Note: August 31, 2019
AYOKO NA
; hirap na hirap na'ko
ilang beses ko nang hinihiling
na sana'y matapos na itong
paghihirap ko
o kaya nama'y
mapalitan man lang
ng kakaunting saya—
kahit panandalian lang
nahihirapan na ako—
na magpanggap na ayos lang ako
na laging mga pekeng ngiti lang ang
naipapakita ko
na puros sakit at pagka-ayaw nalang
ang nararamdaman ko.
sawa na ako
lagi nalang peke, sakit at paghihinagpis
mga taong peke na andyan lang kapag
may kailangan sayo
mga kaibigang nang-iwan para lamang
sa mga kapantay nyang uri sa buhay.
hindi ko na kaya...
—pagod na pagod na'ko

YOU ARE READING
My 2019 Poems
Poesiahere will be all the poems i wrote this year until the 31st of December 2019.