What If
'What if di ka sumuko?'
Edi sana masaya parin tayo ngayon.'What if lumaban ka?'
Edi sana tayo parin.'What if di ka nagloko?'
Edi sana di tayo naghihirap ngayon.'What if di natin nagustuhan ang isa't isa?'
Edi sana di tayo nagkasakitan.'What if di tayo nagkakilala?'
Edi sana masaya tayo ngayon, kapiling yung mga para satin talaga.Kaso hindi eh, nakilala natin ang isa't isa.
Nagustuhan natin ang isa't isa.
Naging tayo pa.
Kaso unti-unti ka ng lumalamig,
ipinaglaban parin kita.
Kaso sumuko ka ng tuluyan,
tas yun pala, nagloko ka.
Kaya ka sumuko dahil di mo na kayang itago yung relasyon ng pinsan ko.
Yung pinsan ko na naging dahilan kung pano tayo nagkakilala at ang dahilan kung bakit tayo nawasak sa huli.

YOU ARE READING
My 2019 Poems
Poetryhere will be all the poems i wrote this year until the 31st of December 2019.