Pagpapalakas
Kaibigan, kamusta ka na?
Batid ko'y ika'y nahihirapan na,
tama ba?Ikaw ba'y pagod na?
Mula sa lahat ng pag-aapi,
pananakit, atsaka pagpapahirap?Gusto mo na bang mamahinga?
Mula sa lahat ng problema,
at sa mga taong iyong nakakasalamuha?Sawa ka na ba?
Na mabuhay, lumaban—
tsaka magpanggap na ika'y ayos lamang?Susuko na ka ba?
Sa paglaban dahil hindi mo na kaya?
Wala ka na bang lakas?Ngunit bakit?
Bakit ngayon ka pa susuko?
Kung kelang halos habang buhay ka nang lumalaban?Lumaban ka, aking kaibigan.
Sapagkat alam kong malalampasan mo rin 'yan.
Magpahinga ka munang saglit—
at tsaka ka lumaban muli,
kapag nakuha mo na ang lakas na iyong kinakailangan.

YOU ARE READING
My 2019 Poems
Poetryhere will be all the poems i wrote this year until the 31st of December 2019.