070

0 0 0
                                    

Note: August 4, 2019.

Akala

      akala ko ikaw na talaga
      akala ko tayo na talaga
      akala ko hanggang dulo
      na tayong dalawa,
      pero akala ko lang pala

      akala ko magtatagal,
      dahil mukha naman,
      sabi din ng iba,
      kaya napaniwala na talaga

      akala ko tayo na talaga
      sapagkat nakikita ko na
      ang kinabukasan ko kasama ka,

      akala ko ito na talaga,
      yung relasyong pangmatagalan
      na aabot na hanggang simbahan

     kaso akala ko nga lang pala
     masyado akong naniwala
     kaya hanggang ngayon
     ay ako'y lumuluha pa—
     dahil inakala ko talaga
     ang dapat na panandalian lang na saya
     kahit pangmatagalan ang sakit
     na aking nadarama.

My 2019 Poems Where stories live. Discover now