023

1 0 0
                                    

Tagapaghanga

magandang hapon/ umaga/ gabi
eto ako, nagpaparamdam
sa iyo bilang
isang taga-hanga

ako ay iyong taga-hanga
na humahanga sayo
mula sa iyong pinakaayaw na bahagi sa katawan
hanggang sa mga pinagkakaguluhang parte sa iyo

ang aking paghanga
na tumatagal,
lumalalim
hanggang sa nagiging pagmamahal

mahal-- aking mahal
noon ay hindi ko ito nararamdaman
ang mga damdaming ngayon pa lamang
na aking nadarama

ang selos,
ang galit,
ang tampo,
at ang lungkot

nakakaselos dahil andaming lumalapit sa iyo
nakakagalit dahil sa hindi ko malamang dahilan
nagtatampo dahil sa wala kang ginagawang iba para lumayo sa kanila,
at lungkot dahil alam ko namang wala akong magagawa dahil hindi ka naman akin at wala akong pag-asa sa iyo dahil ako'y isa lamang sa napakadaming nagapag-hanga mo

My 2019 Poems Where stories live. Discover now