Note: August 9, 2019
ngiti—
na sana'y magawa kong muli
dahil nakakasawa na
'yung purong peke nalang
at hindi makatotohanan.
luha—
na milyong balde na ang napuno
ay sana'y tumigil na,
dahil maaari ko nakong
maging kuhanan ng tubig
sa paglipas ng panahon.
kaibigan—
na kailan ma'y hindi ako tinuring na tunay
at naging sanhi ng aking mga hinanakit
ay sana'y aking maiwan na
para na din matigil ang aking katangahan.
at sarili
na nagmumukhang kawawa,
tanga, at lagi nalang mali
ay sana'y magbago
at di na matutulad sa dating ako

YOU ARE READING
My 2019 Poems
Poesíahere will be all the poems i wrote this year until the 31st of December 2019.