalayang pati pangsulat ay nababawasan na rinKailangan muling maghanap
Ng bagong tinta
O kaya nama'y
Maghintay nalang hanggang sa makapagsulat muliNandirito ako sa inyong harapan
Para pormal munang magpaalam
O sabihin nating, magpahinga
Sapagkat akin munang haharapin
Ang mga naipong problema sa totoong mundoNgunit babalik ako
Hindi nga lamang sa makalawa o ikatlo
Pero maihahalintulad mo na parang maglalakad ako hanggang sa kabilang ibayo
At sa aking oras ng pamamahinga
Ay muli akong magbabahagi ng mga piyesa, hindi nga lamang tulad ng iba o noong una
Kung kaya't pagpasensyahan nyo ako, sana

YOU ARE READING
My 2019 Poems
Poezjahere will be all the poems i wrote this year until the 31st of December 2019.