Note: August 1, 2019
Pangarap
aking naisip, na baka hindi
para sa akin—
ang ninanais na pangarap,
ng aking mga magulang
para sa akin.ako'y nagsikap,
para makamit ang pangarap
ng aking mga magulang
para sa aking kapakanan.ako'y nagsisi,
dahil hindi ko nagawa
ang lahat ng aking makakaya
para sa kanilang pangarap.ako'y nalilito,
sapagkat hanggang ngayon
ay hindi ko parin alam
ang aking magiging pangarap.ako'y nananalangin,
na sana'y malaman ko rin,
ang aking magiging pangarap
sa tulong nyo.

YOU ARE READING
My 2019 Poems
Poesíahere will be all the poems i wrote this year until the 31st of December 2019.